Bharbie's point of view. Lumipas ang ilang araw matapos akong sugurin nila Mickey rito sa Journal Academy. Wala naman nagbago dahil pagkatapos mangyari lahat ng iyon. Back to normal na ulit kami. At ngayon, nasa loob ako ng klase dahil may special test kami kay Professor Hilarious. Lahat ng cellphone namin ay kinuha na muna pansamantala. Habang nasa klase, biglang nagsalita ang prof kaya lahat napahinto sa pagsagot. "Students. I have to go out for a minute. Walang aalis dito kundi lagot kayo sakin. Kukunin ko lang yung record book," "Yes sir," sagot naming lahat. Lumabas na siya kaya nagpatuloy nalang kaming lahat sa pag-eexam. Nagkaroon ng pagbabago sa sitting arrangement namin ngayon para masigurado na maiwasan ang pangongopya sa mga kaklase. Si Chloe nasa unahan, tapat ng teacher'

