ANALYN POV Bigla na lamang nag bukas ang pintuan ng hindi namin namamalayan. Bumungad sa aming dalawa ni Richard sila Madam Cynthia na nakatingin sa akin ng masama. At si Brent na halos abot langit ang ngiti ng makita ako. Lumapit pa nga siya at tumabi naman si Richard para bigyan kami ng moment ng asawa ko. Niyakap akong mahigpit ni Brent and I admit na nawala ang galit ko sa kanya kahit papaano. Ang sarap din pala sa pakiramdam kapag kayakap mo yung taong mahal ko kahit na medyo naiinis ako sa kanya kanina. "I am so glad na gising ka na babe, pramis hinding hindi na kita pababayaan this time." Pinilit ko siyang yakapin sa harap ni Richard para lang malaman ng mokong na ito na hindi niya basta basta kayang tibagin ang relasyon naming dalawa ng asawa ko. Hanggang sa inggit na lamang a

