CHAPTER 4

1644 Words
CHAPTER 4 As the ferry docks, I can see a small group of staff members dressed in traditional Filipino attire awaits us on the pier. “Mabuhay!” They greeted us with friendly and warm smiles. A few steps away, I saw a traditional bamboo arch decorated with tropical flowers mark the entrance to the resort. Upon stepping off the ferry, I roam my eyes around the surroundings. Parang nasa paraiso ako! The staff guided me and the other tourists inside their resort. We are handed a cold towel infused with the scent of fresh pandan leaves to refresh ourselves after the journey. A welcome drink follows—a refreshing mix of coconut water, calamansi, and a hint of mint, served in a carved coconut shell. Habang umiinom kami, may local musician na nagpapatugtog ng kulintang, setting a serene and authentic ambiance. The sound of the waves gently lapping against the shore complements the soothing music. We are escorted to the open-air reception area, which is surrounded by lush tropical gardens. "Good afternoon ma'am!" bati sa akin ng isang staff. Ngumiti ako at tinignan ang aking relo, almost 3PM na pala. The area is designed with natural materials—wood, bamboo, and stone—creating a rustic yet elegant vibe. The check-in process is smooth and personal; may guest relation officer na nag-aasikaso sa amin at pinapaliwanag ang mga amenities at activities. A personal butler—Ate Oli was introduced to me. Siya ang mag-a-assist sa akin sa kabuuan ng aking pananatili dito sa resort. Ang shala pala dito! May isang staff na lumapit sa akin at kinuha ang luggage ko, siya na raw ang maghahatid nito sa villa dahil magkakaroon pa ako ng short tour sa resort kasama si Ate Oli. Mahigit isang oras din ang inabot ng tour namin, partida hanggang tanaw lang ako at hindi pa talaga nag-e-explore. Sinamahan ako ni Ate Oli hanggang sa aking private villa, the path going there is shaded by towering coconut trees, and the sound of rustling leaves and distant waves creates a sense of peace. Upon entering, I am immediately struck by the luxurious yet natural design, with large windows offering views of the ocean. May nakita akong welcome note na addressed sa akin, along with a basket of tropical fruits and a bottle of fresh juice. Naroon na rin ang luggage ko na nakalagay sa kwarto. Ate Oli offered me to have dinner, ngunit tumanggi ako dahil gusto ko munang magpahinga. Nang iwan na ako mag-isa ay inikot ko muna ang kabuuan ng villa. Ibang klase pala bumawi ng best friend ko, bigay todo. Ang spacious ng living room, ang lambot ng kama at ang linis ng comfort room pero mas excited ako sa private deck ng villa, it is spacious and equipped with a hammock and lounge chairs, perfect for relaxing while taking in the sound of the waves. A private plunge pool is also available for cooling off while enjoying the spectacular views. Matapos kong mag-ikot ay ‘di ko na maitago ang pagod kaya umidlip na muna ako. Nagising ako sa ingay ng aking cellphone. Sinagot ko ito nang hindi man lang tinitignan kung sino ang tumatawag. "Hello?" "Hi Rica! Nasa Bantayan Island ka na ba?" bungad na tanong ni Shana sa kabilang linya. "Yah, kanina pa. Nilibot na ako ng personal butler ko." sagot ko habang kuskos ang aking kaliwang mata. Humikab pa ako dahil inaantok pa. "O, ‘di ba, bongga ng resort! Teka, naistorbo ba kita sa siyesta mo?" Tumawa siya ng mahina. "Yeah, but it's ok. Maliligo na muna ako bago maghanap ng makakain sa labas." “‘Di ka pa nag-dinner? Eh, 8PM na.” I snort, “eh, sa ngayon lang ako nagising.” “Okay, fine!” Tumawa siya, this time malakas na. "By the way, nagkita pala kayo ni Kuya kahapon? Hindi mo sinabi sa 'kin." I rolled my eyes, bumangon ako at umupo. May guts pa talaga siyang sabihin sa kapatid niya na nagkita kami. Akala ko ba hindi niya ako kilala?! "Importante pa ba yon? Hindi naman na niya ako kilala." "What do you mean?" Bumuntong hininga ako. "Nagkita kami sa isang cafe kahapon, kasama ng Kuya mo yung pinagpalit niya sa akin. Tinanong siya nung babae kung kilala niya ba ako, at sabi ng magaling mong kapatid na hindi raw niya ako kilala." Narinig kong napamura si Shana sa kabilang linya. Natawa ako. "Easy-han mo lang, Shana." "Kapal din ng pagmumukha ng lalaking 'yon! Humanda siya sa akin." Muli akong tumawa. "Gaga! Kahit na makapal ang mukha non, kapatid mo parin yon! Huwag mong pagsasalitaan ng masama." "Ay, hala siya, concern pa rin yarn?" Tinaasan ko lang ng kilay ang pahayag ni Shana. "Duh! Burado na siya sa bokabularyo ko. O siya, sige na, maliligo na ako." Siya naman ngayon ang bumuntong hininga. "Okay, ingat ka and enjoy! Ako nang bahala sa kapatid ko." Umiling na lang ako habang in-end ang tawag. Pagkatapos kong maligo, hinalungkat ko ang aking maleta para maghanap ng masusuot. Nakita ko ang white spaghetti strap shirred top at ang collared cardigan button-up shirt at short, sinuot ko ‘yon at tinignan ang sarili sa salamin. Sinuklay ko lang ang buhok ko at hinayaang nakalugay, naglagay lang din ako ng pressed powder at liptint. Kinuha ko ang aking flip-flops sandals at sinuot ‘yon at nang makampante na ako sa aking itsura ay lumabas na ako ng villa at nagtungo sa Amihan Cafe na matatagpuan lamang malapit sa lobby. *** Busog na busog akong lumabas ng cafe, tatlong turon at mango float lang naman ang kinain ko. ‘Di halatang nagutom ako sa pagbiyahe. Feeling ko ang sikip na ng damit na sinusuot ko, kaya para matunawan ay naglakad-lakad na muna ako sa dalampasigan. Mayamaya pa ay umupo ako sa may buhangin. Tanging hampas lang ng alon ang naririnig ko, at buti na lang at distansya rito ang Bahari bar, malayo sa ingay. Ang lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat ay tila nagbibigay ng gaan ng kalooban. ‘Di ko alintana ang oras, alas onse na pala ng gabi. Nawili akong pagmasdan ang dagat, ang mga alon ay tila nagsasayaw sa ilalim ng liwanag ng buwan. May dumaan na magkasintahan sa likuran ko, nag-aasaran sila. Nang tignan ko sila na ngayo'y malayo na sa'kin ay nakita kong inakbayan ng lalaki ang babae at hinalikan ito sa noo. Pareho silang natawa, parang walang problema. Ang saya nilang pagmasdan, nakita ko pang kinurot ng babae ang kanyang nobyo sa tagiliran. Mapapa-sana all nalang ako dito sa gilid. Napadungo ako sabay hinga ng malalim. Niyakap ko ang magkabila kong binti. Bakit ganoon pa ang nangyari sa amin? Bakit pinaabot pa niya hanggang limang taon ang relasyon namin kung ‘di niya naman ako mahal? Bakit ba nagpakatanga ako sa lalaking ‘yon? Hindi ko tuloy maiwasang mainggit sa couple na 'yon. Agad namang may pumatak na luha sa aking mga mata. Letse! Akala ko naubos ka na! Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng strum ng gitara, ngunit hindi ko ito pinansin at nanatiling nakayuko. Ito ay isang dalangin Huwag sanang ipagkait Matagpuan na ang hanap Na pangarap.. Na pangarap.. Kasalanan nga bang umibig? Parusang lungkot ang hatid Lamig ng hangin ang yakap Tuwing gabi.. Tuwing gabi.. Aba't! Sinasaktan ako ng kantang 'to, ah! Inangat ko ang aking ulo at hinanap kung sino ang kumakanta. Nang makita ko kung sino ay itinuon ko lang ang tingin sa kanya. Nakaupo siya sa may ‘di kalayuan at nakapikit siya habang nagpapatugtog ng gitara. Bakit parang familiar siya? Parang nakita ko na siya somewhere… Pinipilit mang itago Hindi kayang maglaho Ang mga katanungan – Naramdaman ata niyang may nagmamasid sa kanya kaya napatigil siya sa pagkanta at dumilat. Itinuon niya sa akin ang atensyon, namilog ang mga mata ko nang tumayo siya at lumapit sa akin, dali-dali akong nagpunas ng luha. Umupo siya sa left side ko at inilagay ang gitara sa tabi niya sabay lingon sa akin. "Naistorbo ba kita?" I was stunned when I got to see him upclose, kaya pala familiar siya. He’s the guy whom I’ve treated rudely, nagdadalawang isip pa ako kanina dahil hindi siya nakasuot ngayon ng salamin sa mata. Tumingin ako sa kanan at likuran ko at pagkatapos ay tumingin ulit sa kanya. "A-ako ba kausap mo?" He grinned. "Wala ka namang ibang kasama so malamang ikaw ang kinakausap ko." aniya. Pinanliitan ko lang siya ng mata at mas lalong lumawak ang ngiti niya. Hmp! "So, I'll ask you again. Did I disturb you?" Nagtaas ako ng kilay, "Malamang, nag-mo-moment ako dito tapos bigla kang tumugtog.” umiwas ako ng tingin. “Ayaw mo ‘non? May background music ka?” pang-aasar niya. I scoff. Hanep, ah! Akala mo naman close kami. “Bakit ba kapag nakikita mo ako, lagi kang iritable? May ginawa ba ako sayo?” dugtong pa niya. Nawala ang tipid na ngiting sumilay sa akin. Kumuha ako ng isang bato at itinapon ito sa dagat. “I’m sorry, sadyang nagkataon lang na wala ako sa mood. Noong unang pagkikita natin, may usapan kami ng boyfriend ko na sasamahan niya ako sa reunion ng mga kaklase ko pero hindi naman siya tumupad sa usapan” napa-iling ako. “Tapos ito, kita mo nang malungkot ‘yong tao inaasar mo pa.” I heard his soft chuckle, "My bad, I just want to lighten the mood. Maiba ako, are you serious about not remembering me?" Tumingin ako sa gawi niya, he is also giving me his full attention. Kahit naiilang ay sumagot ako, “Hindi, eh.” I swear, I can’t remember him. He let out a deep sigh, "Well, ‘di na muna kita kukulitin kung bakit hindi mo ako naaalala. Pero interesado ako kung bakit ka nandito, ramdam kong may higit pang kwento sa likod nito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD