Prelude
WARNING : Some scenes are not suitable for young readers. Read at your own risk...
This is a product of the author's imagination. Characters, names, events, places, and incidents are purely fictional. Any resemblance to actual persons, living or dead, businesses, companies, or locales is entirely coincidental.
No part of this story may be reproduced in any form or by any means— electronic, recording, or photocopying, remaking, exploiting, distributing, and publishing without written permission from the author. PLAGIARIZING is a crime!!!
—
Here me my child,
Do not go in the wild,
For it's too dangerous,
There are deceptive monstrous,
Lurking in the dark,
You'll never see their spark,
They're pretending,
You'll never know what they're planning.
- LhordeJhayceeZuwail
--
Prelude
Siegfried
Natigil ang kulitan at tawanan namin ng biglang bumagal ang andar ng kotse ni Harry hanggang sa tuluyan na iyong huminto sa gitna ng kalsada at umusok ang harapan non.
"The hell?" Avi who is on my left side widened her eyes in so much irritation.
"I told you not to use this car, see what happened" Bea pointed to the smoke in front, she's sitting beside Harry because as she said, she's the girlfriend.
"Sabi kasing ipakilo mo na 'to" asar ni Hans na inalis ang suot na wireless headphone, nasa likod namin ito nakaupo.
"f**k" Harry cursed, hinampas ang manibela bago pabalibag na binuksan ang pinto sa side nya at bumaba.
Sumunod na bumaba sila Justin at Luther para tingnan ang makina ng sasakyan.
"Great," Lyre hissed, she's sitting on my right side. "Now, we're in the middle of nowhere" she opened the door and look around.
"Geez, what if there's a ghost here... Or worst, cannibals" Aella exaggeratedly said. "Remember the wrong turn and I spit your grave"
"Ang OA," angil ni Justin.
Bumaba sila Bea, Ylona at Hans.
I heaved a sigh, nag-excuse kay Lyre para makalabas.
Kahit makapal ang suot kong jacket at nakasuot na ako ng scarf ay tumatalab pa rin ang panggabing hangin.
Inilibot ko ang tingin sa paligid. Bukod sa kalsada, mga nagtataasang pine trees at kadiliman na lang ang nakikita ko. Ni walang buwan at mga bituin.
"s**t, there's no signal" napapadyak ako sa sobrang inis habang nakataas ang kamay ko sa ere at may hawak na cellphone. "I can't use my ways app"
"Malapit na ba dito iyong bahay ng lolo nyo?" Ylona asked Harry.
Iginala ni Harry ang tingin sa paligid. "Guys, look..." Nagkamot sya ng ulo.
I know that look.
"I don't know"
Sabay-sabay kaming minura ito, kulang na lang bugbugin ito nila Hans at Justin. Pinaghahampas naman ito nila Avi, Aella at Lyre, sila Luther at Ylona ay pinagmumura na lang ito. Samantalang si Bea, tulad ko, gigil na gigil na nakatitig dito.
"How about you, Frances?" Lyre asked.
"I don't know" mabilis kong sagot. "Last time na punta ko don ay mga three o four ata ako"
Bumagsak ang balikat nila.
"We can't stay here, delikado, and I'm too tired, too sleepy to fix your goddamn car so we better find a place para makapagpahinga," Luther said in a deep boring tone.
"We can't just leave Harry's car here in the middle of the road" bagsak ang balikat na sabi ko.
Namana nya pa iyon sa lolo namin kaya it's important.
I have this feeling na ang byaheng ito ay hindi magiging maganda. Why can't you trust your instinct, Frances?
Sana sumama na lang ako sa vacation abroad nila mom and dad edi sana I will not spend my long weekend in this kind of situation.
It's Friday and during weekends, lagi kaming pumupunta kung saan-saan and we'll return Sunday evening. Pagkatapos ng klase ay byahe agad kami. Lahat nakahanda na.
Nagtulong-tulong ang mga lalaking igilid ang kotse para hindi makaabala sa kung ano mang sasakyan ang dadaanan. Pagkatapos ay kinuha na naman ang mga bag namin. We're still thankful na dumaan muna kami sa grocery kanina bago bumyahe.
Using some of our cellphones flashlights, pumasok kami sa kasukalan. May kanya-kanya naman kaming power bank and it's full.
Panay ang reklamo nila Lyre, Aella at Avi dahil muntikan na silang matapilok. Si Justin naman panay ang mura kay Harry.
Basa ang dinadaanan namin dahil sa hamog.
"Damn you, ipapilit mo kasing sasakyan mo ang gagamitin. Look at us now"
Tinatawanan lang ito ni Harry na mas nakakadagdag sa inis nito.
"Let's just enjoy this, guys" Harry smirked, magkahawak ang kamay nito at ni Bea. Ang bag pa ng babae ay ito ang nagbubuhat. "Bonding na rin ito,"
"Bonding your face, ano namang bonding dito?" Angil ni Bea.
"Burn, jerk, burn" Ylona laughed.
Harry just roll his eyes.
"Pag umabot Tayo ng umaga dito, talagang isasabit ka namin sa pinakamataas na puno ng pine tree" Luther said with a smug.
Nagpatuloy ang asaran nila. Sa gitna ng gabi ay boses at tawanan namin ang naririnig. Kahit inis kay Harry ay naawa pa rin ako dito. Siguro dahil pinsan ko sya.
"I wish I can control the climate. Damn it, it's so cold" Hans tsked.
Aella laughed. "Me, I want electricity... That'll be cool"
Justin guffawed. "Well, I will control the wind para lalong manigas si Hans"
Luther patted Hans shoulder. "Don't worry, I will be your fire"
Harry groaned. "And I will be water"
"Don't worry guys, I will heal all your wounds" Ylona smirked.
Lyre roll her eyes. "I wish I can read all your minds"
Bea eyed her. "I want to talk to dead people"
"Gross, baby" Harry hissed.
Luther looked at Avi then me. "What about you two?"
I shrugged. "All of your powers"
"Greedy" they said in unison.
I roll my eyes, nagsisimula na naman ang mga kabaliwanan nila.
"You Avi?" Bea asked her.
She shook her head. "I just want to be normal"
We make an "ah" sound, pinandilatan nya lang kami.
Nahinto kami sa paglalakad ng tumigil sila Avi at Lyre, sila kasi ang nasa harapan. Ako, si Ylona at ang dalawang magshota ang nasa gitna at nasa likuran ang mga lalaki kasama si Aella.
"What is it? Why did you stopped?" Ylona asked.
"Hoy! Hindi ngayon ang panahon para mamahinga---"
"Shut up," sansala ni Avi sa sasabihin ni Justin. "May nakita kami ni Lyre."
Sinundan namin ang mga ito ng magsimula silang maglakad hanggang sa makakita kami ng pa-kwebang mga bato at may hagdan pababa pero may nakaharang doon na napakaraming mga kadena. Napapalibutan na rin ng mga ligaw na halaman.
Itinutok ko ang flashlight ng cellphone ko sa tabla na nakasabit sa mga kadena, may nakasulat don at halatang matagal na iyon dahil hindi na malinaw ang nakasulat pero mababasa pa rin.
"Warning... Don't open. Don't enter." Kumunot ang noo ko. "Dahil hinding-hindi ka na makakalabas... Talaga lang ah"
Justin chuckled. "What kind of s**t is this"
"Let's go, guys. Hwag nyo ng pansinin iyan" saway ni Lyre.
"Why? Scared?" Hans teased.
"f**k you"
Natawa naman kami sa sagot ni Lyre.
"Let's continued walking" Luther commanded and we start walking but after a minute or two, naramdaman namin ang ambon.
Huminto kami at nagkatinginan hanggang sa bumuhos na ang malakas na ulan.
"Holy, shit... This is our lucky day eh! Lucky day" Hans shouted.
"I hate you, Harry" Aella whine. "My hair, oh! God! God... My hair"
Tumakbo kami pabalik at kahit mahirap, sinubukan nilang tanggalin ang kadena. Pinagsisipa nila iyon at pinaghihila dahil siguro luma na ay tuluyan ng nasira.
Mabilis kaming bumaba sa hagdan at hindi na alintana kung ano ang sasalubong samin basta makasilong lang.
Punong-puno ng mga sapot at alikabok, nakakatakot pero wala kaming panahon para magreklamo. Himala nga na tahimik sila Avi at Lyre, kay Ylona walang problema kasi medyo may pagka-boyish ito.
May bakal na gate na bumungad samin bago tuluyang makapasok, it's not lock though. Dahil siguro sa hangin kaya bumukas na lang.
"This is creepy" Bea said in a shaky low voice.
"I don't like this idea, guys" bulong ni Aella.
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang magkakadikit at inililibot ang tingin sa paligid.
"This is cool, what do you guys think?" Mahahalata ang excitement sa boses ni Justin. "Underground."
Maluwang iyon at maraming pasikot-sikot hanggang sa mapagpasyahan naming magpahinga sa isang malawak na solar na pinapalibutan ng mga kakaibang bato na para bang inukit.
Harry get his LED bulb lamp light rechargeable at naghanap ng mapagsasabitan non, kahit pa paano ay lumiwanag. Samantalang si Habs ay namulot ng mga kahoy at gumawa ng bonfire. Naglatag ako ng tela saka umupo.
Sila Bea, Ylona, Luther at Justin ay nag-ikot.
Hindi araw-araw na makakakita ka ng ganitong klaseng lugar kaya talagang nakakamangha.
"This place looks like a tomb," ani Avi, ito lang ang nakatayo.
"What? Sementeryo, ganon? H'wag ka nga, Avi" angil ni Aella.
Pinandilatan lang ito ni Avi.
Naglabas ng alak si Hans, Lyre get a beer and start drinking.
"Harry" pinandilatan ko ito. "Please, no weed"
Nagkatinginan silang dalawa ni Hans. Nasa kamay na nila iyong mga gamit para sa weed at iyong weed mismo.
"Kj mo naman, Frances"
Inirapan ko lang si Harry.
"Weird, malakas ang signal dito sa baba" Lyre utter, her focus is in her laptop.
Because of what she said, I immediately get my phone on my bag and opened it.
Sumandal ako sa mabatong pader at nagsimulang maglaro ng mobile legend.
"Who is your character?" Hans asked. "Layla?"
"Hmm-mmm" I answered in a sing song voice. I put on my earphone and start playing.
Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong kinilabutan at nagsitaasan ang balahibo saking batok.
Mabilis kong inalis ang earphone ko ng maramdaman ang hangin na parang bumulong saking tenga saka inilibot ang tingin sa mga kasama.
They're bucy drinking and laughing while Avi is still standing there while hugging herself.
Napahawak ako sa batok ko. I know it's not just the wind. It felt like a humans breathing. Tumayo ako at tinititigan ang pader na sinandalan ko kanina.
"Look, I don't know if this is fake or what pero kakalabas lang" Lyre announce, reading the news in her laptop. "May total solar eclipse daw sa Monday."
Sa isang pader o bato man ay hindi iyon pangkaraniwan. I opened my phones flashlight at itinutok iyon sa nakaagaw sa attensyon ko.
"Well, for sure, that's fake news" Avi spat.
"Siegfried" bulong ko at sinalat ang nakaukit sa pader na bato, I was amazed that I actually understand it. I took a picture of it.
I don't know if it's Celtic o uri ng pagsusulat ng mga taga ibang bansa o noong unang panahon.
Sakto namang bumalik sila Luther, napabaling ako sa mga ito. Hindi nila kasama si Bea.
"Where's my baby?" Harry asked.
Biglang unalingawngaw ang matinis na boses ni Bea, at masakit iyon sa tenga.
"Look what I found" nakangiting iwinagayway nya ang hawak-hawak.
"Wow! Cool" komento ni Aella.
Alam kong napakaganda non kahit hindi ko pa nahahawakan. It's glowing in the dark. Dahil don, lumiliwanag ang palad ni Bea.
"Look, Frances" iniabot nya sakin iyon.
They knew that I love antiques. Pinakatitigan ko iyon. Tila may mga aluminum na nakapaligid sa gilid non at sa gitna ay may aluminum din in a shape of diamond at syam na butas don. The edge was like a hook, nakadireksyon sa unang butas. It was pointed and it looks sharp.
I touched it to verify my conclusion at hindi nga ako nagkamali, it's sharp. Napaigik ako ng masugatan ang hintuturo ko.
"Hindi kaya may mga nakatagong kayamanan dito" inakbayan ako ni Luther saka nakititig na rin sa hawak-hawak ko.
Mabilis kong itinago ang hintuturo ko. I elbowed him to give him a warning to put a distance between us but he ignore it.
"Hindi kaya dito nakatago ang kayaman ni Yamashita" ani Hans saka ininom ang beer na hawak.
"Really? Nagpapaniwala ka don?" Irap ni Aella.
Hans just shrugged.
"Where did you get that?" Ylona asked Bea.
"Pakalat-kalat naman"
Napatingin kami kay Avi ng bigla itong umupo at makarinig ng pag-c***k.
"What is that?" Justin asked in a teasing voice.
Avi roll her eyes then stand up at tiningnan ang naupuan.
"Grabe, ang bigat mo ah" pinandilatan ito ni Hans.
Nasira kasi ang naupuan nito. Tinanggal nito ang mga nasirang bato, kumunot ang noo ko ng may makuha itong libro sa ilalim.
"A journal?" Pinagpag nito iyon dahil punong-puno ng alikabok. Then she starts turning the pages. "This looks too old" kumunot ang noo nito saka lumapit samin. "Look, hindi ba ito iyan?" She's referring to the thing I'm holding and then pointed the drawing in the journal.
Nagsilapitan naman na silang lahat.
"Moonstone" basa ni Ylona habang itinuturo ang mga nakasulat sa journal. "Ang susi sa muling pagkabuhay... Hmm... Kailangan ng dugo ng isang birheng babae---"
"There's no such thing" Justin cut him off.
We ignore him.
"Kahit isang tulo lang ng dugo... Hmm" Hans continued reading, itinuro nya ang hook na nakadrawing. "Kailangang ito ang gamitin para masugatan ang daliri at tutulo na ang dugo sa butas hanggang umagos iyon sa iba pang butas"
Napakurap-kurap ako. Naibagsak ang kamay ng biglang bumilis ang t***k ng puso ko at parang hindi na ako makahinga.
Napaatras ako. Iginala ang tingin sa paligid.
"G-Guys, we need to get the hell out of here" every second, my heart starts to beat fast.
"Are you okay, Frances?" Luther asked.
My lips parted. Ang lugar na ito ay hindi basta-basta.
"Avi was right" nabitawan ko ang hawak ko na kung tawagin daw ay moonstone, napatitig sa mga pader na kung titingnan ng mabuti ay makikitang mga... "This is a tomb"
"Oh! God" natutop ni Lyre ang bibig habang nakatitig sa moonstone. "Why is it turning to color red?"
"Once the moonstone filled with blood it will turned to bloodstone" basa ni Hans saka tumitig sa'kin. "Frances, d-did you... D-Did..."
Hindi nya maituloy ang tanong kahit alam naman na nya ang totoo.
"You're a virgin, Frances?" Hindi makapaniwalang tanong ni Justin.
They stared at me, nagbaba ako ng tingin. Isang mahabang katahimikan ang lumipas bago binasag ni Ylona.
"C'mon, this is not true---"
Sabay-sabay kaming napatingin sa moonstone o bloodstone ng nagsimula iyong gumawa ng ingay. Ang mga nakapaligid na aluminum sa moonstone ay unti-unting parang nagkaron ng buhay at gumapang sa sahig. Pumapailalim na nagagawang pagalawin ang sementadong sahig.
Napahiyaw kami kasabay ng pagtumba't pag-upo sa sahig.
Tila gumagawa iyon ng daan papunta sa mga pader. At ang mismong moonstone ay nabasag at ang dugo ay umagos sa mga dinaanan ng aluminum.
"Run, run." Luther shouted when the blood finally reached the wall and the wall started to cracked.
"Go, go" sigaw din ni Justin.
Mabilis kaming tumayo at tumakbo. Hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari. Dahil sa pasikot-sikot ay nagkahiwalay-hiwalay kami. Hanggang sa kaming dalawa lang ni Avi ang magkasama.
Mabilis kaming pumanhik sa hagdan at lumabas. Malakas pa rin ang ulan at hangin, isama pa ang nakakatakot na kulog at kidlat.
Ganon na lang ang pagtataka ko ng tumigil si Avi.
"F-Frances" she whispered then her tears start to fall, nonstop. Fear is visible in her voice, nanginginig ang kanyang mga kamay habang hawak ang journal.
"C'mon, Avi." I cheer her up.
Parehas kaming napatili sa takot ng makarinig ng sigawan sa baba.
Nilapitan ko sya at hinawakan sa kamay pero parang may nakaharang at hindi sya makalabas.
"What the," napaiyak na ako. Mas hinila ko pa sya na kulang na lang ay maglupasay ako sa lupa. "s**t! s**t!"
Humagulhol sya at napaluhod, hinawakan ang kamay ko at inalis iyon sa kanyang kamay.
"Averill" sigaw ko sa kanya. "Halika na, hihingi tayo ng tulong."
Basang-basang na ako pero wala akong pakealam. I need to help them. My friends. Harry. My cousin.
Gamit ang liwanag na nagmumula sa kidlat, paunti-unti ay binasa nya ang journal.
"... Ang makakalabas lang sa lugar na ito ay ang taong naging dahilan ng kanilang paggising," Suminghot sya. "Sa muli nilang paglaya, ang eclipse---"
"Sino sila, Avi?" Sigaw ko. Aktong hahawakan ulit sya pero may biglang humila sa kanya.
"Franchesca" she shouted in so much fear, nabitawan ang journal. Hanggang sa tangayin ng kadiliman.
Pinulot ko iyon at mabilis na tumakbo. Hindi ko alam kung saan patungo, basta, takbo lang ako ng takbo hanggang sa mapatid ako at nagpagulong-gulong sa bangin na ni hindi ko man lamang namalayan. Naramdaman ko pa ang paguntog ng ulo ko sa bato bago ako nawalan ng ulirat.