ANALYN POV "Aba! May pa ganyan ganyan pa kang nalalamang babae ka ha? Kahit buntis kita, papatulan talaga kita!" Lumapit siya sa akin at inihanda pa nga niya ang kanyang kamay at tila ay handa na akong saktan. "Paparating na po si Brent at yung katulong ninyo. Sure po ako na kapag sinampal ninyo ako ay mahahalata ito ni Brent at hinding hindi ko magagawang mag sinungaling sa asawa kong mahal na mahal ko." Inalis niya ng mabilis ang kamay niya. Mabuti na lamang at umatras siya kasi kahit na naka confine lang ako ngayon, titiyakin ko sa kanya na hinding hindi ko siya aatrasan sa kahit na anong klaseng laban na gusto niya. "Anyway, hindi na kita kailangan pa sa buhay ko dahil mayroon nang tao na magiging kapalitan mo. And I am so glad to finally get rid of you." "Wala pong kaso sa aki

