CHAPTER 8
Napakalapit ng mukha niya sa akin, parang na estatwa ako sa posisyon namin at ‘di alam kung anong gagawin.
“Bakit ka umalis at naglalasing?” halata sa boses niya ang pagkairita ngunit nanatili namang kalmado ang mukha.
‘Tila nagising naman ako dahil sa pag tanong niya at pilit siyang tinutulak ngunit lalo niya lang hinihigpitan ang paghawak sa aking kamay.
I glared at him and looked away. “Bitawan mo ang kamay ko, nasasaktan ako.”
His face softened and immediately loosen his grip on my hand. Humakbang ako ng isang dipa paatras sa kanya. He look hurt but I don’t care, doble naman ang nararamdaman ko ngayon.
“Please, Rica… can you tell me what’s wrong? Ayokong magkaroon ka ng sama ng loob sa akin.”
Humalukipkip ako at tiningnan siya nang masama, “Sana naisip mo 'yan noong una pa bago ka gumawa ng isang bagay na makakasakit sa akin.”
Napaisip siya at halatang naguguluhan, “I-I’m sorry, but what did I do?”
“Madieson,” sabi ko at huminga ng malalim. I saw his expression changes, it clicked him already.
I heard him curse a word and licked his lower lip. “Please let me explain, Rica. Walang namamagitan sa amin ng babaeng ‘yon. She is just so obsessed with me but I don’t give her any attention.”
Ngumisi ako, “Ang defensive mo naman. Staff mo na ang nagsasabing bumibigay ka kapag nasa paligid siya tapos ngayon sasabihin mong hindi mo siya binibigyan ng atensyon?” Tumalikod ako upang itago ang nagbabadyang luha.
Naramdaman ko namang lumapit siya, “My staff is correct—”
“See?” sabi ko ng muli siyang harapin matapos niya sabihin ‘yon.
“Let me finish first, please…” I stayed silent, and he continued, “My staff was right, but that was in the past. Madieson and I were just two people who agreed to keep things casual, nothing serious. After she left to pursue her career, we stopped communicating. And believe it or not, everything changed when I saw you again.” Lumapit siya at hinawakan ang magkabila kong kamay, “Maniwala ka sa akin, Rica. Nagsasabi ako ng totoo at wala akong ideya kung ano ang dahilan ng pagpunta niya dito. We are just talking earlier, and maybe you caught her hands curling up my arms pilit kong tinatanggal ang kamay niya ngunit kumakapit siya lalo.”
“Alam mo, umalis ka na. We are done here, buti na lang at uuwi na ako bukas, you can enjoy your time with her again.” I said firmly.
Tatalikuran ko na sana siya ngunit pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa aking braso at hinila ako palapit sa kanya upang yakapin ng mahigpit.
“No… no.” mariin niyang sabi. "Please, let me show you how I truly feel about you. Let me prove that I’m sincere and that my intentions are pure. Hindi ako katulad ng ex mo, Rica."
Huwag kang bibigay, Rica. Subalit natalo na naman ako ng tanawin ang kanyang mga matang nagsusumamo at mukhang nagpapakita na nagsasabi siya ng totoo ng kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.
Magkasalubong ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Ramdam ko ang kaba niya. Hindi ko alam kung tama ito, pero gusto kong bigyan siya ng pangalawang pagkakataon.
“May utang kang stargazing sa akin.” I managed to answer him.
His face lightened up and pulled me into a hug once more. “Sure, Rica. Gusto mo ngayon na o bukas ng gabi?”
I softly chuckled and tap his shoulder, “Uuwi na ako bukas.”
“Hindi ka ba pwedeng mag-extend?” Bahagya kaming humiwalay at pinagmasdan niya ang mukha ko. “Sige na, Rica.” Ang cute niya, parang bata!
“I guess there’s no harm in staying a little longer,” I thought, smiling to myself.
His eyes lit up as he kissed my forehead, and hugged me again, tighter this time. “Promise, I’ll make it worth your while,” he whispered, making me laugh softly.
“Siguraduhin mo lang.”
***
"Hi bes! Napatawag ka? Omg! Ngayon pala ang uwi mo, gusto mo bang sunduin kita sa airport?" bungad niya sa akin sa telepono.
“No need, Shana.—”
“Sus! Nahiya pa si anteh! Okay lang naman sa akin, eh.” She said after cutting me off.
“Gaga!” Uupo na sana ako ng may marinig akong katok sa pinto. Nilapitan ko ang pinto at binuksan ito, bumungad sa akin ang isang napakagwapong nilalang. He is wearing his usual eyeglass, kahit hindi naman niya ‘yon suot ay pogi pa rin.
“Hoy! Nandyan ka pa? May kausap pa ba ako?” ani ni Shana.
Natawa ako ng mahina, DJ is still standing in front of the door. Sinenyasan ko muna siya na pumasok sa loob ng villa. Umupo siya sa kalapit na couch habang dumiretso ako sa kama at doon umupo matapos isara ang pinto.
I smiled at him before talking with Shana again. “Hindi pa ako uuwi, I’m staying here for a week again.”
I heard her screamed kaya nilayo ko ang aking cellphone. “I knew it! I knew it!”
“Pinagsasabi mo dyan?” itinaas ko ang aking kilay.
“Pakilala mo ako sa bago mo, ah!” halata sa boses niya na kinikilig siya. Narinig ata ni DJ dahil natawa siya, umiinit na tuloy ang pisngi ko.
Ano ang isasagot ko kay Shana? Nahuli kong nakatingin si DJ sa akin ng seryoso, mas lalo tuloy akong nahiya.
“Shunga!” Tumikhim ako, “W-We’re getting to know each other pa and…”
“And? Naku, Rica Louise, huwag mo kong binibitin diyan!” pagbabanta niya dahilan upang muli akong matawa.
“And we are taking things slow.” sabi ko ngunit ramdam ko ang pagkadismaya ni Shana sa kabilang linya. “But I’m happy whenever I’m with him.”
Pagkatapos ko ‘yon sabihin ay tumili ulit si Shana, hindi na ata kinaya ang kilig. Napansin ko namang tumayo si DJ at lumapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko, and unexpectedly he reached for my right hand and intertwined our hands.
I pursed my lips to hide my giddiness and to stay composed. Puta naman kasi ‘tong lalaking ito, dumada-moves!
“Sigi na, Shana. Baka mapaos ka pa dyan sa kakatili. See you soon, bestie!” I said then I hung up.
Sandaling nabalot ng katahimikan ang kwarto ko hanggang sa naramdaman ko ang pagpisil ni DJ sa kamay ko.
“Are you alright? Ready ka na to have breakfast?” he asked in his baritone voice.
I shyly glanced at him and nodded. What the hell is happening to me? Hindi naman ako ganito dati?
Dumapo naman ang kanang kamay niya sa pisngi ko at marahan itong hinaplos. "Looks like the cat’s out of the bag—you can’t hide that blush."
We both chuckled but eventually, DJ’s expression changed. He looked at me straight in the eyes then down to my slightly parted lips. He is leaning closer and as if it was my cue, I closed my eyes.
Then, I felt his soft lips pressing on my forehead.