Chapter 5

2456 Words
Bharbie's point of view. Hindi na ako makapaghintay para sa laban mamaya. Alam kong kakayanin namin 'yon, huling grupo pa lang naman. Kung napatumba ko na yung pangalawang grupo, this one should be a piece of cake. Sure win na 'to para sa 'kin. "Meow!" Napahinto ako sa pagsasara ng pinto ng dorm. Sa gilid ko, may pusang nakaupo, nakatitig sa 'kin na parang gusto akong sabayan sa labas. Maputi s'ya, may gray patches, at yung mata; one blue, one gold. Ang ganda. Pero wait, bawal ang hayop dito sa campus, 'di ba? "Hey..." bulong ko sa sarili habang yumuko at binuhat ko s'ya. "Bawal ka rito, cutie. Sa guard post kita dadal—" "Don't fcking touch her!" malamig na boses ang biglang sumingit. Lumingon ako. Si Zach pala. "What the he—" Wala pang dalawang segundo, nasa harapan ko na s'ya at kinuha yung pusa mula sa mga kamay ko. Hindi basta kinuha, parang tinanggal. As if I'm some contaminant na nadikit sa alaga n'yang hindi ko naman alam na sa kanya pala. "Hindi mo s'ya dapat hinahawakan!" Wow! 'Yun talaga ang bungad? Wala manlang bang thank you dahil nakita ko 'yang pusa?! Umirap ako. "Alaga mo ba 'yan? Eh bawal pusa rito? Alam mo ba meaning ng bawal—" "Wag ka nga maingay." Hindi na s'ya basta iritado, malamig talaga, borderline threatening. "Kung ayaw mong magkaroon ng problema, never mong isusumbong si Bharsy sa kahit sino. Guard, admin, principal, kahit sinong bored na tao. Kapag nakuha s'ya, hindi ko na s'ya makikita ulit." Napataas kilay ko. Bharsy? Tumawa ako, hindi ko napigilan. "Bharsy? 'Yan talaga pangalan n'ya?" "Walang nakakatawa!" singhal n'ya. Lumapit ako. "Mahilig ka pala sa pusa, no?" Aabutin ko sana uli pero mabilis n'yang tinapik ang kamay ko, hindi malakas pero sapat para ipaalala na ayaw n'yang nilalapitan kahit yung pusa n'ya. "Tigilan mo 'yang paghawak. Hindi ka n'ya kailangan." Tsk! Suplado talaga! "Grabe ka naman," napakunot ako. "Hahawakan ko lang, hindi ko naman ninanakaw. Alam mo, kapag hindi mo pinahawak sa 'kin 'yan, baka sakaling isusu—" "Sumbong?" malamig n'yang putol. "Try it." Hindi ako nakasagot agad. Hindi dahil natakot ako pero kasi ang lapit n'ya bigla. Yung tipong isang hinga na lang, magtatama na yung noo namin. Ang kapal ng mukha. Pero di ako nagpatalo. Agad ko pa rin hinaplos si Bharsy habang nakakunot noo s'ya. "Hi Bharsy! Ang cute cute mo... kaso lang malas ka rin pala kasi ang pangit ng amo mo." "Hoy," singhal n'ya, mas mababa pa sa kanina. "Wala kang karapatan!" Grabe 'tong isang 'to. Lagi na lang galit. Lakas pa ng boses. Paano kung may makakita sa amin ngayon? Edi huli s'ya. Sayang naman si Bharsy. "Kung ako sayo, itago mo na s'ya," putol ko, naglakad palayo. "Baka mahuli pa dahil sa katangahan mo." "Stop." Hinila n'ya braso ko. Yung tipong hindi ka basta makakawala kahit gusto mo. Napalingon ako. Yung mga mata n'ya hindi galit. Sobrang cold. Sobrang assessing. Parang binabasa n'ya kung isusumbong ko ba talaga s'ya o hindi. "Sabay na tayo," mahina pero authoritative. "And don't say anything. Don't make noise. Don't be stupid." Ano ba?! Kelan pa ako naging willing sumabay sa taong hindi ko naman close? Umiling ako at naglakad papasok sa elevator. Maya-maya, hinabol n'ya talaga ako. Pagbukas ng elevator, saktong may babaeng naglakad papunta sa amin. May kasama pa s'yang apat na babae pero s'ya lang ang tumingin sa amin. "Hi Zach! Who is she?" naka-smirk na tanong n'ya. Nginitian s'ya ni Zach. "Hi, Abby! She's my maid." Maid?! Ako?! Mukha ba akong katulong sa suot kong 'to?! Tarantado 'to! "Ano'ng pina—" Hindi ko na natuloy dahil inakbayan n'ya ako. "Mauuna na kami, The Fifth Lovers. See you later!" Wait... what?! The Fifth Lovers?!! Napalingon akong muli sa limang babae na 'yon. Grabe. Ang gaganda nila. Matatangkad. Ang kikikay. Parang model lahat. Mukhang sila nga talaga ang pang huling grupo na kakalabanin namin ngayon. "Zach!" sigaw ko. Napalayo s'ya ng konti. "What? Wag kang sumigaw!" "Sila ba ang Th—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang may tumawag sa 'kin sa 'di kalayuan. Lumingon kami pareho. Si Kurt lang pala. Papalapit s'ya at halatang nagtataka kung bakit kami magkasama ni Zach. "Bakit kasama mo 'yan?" tanong n'ya habang tinitingnan si Zach mula ulo hanggang paa. "Huh? Hindi ko s'ya kasama!" mabilis kong sagot. "Papunta na ako sa room tapos nasalubong ko s'ya sa hallway ng floor. Nagkasabay lang kami sa elevator." Mukhang naniwala naman s'ya. Ngumiti lang s'ya sa 'kin. "Tara na, mallows," aya n'ya. "Huh? Saan?" tanong ko, kunot-noo. Lumapit s'ya at binulungan ako sa tenga, "Gangsters Group Warrior na. Kailangan na natin pumunta sa registration ngayon." Lumayo s'ya, pero hindi pa rin maiwasang sulyapan si Zach, obvious na may duda pa rin s'ya rito pero hindi na ito pinansin pa at hinila na lang papunta sa likod ng stage. May isang lalaki doon na nakaupo sa mesa at nagsusulat. Siya siguro ang in-charge sa registration. This is it. Laban na talaga mamaya. "Hi! Kami ang Star Gazers!" bati ko sa lalaking nasa mesa ng registration. "First time yata na may nag-register ulit para sa Gangsters Group." Hindi s'ya tumingin habang nagsusulat. "Sa tagal ko rito, ngayon lang ulit may naglakas loob. Sino'ng leader n'yo?" Ganto ba s'ya kumausap ng tao? Wala man lang eye contact? "Bharbie Anne Safari." walang gana kong sagot. Napahinto s'ya sa pagsusulat. Tumingin sa 'kin na para bang hindi makapaniwala. "Ikaw? Yung transferee? Lalaban ka?" Kinalabog ko ang lamesa n'ya. Kumalansing ang ballpen at papel. "Ang dami mong tanong! Isulat mo na lang pangalan ko," "Chill. Tapos na." Umayos s'ya ng upo. "Sino mga members?" Agad s'yang nilapitan nila Kurt at sinabing sila na 'yon. Ilang saglit lang, may inabot s'yang papel sa 'kin. "Registered. Good luck sa first fight n'yo." Kinuha ko 'yong papel at umalis na kami. Naglakad kami papunta sa arena kung saan gaganapin ang Gangsters Group Warrior. Pagdating namin doon, nandoon na halos lahat ng miyembro. Nakatingin lang ako sa paligid habang pinagmamasdan sila. At kung inosente akong estudyante, malamang naihi na ako sa kaba ngayon dahil ang tatalim ng mga tingin nila. Sobrang bibigat ng mga aura nilang lahat. "Meet them," sabi ni Kurt. Sinundan ko ang tingin n'ya at nakita ko ang mga tropa ni Zach, yung nangtrip sa 'kin. Hindi ko pa nakikita si Zach, mukhang may pinuntahan pa muna pero wala akong pakialam. Umupo kami sa pang-anim na upuan. Ilang sandali pa, nakita ko s'yang paparating pero bago s'ya tuluyang pumunta sa pwesto nila, sinenyasan muna n'ya ang mga kaibigan n'ya. Sabay-sabay silang lumingon sa direksyon namin. Hindi nagtagal ay agad silang lumapit. "Ano'ng ginagawa ng mga mahihina rito?" sarkastikong tanong ni Vince. "Kakalabanin sila Abby? Wow! Kung ako sa inyo, aatras nalang ako. Imbes na manalo, mapapahiya lang kase kayo." Ang kapal ng mukha. "Mahina?" Tumayo ako. "Baka gusto mong pakitaan kita ngayon?" Hinawakan ni Kurt ang kamay ko, pinakalma ako pero napupuno na talaga ako. "Ang yabang mo talagang babae ka!" sabat ni Clark. Palapit na sana s'ya pero hinarang s'ya kaagad ni Zach. "Enough," malamig n'yang sabi. "Good luck! Excited na akong panoorin kayong durugin nila Abby sa stage." Walang modo talaga 'tong taong 'to. Parang nag-eenjoy talaga s'yang panoorin kaming mapahiya. Pagkatapos no'n, bumalik na sila sa pwesto nila. Mabuti na lang at dumating na rin ang professor sa stage. "Good afternoon, students!" sigaw ng professor. "Narito na naman tayo sa larong palakasan ng bawat miyembro ng Gangsters Group. Tinatawag natin itong Gangsters Group Warrior. Pero bago ang lahat... Mukhang may bago tayong grupo ngayon na gustong hamunin ang pang limang grupo! Palakpakan natin ang Star Gazers!" Tumuro s'ya sa amin at tinutukan kami ng spotlight. Narinig ko ang hiyawan sa paligid pero hindi ko na pinansin. Diretso lang ang tingin ko sa stage. Focus lang. Wala nang atrasan. "Ang mga magtatapat ngayong araw ay G-Partler laban sa The Four Girls. Susundan ng The Run Devil laban sa The Hell... at sa huli, The Fifth Lovers laban sa mga newbies na Star Gazers. Good luck, gangsters!" Unang laban G-Partler vs The Four Girls. Ngayon ko lang napatunayang kaya hindi natatanggal ang G-Partler sa rank one ay dahil puro pa-cute ang kalaban nila. Yung laban nila kase parang rehearsal ng rom-com, mas nangingibabaw pa ang landian kaysa suntukan. Predictable. In the end, panalo na naman ang G-Partler. But I'm not impressed. Sumunod na laban. The Run Devil vs The Hell. Ito ang tunay na laban. Ang bilis ng bawat galaw. Walang patumpik-tumpik. Seryoso lahat. Ramdam ko ang tensyon at init ng laban sa bawat suntok at iwas. Masasabi mong parehong grupo, may pangarap. Gusto nilang manalo pero panalo pa rin ang The Run Devil. Walang nabago sa rankings. At pagkatapos namin panoorin sila, kami na ang susunod. "Now, let's welcome... The Fifth Lovers and Star Gazers!" Tumayo kaming lima at sabay-sabay na naglakad papunta sa likod ng stage. Bago pa man kami makapanhik, nilingon ko muna ang G-Partler at binigyan sila ng isang ngisi. Napailing lang sila. Yeah, I know you saw that. Umakyat na kami sa stage. Naunang tinawag sila Tina at Kevin. Habang pinapanood ko ang laban nila, hindi ko maiwasang mapangiti. Malaki ang pinagbago ni Kevin, mas mabilis, mas matatag. At ngayon, masasabi kong kayang kaya na n'yang tapatan si Tina sa pakikipaglaban. "Kaya mo 'yan, Kevin," bulong ni Kurt. "Kaya n'ya 'yan," sabay sabi ni Chloe. Tumango lang ako. Nakapako ang mga mata ko sa laban. Ramdam ko ang kaba, pero unti-unti itong napawi nang makita kong napabagsak ni Kevin si Tina. Sumunod naman si Chloe laban kay Aika. Pinanood namin silang magpalitan ng galaw, may galing si Aika, pero hindi rin papatalo si Chloe. Sa huli, si Chloe ang nanalo. "Sino'ng susunod?" tanong ni Kevin habang hawak ang panyo sa sugatang labi. "Ako na," sagot ni Kurt. "Kay Candice ako." Tumango ako. Habang umaakyat si Kurt sa stage, naramdaman ko ang bigat ng tingin nila Kevin sa 'kin. "Sigurado ka bang kaya mo si Abby at Maja?" Hindi ako lumingon. Diretso pa rin ang tingin ko kay Kurt. "Kung apat nga na nasa top 2 napabagsak ko, 'yang dalawa pa kaya na nasa top 5 lang?" sagot ko, bahagyang mayabang. Napailing s'ya pero bago pa s'ya makapagsalita, lumipat na ang atensyon ko sa stage dahil sa pagbagsak ni Kurt. Napabalikwas ako. Wait, whaaat? Nakita kong nakangisi si Candice habang hawak-hawak ang isang maliit na syringe. No. They didn't. Agad na tumakbo sila Kevin at Chloe papunta kay Kurt. Tinulungan s'yang bumangon at pinaupo sa gilid ng stage. Lumapit na rin ako. "Ayos ka lang?" "May hawak silang pampahina," sagot ni Kurt, hingal at galit ang boses. "Pag tinurok nila 'yun sa'yo, mananamlay katawan mo. Hindi ko na nga rin maramdaman ang paa ko. Sorry, I failed you." Umiling ako. Pinatong ko ang kamay ko sa balikat n'ya. "No. Hindi mo kasalanan na nandaya sila. Magpahinga ka na. Ako na ang bahala." Tumayo ako at umakyat sa stage. Naramdaman ko ang spotlight sa mukha ko. Lahat ng mata, nakatuon sa 'kin ngayon. Halos hindi na makahinga sa excitement na mangyayari. One versus three? Bring it on. "Alam mo, kung ako sa'yo, mag-surrender ka na lang," sabi ni Abby. Ngumisi ako. "In your dreams." Pagkasabi ko noon, agad kong sinipa si Candice sa tiyan. Tumalsik ang hawak n'yang syringe at mabilis ko itong sinalo. Nabigla ang lahat sa bilis ng kilos ko. "Oops! Sorry, not sorry!" Umikot ako sabay sipa kay Maja. Hindi s'ya nakapag-react, tumalsik s'ya sa gilid ng stage. Nakarinig ako ng mga 'oohs' at 'whoa' mula sa mga estudyante. Hindi rin nagtagal, sumugod si Abby. Sabunot kaagad ang inabot ko pero hindi ako nagpatalo. Hinawakan ko ang kamay n'ya at sinipa s'ya sa sikmura kaya diretsong s'yang laglag sa stage. "Sorry, sadya!" sigaw ko habang kita sa mukha n'ya ang sakit. Galit na sumugod sina Maja at Candice sa 'kin. Tinadyakan at sinuntok nila ako nang sunod-sunod kaya napaduwal ako at dumura ng dugo. Dahan-dahan ko silang tiningnan habang nagpupunas ng labi. Ngumisi ako. "My turn." Hinataw ko sila ng suntok at sipa, ibinalik ko ang sakit na natamo ng mga kaibigan ko kanina. Kahit hirap, hindi ako tumigil hanggang sa isa-isa silang bumagsak, napaluhod na rin sa sobrang sakit ng ginawa ko. "Enough!" sigaw ng professor mula sa gilid. Lumingon ako. Malamig ang mukha ko. "Sorry. Ayoko lang kasi nasasaktan ang mga kaibigan ko." Lumapit na ako kina Kevin. Habang naglalakad, pumasok ang mga nurse para asikasuhin ang tatlong natalo. Nginitian ko si Kurt. "We won." Napangiti rin s'ya. "Walang kumpas ang galing mo." Natawa lang ako rito. "Congrats!" sigaw ng isang grupo. Paglingon ko, lumapit na pala ang mga council ng Journal Academy. Isa-isa silang nagpakilala. Lumapit ang Dean, tumingin sa 'kin, at ngumiti. "Sumunod kayo. Marami akong dapat sabihin sa inyo tungkol sa sikreto ng Journal Academy." Napakunot ang noo ko. "I don't care kung anong sikreto n'yo. Next time mo na lang sabihin kapag kami na ang nasa tuktok. Let's go." Hindi s'ya nakasagot. Tumalikod na ako kaagad at bumaba ng stage. Pagbaba, sinalubong kami ng G-Partler na nakatayo sa dadaanan namin. Naka-smirk si Vince. "Welcome to hell." "Sa dinami-dami ng magwe-welcome sa amin, bakit kayo pa talaga?" iritadong sagot ko. "Weak girl!" sabat ni Vince. "Ang galing mo pala." "Thanks. Don't worry. Next time, kayo naman ang patatalsikin namin sa kinalalagyan n'yo." may yabang na sabi ko bago ko sila lagpasan. Agad din naman sumunod sa 'kin sila Kevin, Kurt, at Chloe. Bago pumasok sa klase, dumiretso muna kami sa clinic para gamutin ang mga sugat namin. Hindi naman ganun katagal ang inantay namin dahil agad din kaming pinalabas. Pagkatapos no'n, dumiretso na kami sa classroom. Halos magtakbuhan sa takot ang mga estudyante pagpasok namin. Mukha tuloy silang daga na nakakita ng pusa na anytime ay handa silang lapain. "Hindi namin kayo kakainin," malamig kong sabi. Padabog akong umupo sa upuan. Sinubsob ko ang mukha ko sa desk at napaisip. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat, yung iniiwasan kami ng simpleng estudyante. Alam kong iisipin nilang katulad din kami ng ibang gang, mapang-api, mapang-abuso pero hindi. Ayoko na no'n. Mas okay pa na ako ang umiwas sa kanila. Matagal na akong kinatatakutan ng mga estudyante. But to be honest? Sawang-sawa na ako. Lalo na sa mga nangyari noong nakaraang taon. "Ayos ka lang ba, Mallows?" tanong ni Kurt, may halong pag-aalala. Tumango lang ako. Hindi ko na s'ya nilingon. Mas pinili ko na lang na matulog dahil wala rin namang saysay makinig sa klase ngayon. Malamang i-wewelcome lang kami ng mga teachers sa pagpasok sa gangsters group. At sa totoo lang, pagod na pagod ang katawan ko sa nangyari kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD