Zach's point of view. "Don't Go. Please stay here for a while..." Hindi ko alam kung bakit ko sinara ang pintuan. May sariling buhay na yata ang mga kamay ko kaya kusa na silang kumikilos. Lumingon ako kay Bharbie na nakatayo ngayon habang hawak ang braso niya. "Sariwa pa ang sugat mo tapos gumagalaw ka na dyan. Gusto mo bang mas lumala pa iyan sugat mo?" "E kase naman! Wala akong kasama rito kapag umalis ka," "Akala ko ba matapang ka pero bakit kamatayan hindi mo kayang harapin?" Inalalayan ko siya paupo baka kasi mamaya masisi pa ako ni Master Gino kapag lumala ang sugat niya. "Kaya ko naman pero malalabanan ko ba kung napakalalim ng sugat ko? Tanga tanga ka talaga!" "Tanga? Sige. Aalis na ako!" banta ko. "Wag!" pigil niya sa akin. Bakit parang ayaw niya akong umalis sa tabi n

