Don't ever try
To get inside my
Head, it's too
Dark for you.
- Anonymous
Chapter Eighteen
The Adventures of Frances...
Part III
The ties that bind
Mula sa tinutuluyan kong bahay ay dinig na dinig ang sigawan sa labas. Women are not allowed to watch the match especially the reason why it's happening.
The Greco women are scary, they look like amazona. They have muscles and abs too, their faces are hard and formal. Even their voices are hefty. May iilan din akong nakita na mga babaeng mukhang hindi taga-dito.
Ilang babae ang nagpaligo sa'kin kanina at talagang hinubaran nila ako at kinuskos ang buong katawan. Sinuotan nila ako ng kulay buhangin na damit, inayusan at pinakain pagkatapos ay iniwan sa isang magandang bahay na puro sand stone ang haligi.
Nakaupo ako sa matigas na upuang korteng platito habang nakatitig sa tila pool sa'king harapan.
I stared at the sky, naalala ang mga panahong kasama ko sila. Nakatanaw din sa kadiliman ng kalangitan at sa liwanag ng buwan.
I smiled sadly, even they were jerks and assholes... I really missed them. All of them.
The playful side of Elric, who I thought the serious and normal of them all. Aiken's flirty side, who always teased me. The combination of the two, Felix's craziness. Daelan's cooking skills, and always concerned about what I ate. The side of Lyon, serious but I know he's concerned about them too. And Siege, dangerous and wicked but still have a soft heart because he always saves me.
Napalingon ako ng makarinig ng yabag at makita ang isang babae, she has black wavy hair, tanned skin, ashy eyes and slender body. Humahapit sa kanyang katawan ang suot na damit oras na naglalakad sya.
She smiled at me. "Hindi ka makatulog?"
Nag-iwas ako ng tingin saka umiling.
"Ilaw ba ang reyna ng Griegoville?
Mahinang tumawa sya, umiling. "Ang Griegoville ay walang reyna."
Kumunot ang noo ko. "Sa dami ng asawa ng hari ninyo, wala syang reyna?"
"Mabuting pag-isipan mo muna ang mga sasabihin mo, baka may makarinig sa'yo"
"Patawad." Agap ko. "Kung ganon ay isa ka sa asawa ng hari?"
"Walang asawa si Haring Castriel... Mga babae sila ng hari, hindi asawa."
"Sila? Kung ganon ikaw ay---"
"Nakababatang kapatid ako ng hari."
Namilog ang mata ko at namula ang pisngi sa pagkapahiya. Sunod-sunod na humingi ng tawad sa kanya. Natawa siya saka umupo sa isa sa mga upuan doon.
"Matagal na rin ang panahon ng mag-alok si Haring Castriel sa isang babae para maging asawa at reyna niya. Nahulog siya dito dahil talagang napakaganda nito, hindi ko masisisi ang kapatid ko. Isinuko niya ang lahat para dito... Napakabata pa niya, sobrang nagmahal, napakapusok." Malungkot syang tumawa.
I get the picture but I still want to know it so I asked.
"Ano ang mangyari?"
"Tinanggihan siya ng babae at bigla na lang itong naglaho, ni hindi man lamang nagpaalam." She looked at me. "Katulad mo, hindi rin siya taga-dito."
My eyes widened. "P-Paano mo nalaman?"
"Sa iyong pag-kilos at sa marami pang bagay."
Napatingin kami sa pinto ng makarinig ng ingay saka nakangiting tumingin sa'kin ang babae.
"Mukhang nanalo si Siege."
Napatayo ako saka wala sa sariling napangiti pero ng makita kong pumasok si Siege ay biglang naglaho ang saya ko at napalitan ng pag-aalala.
"Hindi ka pinapayagan dito, Siege, kailangan mo munang magpagaling." Pigil sa kanya ng mga babae doon.
"G-Gusto ko lang siyang... Gusto ko siyang makita."
Punong-puno sya ng dumi, dugo at mga sugat. He's a mess. I can't even recognize him.
Humakbang ako ng isa palapit sa kanya.
"Siege," I whispered.
"Hayaan nyo na siya." Utos ng kapatid ng hari sa mga babaeng pumipigil dito.
Tumakbo na ako palapit sa kanya, agad na pumalibot sa'kin ang braso nya at napaatras pa ako dahil sa bigla nyang pagyakap at hindi ko napaghandaan ang bigat nya.
"I won." He whispered in my ear. "We... Won."
Napangiti ako at napaluha na lang, tinapik-tapik ang kanyang likod. "Ye-Yeah!"
Hanggang sa tuluyan na syang nawalan ng malay.
If we're in our world, for sure, his wounds will heal easily.
He's been impassive for almost two days and I've been taking care and watching him since he lost his consciousness. I stared at his face, pagaling na ang iba nyang sugat. Siege Stonesifer, ilang beses mo pa ba ako gugulatin? Ilang beses mo pa ako kailangan iligtas?
Napaayos ako ng upo ng maramdaman ang mainit na bagay sa'king kamay at napatayo.
"Si-Siege?" Pinisil ko ang kanyang kamay at nang makita kong gumalaw ang kanyang mata ay niyakap ko sya ng mahigpit.
Mahina syang umungol ng masaktan ata dahil sa higpit ng yakap ko.
Agad naman akong lumayo at nag-init ang pisngi, hindi makatingin sa kanya.
Tumikhim ako. "May gusto ka ba---"
"The wedding?"
Gulat akong napatingin sa kanya, tumawa pa dahil akala ko nagbibiro lang sya pero mukhang seryoso sya. He's using his usual facial expression.
"Do we really need to do it? I mean, I-I don't like you. We don't even like each other."
Tumigas ang mukha nya, gusto ko syang tulungan ng umupo sya pero ayaw ko muna syang hawakan.
"Then just act," pumikit sya. "We don't have the right to ruin their traditions."
My heart pounded thinking about the fact that we're going to marry here, even it's only for an act.
"Then we escape." I suggested.
He groaned. "Then they will hunt us."
I bit my lower lip. Hindi ko kayang pakasalan sya.
Iminulat nya ang mata at tinititigan ako.
"You don't want to marry me because you like someone, huh? What? You like my brother, huh?" He asked resentfully.
My eyes widened and I blanched in shock and embarrassment.
"Am I right?" He said matter-of-fact and the corner of his mouth lifted, like he is taunting me.
Gusto ko syang kontrahin pero para saan pa? It's just a crush, everyone experienced it.
"You're right, I don't like to marry you because I like Lyon more than you." Diretso ko syang tinititigan sa mata.
A muscle in her jaw twitched as he gnashed his teeth. His eyes became lifeless and his face became grim.
Pasimple akong tumikhim ng makaramdam ng bara sa lalamunan ko saka tumayo na.
"You should rest." I murmured, mabilis na tumalikod pero bumalik din at napaupo sa kanyang kama ng hilain nya ang kamay ko.
"Si-Siege," gulat kong sigaw sa kanya.
Sinubukang kumawala pero humawak na rin sa isa kong braso ang kanyang kamay at bahagya akong hinila kaya mas napalapit pa ako sa kanyang katawan.
Tumahip ng mabilis ang t***k ng puso ko at parang hindi na ako makahinga.
"Siege, yo-your wounds. A-Ano ba---"
He stared at my face and I can't look back at him because I'm scared.
My heart flopped violently when he lie down dahilan para mapahiga ako sa dibdib nya.
"Siege, this is not f-funny anymore... Let me go." Sinubukan kong sungitan sya.
"Your lying, Frances." He whispered.
"Huh?"
"Sinasabi mo lang na si Lyon ang gusto mo kahit sa totoo..." Hinawakan nya ang baba ko at bahagya iyong iniangat para matitigan ang mukha ko. "Ako ang gusto mo."
Pinalakihan ko sya ng mata sa gulat at hindi ko na napigilan ang pagtawa ng malakas.
"Oh! God, you're crazy, Siege."
"Keep on denying it, Frances. You're scared to accept the fact that you like me. Na ako naman talaga ang gusto mo."
Itinulak ko sya saka sinuntok sa dibdib, napaigik sya at nabitawan ako. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para makalayo sa kanya pero niyakap nya ako mula sa likod.
"What is happening to you, Siege? Paano mo nasabing gusto kita, huh? Paano kita magugustuhan kung una pa lang gusto mo na akong patayin?"
Isiniksik nya ang mukha sa leeg ko. Mas dumagundong ang t***k ng puso ko. Humugot ako ng malalim na hininga at pilit pinakalma ang sarili.
"You punched hard, huh... You forgot that I'm injured." He said in a low, hurt voice.
I almost forgot about his condition. I bit my bottom lip and shut my eyes. Nakonsensya.
"Did you kill those men?" Tanong ko makalipas ang ilang minuto. Hindi na nagpumilit na makaalis dahil ayaw ko na siyang saktan pa.
Naramdaman ko ang pag-iling nya sa leeg ko. I froze when I felt his hot breath on my neck.
"I just know a thing or two to put them to sleep." He drawled sluggishly.
Mahigpit akong kumapit sa bedsheet.
"T-Talaga lang ah, ano iyan... Nagpabugbog ka muna?"
He chuckled. "Yeah, to give them a show."
Bahagya ko syang siniko. He groaned and that made me smiled.
I can't believe it. Siege Stonesifer, the coldblooded vampire who can't control himself, kaya palang hindi pumatay.
Wala ako sa sarili habang ginaganap ang kasal namin ni Siege, para iyong hindi pa pumapasok sa utak ko. Even if this is justan act, it's making me uncomfortable and tensed.
At the corner of my eyes, I looked at him. He's sitting beside me while watching some girls performing the traditional dance of Griegoville in front of us.
Ni hindi nya ako kinakausap o pinagtutuuan ng pansin, isang beses nya lang ako tiningnan at iyon ay noong lumapit ako sa kanya.
It's not that I want him to notice me or look at me or talk to me, it's just that... Naninibago ako sa katahimikan nya. Siya na nga lang ang kakilala ko dito, ayaw nya pa akong kausapin.
Napabuga ako, pinakawalan ang kanina pang namumuong tensyon sa dibdib ko.
"H'wag mong hahayaang nasa ilalim ka, pumaibabaw ka. Saktan mo siya, mabalasik at mabilis. Kainin mo at isubo."
I remembered one of the female Greco suggested that to me teasingly. Nawindang ako doon, mas lalong kinabahan.
Are we really going to do it, Siege? Gusto ko ng isigaw sa kanya dahil hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko.
"You can breath now, Frances... Don't worry, we're not going to do it." Pahayag nya ng makapasok kami sa isang silid.
Talagang pinagtulakan kami ng mga Greco dito, they are even cheering us. Nanghihinang napaupo ako ng pumasok siya sa isang pinto. Hanggang sa mapahiga at tumitig na lang ako sa kisame.
Napahawak ako sa forearm ko at sinalat ang tattoo doon. Siege and I have the same tattoo there. It's a zigzag, circling around my forearm. Sa'kin dalawang tattoo samantalang sya ay tatlo. They said, it's a sign of a married couple. A mark. A bond.
I married the guy who tried to kill me. I married the guy I hated the most.
Kumuha ako ng scarf at isinuklob iyon sa ulo ko saka lumabas sa tinutuluyan namin ni Siege.
"Toben!" I called him when I saw him playing with the other Greco kids.
He waved a hand at me.
"Binibining Frances."
I greeted the other kids and squatted down in front of him.
"Hinahanap nyo ho ba ay inyong asawa?"
Asawa!
That literally gave me chills.
Kumunot ang noo ko. Bakit ko naman sya hahanapin? Mas maganda nga na wala sya dahil kinakabahan ako at naiilang pag nasa paligid sya.
Hinawakan ni Toben ang kamay ko at hinila ako.
"Saan tayo pupunta, Toben?"
Ngumiti lang sya hanggang sa makarinig ako ng sigawan at tunog ng mga espada at mga kabayo.
Then I saw Siege with the other Greco practicing, they're riding a horse while holding a sword and fighting.
Hinila ko na si Toben palayo doon at lumibot na lang sa kanilang palasyo.
Iniwan ako ni Toben sa isang hardin, even Griegoville is a desert, nakakapagalaga pa rin sila ng mga halaman.
Napangiti ako ng makitang abala ang iba sa kani-kanilang mga ginagawa.
How I envy their plain life, their simple happiness.
Humangin ng malakas at tinangay ang suot kong scarf, I tried to catch it but the wind became stronger until the scar fall in the sand.
Natigil ako sa paghabol ng makitang pulutin iyon ni Siege at saka lumapit sa'kin. He's staring at my eyes while walking na para bang kapag tumingin siya sa ibang bagay ay bigla na lang akong maglalaho.
"S-Salamat." I tried to sound as natural as I can even though I'm nervous when he's in front of me. Inilahad ko ang kamay. "My scarf."
He heaved a sigh and step closer to me then he placed the scarf in my head and fixed it.
My heart pounded wildly. Napatitig sa seryoso nyang mukha, he's sweating, amoy araw din sya. I'm supposed to be disgusted but I'm not.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin ng mahuli nyang nakatitig ako sa kanya.
I heard him tsked.
"Halika na, masyado ng mainit dito." Aya nya.
Umiling ako. "I'm fine here, mauna ka na."
"Frances." He warned.
"I'm really fine here--- Siege." Napatili ako ng basta na lang niya akong buhatin.
Humalakhak lang sya at nagsimula ng maglakad.
"Isa sa mga anak kong babae ay gusto ka, Siege." Pahayag ni Castriel.
They're having this feast and I'm just there sitting beside Siege. Mahigpit akong napahawak sa baso kong may lamang alak, and I'm not planning on drinking.
"Gusto ka pa nga niyang pakasalan. Ang batang iyon." Castriel chuckled then drink his wine.
Napadiretso ang likod ko ng maramdaman ang kamay ni Siege sa sandalan ng upuan ko.
Siege chuckled. "Napakabata pa niya. Labinlima? Labing-anim?"
"Ako man ay labing-apat na taon ng magkaron ng babae. Pero anak ko ang pinaguusapan natin at gagawin ko ang lahat para sa kaniya."
Bigla akong napainom, nag-usap pa sila tungkol sa bagay na iyon na para bang sila lang dalawa ang nandon.
"Easy, Frances, you're drunk." saway sa'kin ni Siege.
Gigil na inirapan ko sya. Sa sobrang inis ay hindi ko sya pinansin buong magdamag. I hate him because he doesn't want me to enjoy, he's so unfair.
Samantalang sya, inom lang ng inom at kung sino pa ang mga babaeng lumalapit sa kanya. Hello, wife here, bitches. I'm the wife!
Natigilan ako sa tumatakbo sa utak ko. This is not good. I'm just drunk, yes, just f*****g drunk.
Naramdaman ko ang pagtitig nya sa'kin pero nanatili akong tahimik.
"What's the problem? Kanina ka pa tahimik." He asked finally.
I mentally roll my eyes.
"Medyo masakit lang ang ulo ko, inaantok na rin ako."
I rubbed my forehead and faked a yawn to be believable.
"Let's sleep then."
Napatingin ako sa kanya ng tumayo siya.
"Ah, hmm, pwede ka namang maiwan dito... I'm fine." I blurted nervously.
Kumunot ang kanyang noo, namumula ang kanyang mukha tanda na lasing na din sya.
"Let's sleep." He uttered with finality saka nagpaalam sa mga nandon.
Nagpakawala siya ng pagod ng ungol ng makaloob kami sa tinutuluyan namin saka niya ako hinarap.
"Tell me, what's the problem?"
"A-Anong problema?"
"Kanina ka pa tahimik, kapag kinakausap kita hindi mo ako pinapansin." He crossed his arms. "What's the problem? What did I do to make you upset like this?"
Naging malikot ang mata ko. "Kinakausap naman kita ngayon---"
"Is this about Castriel's daughter? The one who wants to marry me?"
Hindi ako nakapagsalita, hindi ko rin alam kung iyon ba ang dahilan kung bakit ako biglang nainis kanina.
"I'm not going to marry her---"
"Stop, Siege." I cut him off. "P-Please stop this now... Stop being concern to me, stop playing nice. That's not you, hindi ako sanay na ganyan ka... Just stop."
His lips parted, confusion is visible in his face too.
Humakbang sya palapit sa'kin.
"I don't understand---"
Napatili ako ng biglang sumabog ang pader, mabilis siyang lumapit sa'kin at niyakap ako. Napahiga kami sa sahig sa sobrang lakas ng impact.
"f**k this, why can't the queen accept the f*****g truth that I don't f*****g want to marry her."
Bahagya nyang iniangat ang sarili saka kami nagkatinginan ng marinig ang boses ni Felix.