CHAPTER 1

1580 Words
CHAPTER 1 Pagka-park ng lalaking ‘to sa sasakyan niya ay nagmamadali akong bumaba. Nakarinig naman ako ng pagbukas at pagsara ng pinto ng kotse. “Sandali!” “Ano?! Alam mo ba, kanina pa ako nagtitimpi sa’yo?” He was stunned by what I said. He kept on talking throughout the entire trip to the condo. I was already irritated with Enzo, he just made things worse. Ngumiti siya na parang wala siyang narinig mula sa akin. “Wala bang ‘thank you’ diyan?” I scoffed and looked at him with disbelief. “‘Yon lang ba? Sige, thank you!” May pagdiin ang huli kong sinambit. “Okay na? Pwede na akong pumunta sa unit ko?” “Okay na,” he said, not removing the smile from his lips despite my poor treatment of him. “Ingat ka, Rica.” He turned and walked away, still maintaining that unwavering grin. Nang mag umaga kahit kulang sa tulog ay pumasok pa rin ako sa opisina. Ginugol ko ang oras sa mga financial reports na dapat tapusin. Hindi ko na nga napansin na lunch break na pala. “Beh, si Aida ikakasal na! Halika,” hinawakan ni Tina ang kamay ko sabay hila sa akin palabas ng building kung saan kami nagtatrabaho. Tumayo kami sa gilid ng main entrance dahil marami nang miron ang nanonood sa kanila. Mangiyak-ngiyak si Aida, isa sa accountant namin. Dahan-dahang isinuot ng boyfriend niya ang kumikinang na singsing sa kanyang daliri. Her boyfriend prepares a car trunk surprise, yung ibang ka-trabaho namin ay panay video sa nangyayari. Nakisali rin ang kasama kong si Tina na bookkeeper din. Siniko niya ako sabay lapit sa akin at bumulong, “Ikaw? Kailan kayo magpapakasal ni Enzo?” Speaking of the devil, wala talaga akong natanggap na text o tawag galing sa kanya simula pa kagabi. Sinubukan kong tawagan si Shana na kapatid niya at best friend ko pero ‘di rin sumasagot. Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa convenience store. Habang kumukuha ng makakain ay nakita ko si Jema, naging kaklase ko siya simula grade 4 hanggang mag high school kami. Naalala ko si DJ, ang nag-claim na classmate kami noong grade 5. “Jema!” Tawag ko sa kanya at kumaway siya ng makita ako. “Rica? Ikaw ba ‘yan? Long time no see! Laki na ng pinagbago mo, ah!” aniya. Nilapitan niya ako at bumeso, “Ang ganda ng kulay ng buhok mo! Is it black-colored with dark copper highlights? I bet your hairstyle is medium soft layered with curtain bangs.” I just nodded. “Kabog! Bumagay sa hugis ng mukha mo ngayon, and the curves! Pero konting exercise pa,” tumawa siya, ngunit nang makita niyang wala akong reaksyon ay unti-unting nawawala ang ngiti sa kanyang labi. “Sorry.” “Okay lang,” walang gana kong sagot at ‘di na nag paligoy-ligoy sa pakay ko sa kanya.. “By the way, may kilala ka bang David James De Leon na naging classmate natin noong grade 5?” Inilagay niya ang kanyang kanang kamay sa baba at napa isip. “Ah! Oo, pero ‘di siya pumasok noong first week ng klase kasi nagkasakit siya. Payatot kasi ‘yon, maitim, at parang dinilaan ang buhok ng baka.” She shook her head as she recalled the memory. “Kaya nga nagulat ako nang makita ko siya recently sa alma mater natin. Isa na kasi ako sa cafeteria staff doon ngayon, ang gwapo na niya, bhie, at halatang nag-g-gym na dahil ‘di na siya gaya ng dati.” She continued and drooled over what she said. “G-ganun ba? May picture ka ba niya?” usisa ko. Umiling naman siya, “Wala, eh. How I wish I have one pero baka magselos ang asawa ko.” Tumawa siya, “Bakit mo ba tinatanong?” Dahan-dahan akong umiling, “W-Wala. Sige, magbabayad na ako sa cashier,” sabi ko at tinalikuran siya. Bakit ba sa lahat ng naging kaklase ko, siya pa ang nakalimutan ko? Hindi naman ako nag-uulyanin... ay, ewan! *** Pagpasok ko sa unit, napansin kong bukas na ang ilaw at maraming rose petals sa paligid. Agad namang may lumabas na lalaki mula sa kwarto. Doon ko napagtanto na may susi pala siya sa condo ko. “Hon.” “Enzo?” Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at inabot ang bulaklak na hawak niya. He put his right hand on my waist and gently stroked it. Unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin, hanggang sa magtagpo ang mga labi namin. Inaamin ko, sa tagal na naming magkarelasyon, hanggang halik lang kami. Kapag gusto niya ng higit pa roon, pinapatigil ko siya. “Hmm… ang bango mo.” bumaba ang labi niya sa leeg ko. “H-Hon, nakakakiliti ang ginagawa mo,” pilit ko siyang tinutulak, bahagyang natatawa ngunit seryoso rin. “Enzo…” I heard him groan in frustration, and his brows furrowed deeply. “Enzo naman, akala ko ba malinaw na sayo? I’ve always believed in waiting—na gusto ko after marriage na ang mga ganyan.” Tumango siya, pero nanatili ang alanganin sa mukha niya. Halata ang dismaya. “Huwag ka na magalit,” saad ko, pinipilit gawing malambing ang tono ko habang inaabot ang magkabila niyang pisngi. “This is important to me. Please, understand...” Hinawakan niya rin ang magkabila kong kamay at marahas na tinanggal ito sa pagkakahawak sa kanyang mukha. Hindi siya tumingin sa akin, halatang may mabigat na nararamdaman. “Let’s eat,” malamig niyang sabi, halos walang emosyon ang boses niya. “Baka lumamig na ang pagkain.” Tumalikod siya kaagad, hindi man lang ako nilingon. Naiwan akong nakatayo, ramdam ang bigat ng hindi niya sinasabing mga salita. *** “Shana, beshie!! Guess what?” malawak na ngiti ang sinalubong ko sa kanya habang dire-diretso sa pagpasok sa condo niya. “Ang ganda ng gising ko ngayon, even though we had a misunderstanding last night, hindi umuwi ang kuya mo sa unit niya at piniling doon matulog sa akin.” Humikab siya pagkatapos isara ang pinto at pabagsak na umupo sa kanyang sofa. “What?” aniya habang kinukusot ang kaliwang mata. “Napuyat ka ba? Wala kang masyadong energy,” natatawa kong saad, napansin ang pagod niyang itsura. “Si Kuya kasi, eh,” halinghing niya at napakamot pa sa ulo, clearly frustrated. Kumunot naman ang noo ko, “Anong meron kay Enzo?” curious about why she mentioned him. “Hindi ako pinatulog!” she exclaimed, rolling her eyes. Mas lalo akong naguluhan, “Pinagsasabi mo, bes? Eh, magkasama naman kami kagabi.” I said, recalling that Enzo and I were together last night. Mukha naman siyang nagising ng napagtanto ang sinabi ko. “M-Magkasama kayo ni Kuya? Kaya pala…” her eyes widened in realization. “Ano? Kaya pala?” I asked, sensing there was more to her reaction. “Huh?” she replied. Suddenly looking nervous and avoiding my gaze. “Ay, naku bes, huwag mong sirain ang araw ko. Basta kung ano man ‘yan, wala na akong pakialam. Ang importante ay okay na kaming dalawa. I can already feel na one of these days, magpo-propose na ang Kuya mo sa akin,” kinilig pa ako sa sinabi ko. “Magiging sister-in-law na kita, bes!” Kung gaano ako kasaya ay kabaliktaran naman ang reaksyon niya. "May problema ka ba, Shana? Parang wala kang ganang makinig sa akin." saad ko, may pagtatampo sa tono. “Sigurado ka na ba talaga na ang kapatid ko na ang nakikita mong mapapangasawa, Rica?” she asked seriously. I laughed awkwardly, “A-Anong tanong ‘yan, Shana? Syempre naman!” Napapansin kong hindi na siya mapakali sa inuupuan niya at malalim ang iniisip. Kanina lang, ang saya namin—este, ako lang pala. Ngunit nang mapunta ang usapan sa kapatid niya, parang may gusto siyang sabihin. May alam ba siya na hindi ko alam? "Okay ka lang ba, bes? M-May gusto ka bang sabihin sa akin?" nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. "H-Ha? W-Wala. Naisip ko lang itanong sayo." umiwas siya ng tingin sa akin. "Baka kasi na-pe-pressure ka lang kasi ‘di ba sabi mo nag-propose na yung boyfriend ng kasama mo?" Tumawa ako ng malakas, "Ano ka ba, ako na-pe-pressure? No way! Sadyang na-pi-feel ko lang na ito na ang tamang panahon. And besides, 5 years na kami as boyfriend and girlfriend, I guess it is time to level up. Masaya nga ako, because last night he make it up to me. Nag prepare siya ng dinner for us, akala ko nga mag-po-propose na siya, eh." Tipid na ngiti lang ang sinagot sa akin ng aking kaibigan. "O sya at aalis na ako. Dadaanan ko pa si Enzo, may usapan kasi kami na mamasyal sa museum." "H-Ha?! Huwag!" inabot niya ang braso ko upang pigilan ako. Litong-lito na talaga ako sa kanya. Bakit ganito ang ikinikilos niya ngayon? Bakit ayaw niya akong papuntahin sa kapatid niya? “Ano bang nangyari sayo, Shana? May tinatago ka ba? May hindi ka ba sinasabi sa akin tungkol sa Kuya mo?” I asked, feeling increasingly concerned. She sighed deeply, “Ang totoo kasi…” Hindi pa man niya tinutuloy ang sasabihin, pero kinakabahan na ako—ang puso ko'y mabilis na ang pagtibok. “S-Si Kuya… Niloloko ka ng kapatid ko.” She finally revealed, her voice trembling with the weight of the confession.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD