ANALYN POV Pag uwi namin, marami kaming mga dalang pagkain na tinambak sa aming condo. As in sa sobrang puno nga ng mga ito, halos hindi na magkasya sa ref kaya yung iba ay nilagay na lang sa dining area. Bago kami matulog ng asawa ko, nag yosi muna siya sa labas at hinayaan niya akong mag pahinga sa loob ng kwarto namin. Kaya naman out of boredom, kinamusta ko muna ang kaibigan kong si Karen sa bar. Since ilang araw na rin kaming hindi nagkikita, na miss ko lang ng sobra sobra ang asawa ko. "Musta bes?" tanong ko sa text. "Huy kamusta ka na friend? Akala ko naman kung ano nang nangyari sayo since hindi ka na nagpaparamdam. Akala ko nga nakalimutan mo na ako kasi batanguena ka na! Ano na?" I decided na tawagan ko na lamang itong kaibigan ko kaysa sa mangalay ang kamay ko sa kaka te

