bc

Beneath the Summer Sky

book_age16+
41
FOLLOW
1K
READ
HE
fated
second chance
boss
sweet
bxg
lighthearted
city
childhood crush
addiction
like
intro-logo
Blurb

Rica Louise thought she had love all figured out. She dreamed of taking her relationship with her long-time boyfriend to the next level, only to have her heart shattered by his betrayal. His infidelity leaves her questioning her worth, but a week-long vacation offered by her best friend promises a chance to heal.

Seeking refuge at a beach resort, Rica unexpectedly crosses paths with DJ—a charming CEO who seems familiar, though she can’t remember him. As he reignites her hope for love, Rica begins to trust again.

But just as her heart starts to heal, a shocking revelation about DJ and a twist from her past threaten to unravel everything.

With her heart on the line and secrets rising to the surface, can Rica find true love? Or will the summer storms leave her heartbroken once more?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
This novel is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, organizations, or persons, living or dead, is entirely coincidental. All rights reserved. Copyright © 2024 No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the owner, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law. Some typos and grammatical errors may have been overlooked. I apologize for any inconvenience this may cause. This is written in Tagalog-English. Trigger Warning. The story may contain strong language, inappropriate words and other explicit scenes that may not suitable for young readers.  Read with discretion. *** “Hello, Enzo?” “Rica? Napatawag ka?” ani ng boyfriend kong parang nahihirapan magsalita. Napakunot ang noo ko. “Nasaan ka ba? Akala ko ba wala kang gagawin ngayong araw, gusto kitang surpresahin pero ‘di kita mahanap dito sa condo mo.” “Ah―” Tumikhim siya. Bakit siya umuungol?! “Uhm, Rica, may kailangan ka ba? Mamaya na lang tayo mag-usap?” Huminga na lang ako ng malalim, feeling defeated. “K fine, ang akala ko talaga masasamahan mo ako sa reunion ng mga ka-batch ko.” “Sorry, Rica. B-babawi ako sa susunod, pangako ‘yan.” “Sige, sabi mo ‘yan, ah.” Nabuhayan ako ng loob. “I love you―” What the! Pinatayan ako ng telepono? I tried to call him back, but I couldn’t reach him anymore. Napabuga na lang ako ng hangin at umalis na lang sa condo niya. It’s seven in the evening, naabutan pa ako ng traffic kanina dahil rush hour. Nag commute lang din ako kaya yung itsura ko mukha ng pagod kahit kararating pa lang. Bakit pa kasi biglaan ang lakad ni Enzo? “Oh, bakit magka salubong ‘yang mga kilay mo? May umaway ba sayo?” Bineso ako ni Sammy na kakarating lang at umupo sa tabi ko. I heard someone laugh. “Hay naku, kailangan pa bang itanong ‘yan kung bakit? Obviously, hindi niya kasama si Enzo my labs niya.” Si Bea pala ‘yon na kasunod ni Sammy. Umupo siya sa side ni Sammy at nag apir silang dalawa. I just rolled my eyes and crossed my arms. “Hi girls! Hi Rica!” bati sa amin ni Terrence. May kasama siyang babae, buti naman at natuto na siyang manligaw. Naalala ko noon, habang ina-admire ko si Enzo kahit na ‘di pa niya ako kilala ay panay na ang paramdam sa akin ng tukmol na ‘to ngunit sadyang wrong timing lang siya dahil may gusto akong iba. Nagsidatingan na yung iba pa naming mga ka-batchmates. We ordered drinks and food and enjoyed each other’s company. Akala ko walang kasama sina Sammy at Bea, late lang pala dumating. So, ngayon ako na lang ang walang partner dahil dala nila ang mga asawa’t jowa nila. Edi sana all! Tumayo ako at kinuha ang isang bote ng San Mig Light, gusto ko na munang umalis dito dahil ‘di ko maiwasang mainggit sa kanila. “Saan ka pupunta?” Sigaw na tanong ni Bea, lumalakas na ang tugtog sa loob. “Sa labas magpapahangin, enjoy lang kayo.” Saad ko at umalis na doon. Ang ganda ng venue na napili nila para sa aming reunion. Kung gaano ka gulo at ingay sa loob, ay taliwas naman ito sa labas. Adorned with warm ambient lighting that softly glows, a beautifully landscaped garden surrounds the lounge, showcasing vibrant flowers and lush greenery that create a serene atmosphere. Patio tables and chairs are scattered throughout the outdoor space, each shaded by stylish umbrellas, providing a perfect spot for guests to enjoy refreshing drinks and delicious meals, The soothing sound of soft music can be heard wafting through the air, enhancing the inviting ambiance. Pinuntahan ko ang isang round table sa dulo, hinila ko ang upuan at naupo. Pinagmamasdan ko ang mga iilang nandirito at syempre kasama nila ang mga partner nila. Natawa ako ng mapait nang maalala muli si Enzo, bakit parang ako na lang ang nagdadala ng relasyon namin? “Hi! Can I sit here?” Tinignan ko ang lalaki na bagong dating, he is wearing eyeglasses. His skin has a healthy, sun-kissed tone. He has a gently rounded face with smooth contours and a warm, approachable expression. His eyes are kind and expressive, and his smile is inviting, giving him a friendly and comforting appearance. Narinig kong tumikhim siya dahilan upang umiwas ako ng tingin. Nahalata ata niyang inoobserbahan ko siya. “Sorry.” He chuckled softly. “Paubos na ang iniinom mo, wanna have some more?” “Hindi na, baka mahirapan na ako sa pag-uwi.” I glanced at him, and he is looking at me intently. Parang binabasa niya kung ano ang tumatakbo sa isipan ko. "I can drive you home, if you would like." Tumaas ang kilay ko sa narinig mula sa kanya. Tumayo ako at sumandal ng bahagya sa lamesa, na ang dalawang kamay ko ay nakapatong dito. “Nagpapatawa ka ba? Bakit ako sasama sayo, eh, ‘di naman tayo magkakilala.” “Easy, nakakatakot ka pala kapag nagtataray na. Hindi mo ba ako natatandaan? David James De Leon or DJ, my friends used to call me with that. Naging magkaklase tayo nung grade 5 tapos nung grade 6 napunta ka sa top section at naiwan ako sa ika-apat.” Classmate? Hindi ko siya namumukhaan, promise! “Alam mo, baka lasing ka na. Maiwan na kita dito.” Hindi ko na siya pinansin ng tawagin niya ulit ako, buti na lang at ‘di na niya ako nahabol dahil may sumalubong sa kanya na isang lalaki. “Rica! Akala ko umuwi ka na.” nilapitan ako ni Bea na pagewang-gewang na ang lakad at naupo na lang ulit dahil sa kalasingan.. “Uuwi na talaga ako, tinignan ko lang kung okay pa ba kayo dito.” Pero mukhang hindi na dahil lahat sila ay nakapikit na ang mga mata. Mga weak! Iniwan ko na sila doon at lumabas na ng Melody Lounge. May masasakyan pa kaya ako sa ganitong oras? Ilang minuto ang lumipas at may kulay itim na kotse ang huminto sa aking harapan. Lumabas siya sa driver’s seat at nagpunta sa passenger’s seat upang buksan ang pinto. “Hatid na kita? Wala nang dumadaan na jeep o taxi dito kapag late na.” As if maniniwala ako sa kanya. Inangat ko muli ang aking kanang kilay. “No, thank you.” Humalukipkip ako. Naiirita na ako sa kanya, dumadagdag pa siya sa inis ko kay Enzo. “Ang suplada mo na ngayon, hindi ka naman ganyan dati. O baka naman may dalaw ka kaya ka wala sa mood.” He pouted and sounded hurt, but I didn’t buy it. “Sige, alis na lang ako.” Hindi ko na siya pinansin nang sumakay na siya muli at pinaandar ang sasakyan. At totoo ngang umalis na siya. I didn’t bother to look where he was going and patiently waited for any vehicle to pass by. Ngunit magtatatlong oras na siguro akong nakatayo sa gilid ng kalsada, yung mga kaibigan ko ay hindi pa rin lumalabas. Balak siguro nila na dito na lang abutin ng umaga. Naisip kong tawagan si Enzo para sunduin ako, baka sa ganitong bagay makabawi man lang siya. I dialed his number but—The subscribers cannot be reached, please try your call later. Tangina lang ng lalaking ‘yon! “Sabi ko naman sayo wala nang dumadaan dito kapag dis-oras na ng gabi. At hindi na nga gabi ngayon dahil alas dos y media na.” Nabigla ako sa kanya, ‘di ko man lang naramdaman na nasa likuran ko na siya. "Ano bang kailangan mo sa akin? Di ba sabi ko na kanina, hindi nga kita matandaan at hindi kita kilala." matigas at may halong iritasyon na ang boses ko. Nawala ang pagiging malumanay ng kanyang mukha at napalitan ito ng seryoso. "I just want to make sure you get home safely." "Kaya kong umuwi mag-isa. Kung walang jeep o taxi, mag-bo-book ako ng grab." pangbabara ko. Subalit mukhang hindi siya nakumbinse. "Sasamahan na lang kita dito hanggang sa makasakay ka na," ngumiti siya. Bumalik ang dating sigla niya. Ugh! Hindi ba siya titigil? Nalihis ang atensyon ko nang tumunog ang aking cellphone, akala ko si Enzo na pero si ate Mel lang pala, kapitbahay ni Enzo doon sa condo. "Hello, Ate?" "Mi, napahiya ako sa boyfriend mo akala ko ikaw yung kasama niya kanina." Kumunot naman ang noo ko. "Po? M-may kasama siyang ibang babae?" "Oo, eh, nakatalikod sa akin yung girl then sinita ko sila ni Enzo dahil nag-me-make out sa labas ng unit niya―" biglang tumahimik sa kabilang linya, "Don't tell me hiwalay na kayo?" "U-uhm, Ate Mel, salamat sa tawag mo pero," nagkunwari akong humikab, buti na lang at tahimik na rin ang paligid. "Matutulog na ako, good night." agad kong in-end ang tawag. "Galing mo naman umarte," saad niya habang nakangisi. Nagsisimula nang uminit ang mga mata ko at feeling ko mamumuo na ang mga luha. I grabbed his hand at ako na ang humila sa kanya papunta sa kotse niya na naka-park lang pala sa ‘di kalayuan. "Hatid mo na ako pauwi."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook