ANALYN POV Nakaka imbyerna talaga kapag kasama mo yung taong kinaiinisan mo sa loob ng panahon tapos wala ka rin namang ibang choice kung di ang makisama sa kanya. Tapos ni lock pa niya yung pintuan at pagkatapos ay lumapit sa akin. Alam na alam ko na kaagad kung ano yung gagawin niya ngayon sa akin! Sobrang imbyerna lang siya! "Analyn, if you really think na kakaawaan ko ang kalagayan mo, you are solely mistaken! I am not here para kaawaan kita. But I am going to use this damn opportunity para sawayin ka para hindi ka na umulit." "Di ba ayan na rin naman po ang sinabi ko kanina? Pramis, hindi na po talaga ito mauulit pa." Sambit ko habang naka diretso ako ng tingin. "Hindi habang buhay ay mabibilog mo ang ulo nga anak ko," sambit niyang muli, napatingin na ako sa kanya. Sobrang gra

