Someone's Point of View "AKALA KO makakaligtaan mo na naman ang therapy natin ngayon." Bungad ko sa matigas na ulo kong pasyente. "I can change my mind right?" May ngiti niyang saad. Iba ang uri ng ngiti niya ngayon. Parang may ginawa siya na kakaiba na kinasaya niya. "May ginawa ka no? Iba ang ngiti mo ngayon eh." Pinakatitigan ko siyang maigi. "She will be mine sooner or later. And I will treat her as my queen, Rish. And no one can stop me from doing so." Tapos ay malademonyo siyang ngumiti. Okay. Wala na akong sinabi. Dahil pag baka kinuntra ko siya may mangyayaring di maganda. At iyon ang iniiwasan kong mangyari. No matter what he is planning to do. I'll just support him. Iyon ang kailangan niya. Ang unawain at intindihin siya. Atleast hindi na niya nakaligtaan ang therapy niya.

