CHAPTER 5

1390 Words
CHAPTER 5 I felt his intense gaze, umusog ako ng konti palayo dahil ang lapit lapit niya na sa akin. I looked up at the night sky. “Pinagsasabi mo?” “Binanggit mo kanina na malungkot ka, impossible namang walang dahilan.” Nagbabadya na namang mag-init ang sulok ng aking mga mata. “Rica,” He called me with his soft voice, which sent chills down my spine. I look at him, in fairness, gwapo na siya kahit may salamin pero mas lumitaw ang kapogian niya ngayon ‘di niya suot ‘yon. May kakisigan din ang katawan niya, ay ano ba yan! Sa sandaling nakatingin ako sa kanya ay na obserbahan ko agad ang mga 'yon? Tumigil ka Rica ha, nandito ka para mag move-on hindi para saktan ulit ang sarili! "Thank you for your concern, sa pa-background music, at sinamahan mo pa talaga ako dito.” I flashed a smile, trying to conceal what I truly feel, “Although hindi naman na kailangan. There’s nothing to worry about, don’t mind what I said. Okay lang ako." Parang umurong naman ang dila niya at ‘di na nakapagsalita ngunit kalaunan ay marahan siyang tumango at isang tipid na ngiti ang pinakita sa akin. “I understand. I guess you’re not ready to talk about it yet.” Hindi ako umimik kaya nagpatuloy siya, “By the way, ikaw lang ba mag-isang nagpunta dito o may kasama ka? Nakita kitang lumabas ng Amihan Cafe kanina kaya sinundan kita." Muli kong tinuon ng pansin ang dalampasigan at bumuntong hininga. Wala naman sigurong masama na mag-share sa kanya, no? He looks kind and not judgemental, bukod doon ay magkakilala naman na kami—sort of. “I'm here because I want to refresh my mind,” simula ko. “Maka move on kahit papano at makalimot. My boyfriend cheated on me, we’re in relationship for 5 years and in the span of that 5 years ako lang pala ang nagmahal.” I bitterly laugh. Hinayaan ko nang dumaloy ang mga luha sa aking pisngi, “Siguro umasa talaga ako na totoo ang nararamdaman niya para sa akin pero nilaro niya lang pala ang feelings ko.” "Hindi mo ba agad nahalata na niloloko ka na niya?" he asked, concern lingering in his voice. Tumingin ako sa gawi niya at marahan akong umiling, “Crush na crush ko na siya simula pa noong first year college ako. Nasa pareho kaming university nag-aaral, classmate ko yung kapatid niya, ‘di nagtagal naging best friend ko na rin. May time na ipinakilala ako ni Shana sa kuya niya, kaya ayun, doon nagsimula.” Napakamot ako sa noo ko, “Napakadesperada ko noon na akala mo wala ng lalaki sa mundo, ako ang habol ng habol, kaya ‘nong nagpakita na siya ng interest para sa akin ay tuwang-tuwa ako at parang nanalo ako sa lotto. Ewan ko ba kung bakit ko ‘yon nagawa, ang tanga ko.” natawa ako nang maalala ang mga kahibangan ko dati. I turned my gaze away from him again. Umihip ang malamig na hangin, niyakap ko ang magkabila kong tuhod. Tahimik na ang paligid at tanging hampas ng alon lamang ang naririnig. “Wala ba talagang pagkakataon—kahit isang pagkakataon lamang na minahal niya ako? Was I just convenient? Am I not attractive or interesting enough?” Umismid ako, at nilaro ang mga daliri ko, “Maybe I’m too flawed for anyone to truly love me?” “Your feelings are valid, Rica. But don’t talk to yourself like that. It’s just that he didn’t see your worth as a woman—as a person in general. Sadyang hindi siya marunong magpahalaga kung sino ka talaga.” A tear fell from my eyes but I immediately wiped it before he’ll notice it. Yet, hearing those words from him brought me comfort. "Sinasabi mo lang ‘yan para gumaan ang loob ko pero hindi naman talaga yon totoo." saad ko na natatawa. Ramdam ko ang pag-usog niya sa direksyon ko dahil sa pagsagi ng mga braso namin. Parang may kuryenteng dumaloy sa ugat ko na hindi ko maintindihan. Ngunit binalewala ko na lang ‘yon. "Masyado mong binababa ang tingin mo sa sarili, which is totally wrong. Chin up and let him realize na hindi siya kawalan." I smiled, a genuine smile flashed on my face when I faced him again. “Thank you, it means a lot to me.” “S-See? That smile really suits you well, hindi yung laging magkasalubong ang kilay.” sabi niya at agad na umiwas. I winced and rolled my eyes. Tumayo na ako at pinagpag ang aking short upang maalis ang buhanging kumapit doon. Naglakad na ako pabalik ng villa nang hindi man lang siya pinansin. I feel his presence at the back, sumusunod siya sa akin hanggang magpantay kami sa paglalakad. “Grabe ka naman, iniwan mo ako ng walang pasabi.” Nagpatuloy lang siyang samahan ako hanggang sa marating namin ang villa. “Rica,” tawag niya sa akin ng nalampasan ko na siya at akma ng pumasok. I turned around and look at him. Napakamot siya sa batok niya. "Uhm, first time mo ba dito?" “Yeah,” tipid na sagot ko. "Gusto mo bang makita ang mga magagandang pasyalan dito sa resort? Pwede mo akong maging tour guide." nahihiya niyang alok. “No, thanks.” direkta kong sagot. “One of the resort staff is assigned as personal butler for my stay here.” I raised an eyebrow. “Nagtataray ka na naman,” saad niya sabay hakbang palapit sa akin. “No worries, I’ll just inform the assigned staff that I will be the one to tour you around.” Ramdam ko na seryoso siya habang sinasabi ‘yon, but I stand by what I just said. “Si Ate Oli na ang bahala sa akin, huwag ka na mag-abala.” Nagtaas siya ng dalawang kamay na parang sumusuko na, “Sige, hindi na kita pipilitin. Have a good night and enjoy your stay.” Ngumiti siya at tinalikuran na ako. *** I am getting ready for my second day here in the resort. I am wearing a simple letter graphic drawstring side summer beach bikini set with cover up and I’m currently waiting for Ate Oli to message me. Thirty minutes after, wala pa rin akong natatanggap na text mula sa kanya at medyo nagugutom na ako. Napagpasyahan ko na lang na doon mag breakfast sa Amihan Cafe. Pagbukas ko ng pinto ay nagtaka ako nang makita siya ulit. Nakatayo ito sa ‘di kalayuan at parang may hinihintay. Dahan-dahan ko siyang nilapitan. “Anong ginagawa mo dito?” napapitlag siya ng marinig akong magsalita. Hindi niya talaga naramdaman ang paglapit ko? Nakahawak pa siya sa kanyang dibdib nang lingunin niya ako, halatang pagtitripan ako. But as soon as he saw me, his playful aura disappeared. “Y-You scared me,” aniya. “So, bakit nga nandito ka? I’m expecting to see Ate Oli pero ikaw naman ang nandito.” humalukipkip ako. Tumayo siya ng maayos at inilagay ang magkabilang kamay sa bulsa ng kanyang shorts. He is wearing a drawstring waist swim shorts with side pocket and a white t-shirt. Ang simple ng damit niya, mukha naman siyang mayaman. “I assigned her to another guest.” Tinaasan ko siya ng kanang kilay, “Huh? At sino ka naman para gawin ‘yon?” “Rica, I have every right to do that,” he said with a calm confidence, a small smile playing on his lips. “I’m the CEO of this resort, and two other sister resorts on the nearby islands.” His tone was steady, neither too stern nor too casual, but with just enough authority to make his point clear. Napa-awang ang aking bibig. Itong lalaking ‘to CEO? ‘Di nga? Ayaw kong maniwala sa pinagsasabi niya hanggang sa mapatunayan ito ng dumating si Ate Oli. “Good morning, Sir DJ! Ito na po ang pinapakuha niyo.” She handed his phone and slightly bowed at him and glanced at me. “Hello, Miss Vargas! Magandang umaga po. Hindi po kita na-inform agad kagabi na si Sir DJ na po ang magiging guide niyo dito.” Natameme ako samantalang ang lalaking nasa harapan ko ay nakangisi lang. Hmp!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD