BRENT POV "Sir, wag niyo na pong intindihin ang bagay na yan. Ako nga chill chill lang. Malay mo hindi ako umabot ng 60 eh di mas maswerte ako," sagot niya pa sa akin. "Anong maswerte? Ayos lang sayo ang ganyan?" sambit ko pa. "Sige na sir. Wag na lang nating pag usapan ang tungkol sa buhay ko kasi parehas lang tayong walang mapapala. Pero siya nga pala, marunong din akong mag mix ng mga alak. Kung gusto, pwedeng pwede kitang gawan ng mix na alak. Oh di kaya kung kailangan mo ng kasamang uminom, available naman ako." "Asa ka? Marami akong mga kaibigan na pwede kong yayain na uminom. Wag kang feeling." "Pero sir. Di ba karamihan naman ng mga kaibigan mo ay nasa Manila? Eh parang ang hassle naman kung papupuntahin mo pa sila rito para lang makipag inuman sayo." "Kahit na ikaw pa ang

