Andrea Point of View ANG KANINANG saya na naramdaman ko ay bigla nalang nawala na parang bula. Sino ba kasi ang lalaking iyon? Ano ba ang kailangan niya sakin? Kung sino man siya mamatay nalang siya. Kesa guluhin niya ang buhay ko. Bakit niya pa kailangan na sirain ang araw ko? Kung wala siyang magawa sa buhay niya magbigti nalang siya. "Oh Andeng, bakit para kang nakakita ng multo diyan?" Nabalik ako sa aking ulirat ng tapikin ako ng isa kong kasamahan sa trabaho. "H-ha? Ah.. w-wala. Wala to." Wala sa sarili kong untag. Nagtataka niya naman akong tiningnan. Napabaling ang tingin niya sa mga bulaklak na nasa sahig. "Sayang naman ng mga bulaklak na ito Andeng. Sayo ba ito?" Tanong niya sa akin. Mabilis akong umiling bilang pagtanggi. "Ganun ba? Akin nalang to." At umalis na siya d

