CHAPTER 3
Minsan naiisip kong lumayo muna, magbakasyon para naman gumaan ang pakiramdam ko, but I don’t find the courage to do it.
Mas pinipili kong isubsob ang sarili sa trabaho, magmukmok sa condo, at ilabas ang sama ng loob sa pagkain ng kung anu-ano. My mind keeps on telling me to move forward but my heart doesn’t want to follow it, as if it's telling me that it’s the only way to get over Enzo.
But my best friend has another plan. Contrary to how I’ve been coping with my heartache, here’s Shana, offering me a one-week vacation in Cebu, hoping that a change of scenery might help me heal.
Kinuha ko yung plane ticket and wave it infront of her, "Seryoso ka ba?" saad ko, natatawa.
"Seryoso nga. Mukha ba akong nagbibiro?” she let out a weighty sigh. “It’s for your own good naman, to clear your mind and rest your heart. Don’t worry, I already asked Tina for help, she filed your leave of absence, and according to her, approved na!" Masaya niyang binalita sa akin.
"Ano?!" hindi ako makapaniwala na ganun kabilis niyang nagawa ‘yon nang hindi ko nalalaman.
But as much as I want to go on that vacation, sayang din naman yung mga araw na naka-leave ako—tiyak na pagbalik ko, tambak lahat ng trabaho.
"Shana, umayos ka nga. Hindi ko na kailangan ang bakasyon na 'yan para maka-move on. Ok na ako, masaya nga ako, oh." Ngumiti ako sa kanya, pilit na itinatago ang lungkot..
"Well, hindi ko nakikita sa mga mata mo na masaya ka talaga," hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. "Best friend kita, at gusto kong makita ulit yung ngiti mong abot-tenga. Hangad ko ang kasiyahan mo, Rica. Gusto ko rin makabawi sayo, sa ginawa ko at ng kapatid ko, kaya ito lang ang naisip kong paraan. At least doon magkakaroon ka ng time para sa sarili mo, detach yourself from negativity. Malay mo, doon mo pala makilala si Mr. Right." Ngumiti siya, may halong pag-asa.
Hindi na ako tumutol pa, alam ko naman na hindi niya ako titigilan. Nakikita ko sa kanyang mga mata na concern talaga siya kaya niya ito ginagawa. At minsan niya lang ako i-libre, so tatanggi pa ba ako?
Nilagay ko sa coffee table ang plane ticket at bumaling ulit sa kanya. "Sige na, pumapayag na ako. Pero tigilan mo muna ako sa Mr. Right na yan, ha, nasa dulo yan ng listahan ko ngayon. Hindi pa nga ako nakaka move on ng tuluyan, maghahanap na agad ako ng bago?"
She is grinning from ear to ear, “Kitams! Sabi ko na,eh, ‘di ka pa nakaka move-on.” She reached for my hands again, “For sure mag-eenjoy ka 'dun pero huwag ka magsalita ng tapos no, baka pagbalik mo dito may boyfriend ka na ulit!"
"Ulol! Eh, saang resort ba 'yan sa Cebu?" tanong ko.
"Sa Amihan Cove Resort," nakangiti niyang sagot. “Sa Bantayan Island ‘yan to be exact.”
Bantayan Island? I’m aware of that place, but it’s strange because there’s someone I seem to recall. I just can’t remember who; it’s hazy in my mind.
***
My scheduled vacation time comes—ang bilis ng araw. It’s a weekend at bukas na ang flight ko papuntang Cebu. Tinapos ko na lahat ng paperwork at iba pang trabahong inutos sa akin. Minsan nakaka-drain at nakaka-stress balansehin lahat ng nasa financial reports, pero thankful pa rin ako sa trabahong ito dahil nakakaraos ako at nabibili ko ang mga bagay na gusto ko.
Buong maghapon akong nakatuon sa trabaho kaya naisipan kong dumaan muna sa isang coffee shop na malapit sa pinagtatrabahuhan ko bago umuwi at mag-impake.
Napakatahimik ng paligid—nagkakaroon ka ng peace of mind. Eh, kung dito na lang kaya ako pupunta after work, imbes na doon sa resort? Hindi ko naman ata makikita dito yung mokong na 'yon, hindi naman siya mahilig magkape. Ba 'yan, Rica! Kalimutan mo na nga yung lalaking 'yon! Erase! Erase!
Mayamaya pa, tumayo na ako upang umalis na. Ngunit, subalit, datapwat—nang malapit na ako sa may pintuan ng coffee shop, nakasalubong ko ang hindi ko dapat makasalubong. Damn it!
Napahinto kami pareho at nagkatitigan, halata sa itsura niya ang pagkabigla at pagkabalisa.
"Beb? May problema ba? Kilala mo ba siya?" usisa nung kasama niyang babae na nasa likuran. Naka-fitted dress ito at kitang-kita na ang baby bump.
It's been a month since nagbreak kami, parang may nabuhay ulit na sakit dito sa puso ko nang makita ko siya. Nag-flashback ulit yung confrontation namin. Akala ko talaga okay na ako, na kahit papano nakalimutan ko na siya. Ngunit hanggang akala lang pala ang lahat—nagsisinungaling lang ako sa sarili ko. May kirot pa rin, nasasaktan pa rin ako.
"Wala, Beb..." sabi ni Enzo at tiningnan ang babae. "I don't know her. Tara?" tugon niya at naunang lumakad papunta sa counter. Ngumiti sa akin ang babae bago sumunod kay Enzo.
Hindi ko na sila nilingon pa at tuluyan nang lumabas ng coffee shop. Pumara ako ng taxi, at doon ay hinayaan ko ang sarili na umiyak, na maging mahina. Bakit ganun? Umasa ako na kahit man lang ipakilala niya ako bilang isang kaibigan, para lang sa mga panahong pinagsamahan namin. Minahal ko siya ng sobra noon, tapos ganito lang ang mangyayari ngayon? Nganga ako? Na 'I don't know her'-zoned ako. Tanginang Enzo 'yan!
Mabigat ang kalooban ko pagdating sa unit. Hindi na ako nag-dinner at diretso na sa pag-iimpake ng mga dadalhin para bukas. Hindi ko na pinaalam kay Shana na nagkita kami ng kapatid niya—baka kung ano pa ang masabi ko.
Dahil sa pagkikita namin kanina, napagtanto ko na ang liit pala talaga ng mundong ginagalawan namin. Hindi maiiwasan na magtagpo kami, lalo na't on the process of healing pa ako. May tendency pa rin na bumalik ang sakit. Kaya mas okay na rin na tinanggap ko ang offer na bakasyon ni Shana. Sa pamamagitan nito, maibsan kahit paano ang lungkot at sakit na naranasan ko.
***
"Ladies and Gentlemen, we are now approaching Cebu City where the local time is 08:30 AM. At this stage, you should be in your seat with your seatbelt firmly fastened."
Inayos ko na ang mga gamit ko dahil mayamaya lang ay mag-la-land na ang eroplanong sinasakyan ko.
When the plane landed, dahan-dahan na ang pagbaba ng mga pasahero. When I got out, I immediately went to get my luggage pagkatapos ay tumungo muna ako sa isang fast food chain para kumain dahil kagabi pa ako hindi nakakain. Matapos akong mag ready kaninang umaga ay dumiretso na ako sa airport.
Paglabas ko ay sumakay agad ako ng taxi. Patungo akong Cebu North Bus Terminal at babiyahe ako papuntang Hagnaya Port, exactly as per Shana's instructions, which she gave me last night. Sabi niya, huwag daw akong magreklamo sa haba ng biyahe dahil sulit naman daw ang pagpunta doon. K fine!
Nakatulog na ako sa haba ng biyahe. Nang nasa ferry na ako, tanaw ko na ang isla. Oo nga, tama si Shana sa sinabi niya. Ang ganda nga ng lugar! The crystal-clear waters, white sandy beaches, and the lush greenery of the island were breathtaking.
“This is your time to heal and temporarily forget, Rica.” Bulong ko sa sarili habang huminga ng malalim, trying to convince myself to let go of the pain and embrace the beauty of this moment.