ANALYN POV Nakakapang hinayang lang din na hindi ko man lang nararamdaman sa asawa ko na matimbang talaga ako sa kanya. At nakakalungkot lang na talagang hindi na ako nakakita ng snow sa ibang bansa dahil sa pakikialam ng biyenan ko. "Pag pasensyahan mo na lang si mama. Matanda na rin kasi siya kaya madalas rin siyang ma highblood siya." "Nako Brent! Halos ako naman palagi ang umiintindi sa kanya kahit naman hindi mo sabihin yan. Pero nanay mo kasi siya at wala na tayong magagawa. Sanay na rin naman ako sa ugali niya kahit papaano eh," pag sisinungaling ko pa sa kanya. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga inuunawa ang sitwasyon niya kasi feeling ko ayaw niya lang naman talaga sa akin sa umpisa kasi mababang babae lang ang tingin niya sa akin. At hindi dahilan ang pagiging thunders ni

