CHAPTER 2

1607 Words
CHAPTER 2 Tila ‘di ko mawari ang aking nararamdaman, parang tumigil ang galaw ng mundo sa nalaman ko. Tanging t***k lang ng puso ang naririnig, at paulit-ulit na nag-re-replay sa utak ang mga salitang binitawan ni Shana. "No..." halos hindi ko na mabuka ang bibig. "Nagbibiro ka lang ‘di ba?" Nangingilid na ang aking luha ngunit pinilit ko paring ngumiti. Shana looked straight into my eyes. "Rica, how I wish I was joking but I'm sorry. Totoo ang sinasabi ko at marahil ay wala si Kuya sa condo niya ngayon dahil sinamahan niya yung—si Bianca sa clinic." "C-clinic?" ‘Di ko na napigilan ang mga luha na kanina pa gustong kumawala. "B-Bakit? May sakit ba ‘yang B-Bianca na ‘yan?" She reached out for my hands and shook her head. "N-Nabuntis ni Kuya si Ate Bianca. Siya ang naging rason kung bakit hindi ako pinatulog ni Kuya kagabi. Perhaps you were in deep sleep already at ayaw ka niyang magising kaya parang naguguluhan ka ngayon.” She let out a heavy sigh. “I bet he sneaked into your bathroom and was able to call me about Ate Bianca’s text message stating that she is 4 weeks pregnant. ‘Di pa nakuntento si Kuya at inutusan pa ako na tawagan si Ate just to let her know na…” she pauses and looked down. Obviously hesitating to continue but still find the courage to look at me again and say, “pananagutan siya ni Kuya and for your information, bes, she is 3 years older than Kuya Enzo." Nanghina ako sa narinig, gumuho na ang inaasam kong proposal para sa aming dalawa ni Enzo. 4 weeks pregnant?! Damn! Now I know why… Magkasama silang dalawa noong gabing may usapan kami na pupunta sa reunion. That makes Ate Mel’s call more clearer, kahit pala anong pilit kong pag-iwas sa impormasyon na ‘yon ay kusa pa ring lumalapit sa akin. While I’m hoping for him to show up, he is having the time of his life with the other girl. Kahit nanginginig ang katawan ko ay nakaya kong tumayo at kinuha ang aking handbag. Pilit pa akong pinipigilan ni Shana na huwag umalis dahil natatakot siya na may gawin akong masama. It’s possible but I know myself, wala akong gagawin na makakasama sa aking sarili. However this one is different, hinding-hindi ko ito palalampasin. Paglabas ko ng condo ni Shana ay saglit akong huminto at muli siyang nilingon. "Kailan pa niya ako niloloko?" tanong ko na walang bakas ng emosyon, kahit sa loob ko ay parang binabayo ng matinding sakit ang puso. "R-Rica..." may pag-aalinlangan at pag-aalala sa boses ni Shana. "Answer me!" sigaw ko. Habang hinihigpitan ang pagkakakuyom ng mga kamay ko, pilit kong tinatago ang panginginig ng boses at galit na nag-uumapaw sa dibdib. She was stunned by what I did but I didn’t mind it at all. Letse naman 'tong mga luha na 'to, walang balak tumigil sa pagpatak! "H-Hindi naman siya tumigil mambabae kahit naging kayo na…" she was clearly terrified. I flashed a bittersweet smile, masking the pain behind it. "Thank you for being honest." She reached out to stop me again, desperation in her voice. But I ignored her plea, I turned away, feeling the weight of Shana’s gaze on my back. Every tear that escaped my eyes seemed like a dagger to my chest, reminding me the pain of betrayal and the memories we once shared. *** I gathered the courage and went to Enzo’s condo, para isang sakit na lang. Pilit ko paring itinatanggi sa sarili na magagawa ni Enzo na magloko. I was so blinded by my love for him and preoccupied with the idea that our relationship would level up, but in the end, I was the one who ended up being cheated on. It was already past six in the evening. I knocked on the door, not even bothering to use my spare key. Bumungad sa akin ang mukha ng manloloko kong boyfriend—no, ex-boyfriend. "Rica?" namilog ang kanyang mga mata pagkakita sa akin.. "Sa reaksyon mong ‘yan, parang hindi ako ang inaasahan mong makita, ah," I smirked, masking the bitterness in my voice. "What are you talking about? Syempre, hindi ka nag-text o tumawag man lang na pupuntahan mo ako dito. N-Nagulat lang ako." Kahit anong sabihin niyang mga dahilan ay kitang-kita ko sa mata niya na hindi siya nagsasabi ng totoo. ‘Di nga makatingin ng diretso. Tangina! Bakit ba ang hina ng radar ko noon? I let out a scoff laugh, "Talaga? Nakalimutan mo bang may usapan tayo ngayon?" He cleared his throat, trying to compose himself. "Pasok ka muna, sa loob na tayo mag-usap." Ang galing lang din niyang um-acting na parang wala siyang ginawang panloloko sa likod ko. With a forced gentleness, he reached out and held my arm. "Rica, let's go inside." I stood still, my heart pounding with anger and betrayal. Tinabig ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa braso ko. "No need. Hindi rin naman ako magtatagal dito, ayokong matuklaw ng ahas,” idiniin ko ang huling salita. “Subalit, mukhang tinago mo siya. May gusto lang sana akong kumpirmahin." "H-Hindi kita maintindihan, Rica." his voice faltered, but he continued to feign ignorance. Talagang dine-deny pa niya ang babae niya, ha. Ngumisi ako. "Pwede ba, Enzo. Huwag mo na akong gawing tanga! Enough with the excuses, sinabi na sa akin ni Shana ang totoo!" May namumuo ng luha sa aking mga mata. Ayoko sana gumawa ng eksena dito ngunit hindi ko kayang i-balewala lang ang lahat ng 'to. "Please, Rica. Get inside." May diin na sa kanyang sinabi. Dahil sa halo-halo na ang emosyon na nararamdaman ko ay mabilis ang pagdapo ng aking palad sa kanyang pisngi. Ang tigas ng mukha! "Paano mo nagawa sa akin ‘yon, Enzo?! Sa loob ng limang taon, minahal mo ba talaga ako?” natawa ako ng mapait. “Mali, hindi ka naman pala tumigil mangolekta ng babae, so, you never really care about me or showed me that you love me. Sarili mo lang ang iniisip mo at ang tawag ng katawan mo!” pinalis ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko. “May ginawa ba akong masama para maisip mong manloko?!" Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Nagsilabasan ang ibang naninirahan sa palapag kung nasaan ang unit ni Enzo. He held both of my arms, "Please calm down, Rica. Makinig ka sa akin sa loob tayo mag-usap." I can sense his irritation. Pumalag ako at hinawi ang mga kamay niya, "Ayoko! Bakit, ha?! Ayaw mo bang mapahiya? Minahal kita ng sobra, Enzo.. May kulang ba? Am I not enough?" Bumuhos ang luha ko. Sinubukan niya akong yakapin ngunit umiwas na ako at iniwan na siya doon. Ngunit naalala ko ang spare key na binigay niya kaya binalikan ko siya at tinapon iyon sa harapan niya. Wala na akong pakialam kung ano ang mga pinagbubulungan ng mga kapitbahay niya. Deserve niya naman ‘yon! Ang dapat kong pagtuunan ng pansin ngayon ay ang sarili ko ngunit hindi ko alam kung paano ako magsisimula ulit. Kung paano tatayo ulit dahil siya ang naging buhay ko. *** "Sandali lang!" Ano ba 'yan istorbo naman sa panonood ng movie, kulang na lang gibain na ang pinto. Padabog akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig at lumapit sa pintuan nang marinig kong may nag-doorbell at kumatok ng sunud-sunod. Alas onse na ng gabi, nambubulabog pa. Kaloka! Nag-doorbell pa ulit siya dahilan upang lalo pa akong mainis. "Eto na!" Pagbukas ko ng pintuan, isang babae na nakangiti hanggang tenga ang nasilayan ko. "Hi, bes!" bati niya. I rolled my eyes, "Anong ginagawa mo dito?" irita kong tanong. "Grabe ka naman, bes, hindi mo ba ako papasukin muna?" I stared at her for a few seconds at pinapasok siya sa unit ko. Pabalibag kong isinara ang pinto at bumalik sa sala. Sumalampak ako sa sofa at kinuha ang chichiryang kinakain ko kanina at ipinagpatuloy ang panonood ng movie. "A-Anong pinapanood mo?" tanong ng bestfriend ko at umupo sa tabi ko. Ni hindi ko man lang pala siya inaya na umupo. "(500) Days of Summer." tipid kong sagot na hindi siya tinitignan. "Talaga? Naku maganda yan—" I crease my forehead, "Bakit ka ba naparito?" pagputol ko sa sasabihin niya. Naiinis pa rin ako sa ginawa niya. "Ito naman, galit ka pa ba sa akin?" ngumuso siya. Mahigit dalawang linggo na magmula noong nalaman ko ang totoo. Hindi naman madaling tanggapin at kalimutan na lang ‘yon. Lalo na at itinago niya sa akin ang ginagawang kalokohan ng kapatid niya. "Huy, Rica.” "Hindi naman ako galit." Sabi ko, pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi na ako makapag-concentrate sa pinapanood ko kaya isinara ko na lang ang TV. Bumaling ako sa kanya, "Nagtatampo ako… naiinis. Para na kitang kapatid, Shana, pero tinago mo sa akin ang kagaguhan ng kapatid mo. Ginawa mo akong tanga. You also betrayed me." "Sorry na, Rica. Gusto ko na talagang sabihin sayo ang totoo pero sabi kasi ni Kuya na siya na ang magsasabi, eh. But it turns out na hindi niya pala ginawa," I let out a deep sigh. "Ganito na lang para makabawi ako sayo, ililibre kita ng one week vacation sa isang resort sa Cebu. Tutal summer naman na ngayon." Masaya niyang alok sa akin. Tinignan ko lang siya at itinaas ang aking kanang kilay. I’m waiting for her to reveal that it is just a prank. "Sa tingin mong 'yan parang hindi ka naniniwala, ah." May inilabas siyang plane ticket mula sa bag niya at iniabot ito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD