ANALYN POV "Mall? Gusto ko na lang sanang magpahinga sa bahay," mahinang sabi ko pa. Nakakapagod lang din kasi talaga ang araw na ito sa akin. Bukod sa gutom ako, pahinga ang gustong hanapin ng katawan ko. "Sige na Analyn. Pumayag ka na kasi wala na tayong halos kakainin sa bahay. Kailangan din nating mag shopping. And since buntis ka, wag naman sanang puro junk food at processed foods ang ituturo mo sa asawa mo. Sundin mo ang sinabi ng doctor sayo na puro prutas at gulay lang ang kainin mo. Good for one month na ang bibilhin nating mga pagkain kaya ayusin mo ang ituturo mong pagkain," pagsingit na naman ng gurang na si Cynthia. "Tama si mama," pag sang ayon pa ng asawa ko. "Alam kong mahilig ka sa mga junk foods at mga processed foods pero hindi talaga iyan maganda sa kalusugan mo ba

