Bharbie's point of view.
Hindi ko talaga makalimutan yung sinabi ni Zach kagabi bago sila umalis ng dorm ko. Punishment? As in, seriously? Sinabi n'ya 'yon sa 'kin na parang villain s'ya sa isang thriller series. Hindi ko alam kung anong klaseng kabaliwan ang iniisip n'ya, pero nakakasigurado ako na hindi 'yon magiging maganda.
Whole night akong gising. Hindi dahil sa panonood ng movie at pag-inom ng energy drink. Gising ako kasi sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko, boses n'ya pa rin palagi ang naririnig ko. Paulit-ulit. Like a curse I didn't ask for. Like a threat na may expiration date, and that date was today.
Maaga pa lang, gising na ako. As in 4:30 AM, no alarm needed. Nag-ayos ako ng maayos. Straight hair. Clean makeup. Yung usual school girl look na hindi mukhang problemado. I was trying to act normal. Trying to act like wala akong narinig kagabi. But deep down, ramdam ko na may pasabog.
And yes, I was right. Paglapag ko sa hallway ng building namin, normal pa ang lahat. Same haggard faces. Same boring routine pero paglapit ko sa classroom namin may lalaking biglang humarang sa harap ko. Di ko s'ya kilala pero grabe kung makangiti, as if may binabalak s'yang kalokohan sa 'kin ngayong araw.
"Hi, Bharbie!" ngumiti s'ya, pero sobrang plastic ng dating.
Before I could even process kung ano'ng meron, tinapunan n'ya ako kaagad ng basura. Itinapon n'ya 'yon sa mukha ko. Hindi lang isa, hindi lang konti. Buong plastic yata ng basura ang tumama sa mukha ko, sa buhok at sa uniform.
May tissue, plastic, at lumang banana peel na dumulas pa sa leeg ko. Amoy suka at iba't ibang sauce. May something na I swear to God mukhang nagmula pa sa basurahan ng canteen noong isang linggo. Literal na mabaho, malagkit at sobrang disgusting garbage.
Tuwang tuwa pa silang lahat sa nangyari. Tawa nang tawa yung lalaki at mga kasama n'ya habang naglalakad palayo. Napakagat na lang ako sa labi ko. Sobrang nakakainis at nakakahiya pero pinigilan ko ang sarili kong magwala.
Grabe! Sira agad araw ko, and it’s not even 8 A.M!!
Isa isa kong tinanggal ang mga basurang nakadikit sa buhok ko. Gusto ko silang habulin at gusto ko silang balikan pero wala na sila at parang multo na biglang naglaho. So ayun, pumasok nalang ako sa classroom kahit feeling ko mabaho pa rin ako.
Pagpasok ko sa classroom, napahinto lahat. Nakita kase nilang lahat ang itsura ko na mukhang pulubi na basang-basa, may spaghetti sauce pa sa buhok, at amoy basurahan.
Pero kahit ganun yung itsura ko, I walked in like I owned the damn school. Bahala silang mabahuan. Alam ko naman na kagagawan nilang lahat 'to. Pwes, tiisin nila ang amoy!
"Ew! Ang baho mo!" sigaw ng girl sa second row.
"Yuck! Umalis ka nga rito!" dagdag ng isa, sabay takbo pa palayo as if contagious ako.
I tightened my grip sa bag ko and walked straight to my seat like I didn't hear anything kasi kung papatulan ko pa sila, ako lang yung matatalo. And I'm not giving them that win.
At ayun na nga. Parang eksena sa pelikula, biglang lumitaw si Zach. He stood there, nakasandal sa pinto with that smug smile on his face.
"Welcome to your punishment, Bharbie."
So s'ya?! S'ya yung may pakana ng prank na 'to? S'ya ang reason kung bakit ang breakfast ko ay humiliation at spoiled food? Gusto ko tuloy s'yang suntukin. As in, yung sapak na may kasamang knee sa tiyan.
I took a deep breath and smiled. I acted like I didn't care, kahit deep down gusto ko na patulan ang kalokohan nilang lahat.
Hanggang sa dumating na ang break time kaya wala akong sinayang na oras. Dumiretso ako sa dorm, binuksan agad yung shower. Hindi lang dahil gusto kong mawala yung amoy pero dahil gusto kong hugasan lahat ng galit at kahihiyan na kinain ko kanina.
I stared at myself in the mirror after. Medyo mapula yung mata ko pero hindi ako iiyak. Not for them. Never for them.
Pagkababa ko, andun na sina Chloe, Kevin, at Kurt sa may bench. And honestly, hindi ako friendly na tao pero wala akong choice dahil wala naman akong ibang kakilala rito at tanging sila lang. Kahit pa na hindi ako sure kung totoo ba talaga silang kaibigan, kailangan ko pa rin silang makausap dahil kailangan ko ng konting impormasyon tungkol sa eskwelahan na 'to.
"Ang tagal mo naman," reklamo ni Kurt.
I rolled my eyes. "Eh 'di sana hindi mo ako hinintay? Nobody cares about you anyway."
"Sungit mo talaga," sabay akbay pa. Ugh. Boys.
Tinulak ko s'ya. "Don't touch me unless may death wish ka."
"Buti na lang may food ako," sabat ni Kevin. "Tara, sa garden na lang tayo. Mas safe doon."
So we went. And for the first time since dumating ako dito, I opened up.
"Okay, real talk," I said habang nauupo sa damuhan. "What the hell is wrong with this school? Parang lahat ng tao dito, may sira sa utak. And I'm the main target."
Nagkatinginan sila. "Shhh," bulong ni Kurt. "Baka may makarinig."
"Then let them," I shrugged. "I'm not here to play dumb."
Kevin looked at me, then sighed. "Bharbie, this isn't just a school. This is Journal Academy. Kung sa labas, schools are about grades and medals. Dito naman, it's about power."
"Power? Like... student council drama?"
"No," Chloe said seriously. "As in gangs. Real gangs."
Napatawa ako. "Okay, now that's wild."
Kevin leaned closer. "Every gang follows one person. Yung founder. Yung may-ari ng school. By no one knows who they are. All we know is that the top gangsters report to them."
"Secret identity? Wow. Parang villain sa story?"
Chloe nodded. "Exactly. And if you even try to say their name, expelled ka agad. No questions asked."
"So lahat ng gulo sa school na 'to nakasalalay sa isang tao na hindi pwedeng banggitin sa iba?"
"Yup. At kung sinong nakakakilala sakanya, sila yung mga untouchable rito," sagot ni Kurt.
Napatahimik ako. Untouchable. So ganun pala ang sistema rito? May isang taong hindi pwedeng ipakilala sa lahat, pero hawak ang buong mundo ng Journal Academy.
Siya ang dahilan kung bakit ganito kalala ang buong eskwelahan. Lahat ng galaw, lahat ng takot, lahat ng kaguluhan umiikot sa kanya. Siya ang rason kung bakit may mga tulad ni Zach na parang hawak ang remote ng buong campus na kayang takutin, apihin, at yurakan kahit sino, at walang sinuman ang pumapalag.
Pero kahit gaano pa s'ya ka-powerful, kahit hindi ko pa s'ya kilala... isa lang ang sigurado ako. Hindi n'ya ako kayang kontrolin gaya ng ginagawa n'ya sa iba at hindi ako magiging laruan dito.
Tahimik ulit si Kurt, tapos huminga nang malalim. "Sa Journal Academy," he began, "may limang grupo na tinatawag na gangster groups."
"Gangsters group?" kunot-noo kong tanong. "As in literal na mga siga?"
Chloe answered this time. "Oo. Yung typical na bully. Sila ang tinuturing na top students dito pero hindi dahil sa grades. Ibang klaseng top."
"Sa lakas, sa skills, sa influence," dagdag ni Kevin. "Sila ang may power. Kapag gusto nilang may palayasin sa classroom, kaya nila. Gusto nila ng gulo? Wala kang magagawa. Samantalang tayong mga ordinary students? Tawag sa atin, simple students. O worse… laruan ng gangsters group."
Laruan? Kaya pala walang kumibo nang pagtawanan ako sa hallway. Kaya walang teacher ang sumita nung binuhusan ako ng basura kasi para sa kanila, normal lang ‘yon. Isa lang ako sa mga biktima ng twisted na tradition nila.
Tumango ako kahit ang dami nang sumisigaw sa loob ko. "Sino sino 'yang mga grupo?" tanong ko, forcing myself to stay calm kahit gusto ko nang pasabugin ang buong sistema rito.
Naunang nagsalita si Kevin. "Rank 5 Group. Sila ang tinatawag na The Fifth Lovers. Grupo ng mga babae. Sina Abby, Tina, Maja, Aika, at Candice. Pa sweet, puro paganda, at pa trending. Marunong silang lumaban pero masyado silang focused sa looks kaya natatalo sila palagi dahil image over skill ang motto ng grupo nila."
Tumikhim si Kurt, halatang may gusto ring idagdag. "Pero hindi porket paganda at pabebe, e wala silang gamit. Actually, malakas ang social media reach ng grupo nila. Lahat ng trending posts sa campus, kadalasan sila ang may pakana."
"Influencers in a fight club," napabulong ako, half amused, half annoyed.
"Exactly," sagot ni Kevin. "Kapag gusto mong i-frame ang isang narrative sa paningin ng student body, sila ang pupuntahan mo. Hindi dahil totoo kundi dahil mabilis silang magpakalat ng kwento."
Kurt nodded. "Ang masama lang, 'pag naging kaaway mo sila, expect mo na na bukas, canceled ka na. Maski 'di mo kasalanan, kaya nilang i-twist lahat."
"So ang weapon nila... perception," bulong ko.
"Right," sagot ni Kevin. "At kahit medyo mababa sila sa ranking, wag mong mamaliitin. Lalo na si Abby."
"Anong meron kay Abby?" tanong ko agad.
Nagkatinginan ulit sina Kurt at Kevin na parang may silent agreement kung dapat ba nilang sabihin o hindi. "Si Abby," simula ni Kurt, "anak ng isang old gang leader sa school na 'to."
Napataas ang kilay ko. "Talaga?"
Kevin smirked. "Oo. At kahit mukhang s'ya ang pinaka sweet sa grupo, s'ya rin ang pinaka manipulative sakanila. Hindi s'ya laging frontliner, pero once na gumalaw s'ya, parang puppet master. Tahimik pero nakakalasong tahimik."
"Mahilig mag-uto ng tao. Hindi n'ya kailangang sumigaw para sundin s'ya," dagdag ni Kurt. "And minsan, ang mga kalaban ng grupo nila, nauubos hindi sa laban kundi sa mental breakdown."
Napapikit ako saglit, pinipigilan ang biglang kirot sa ulo. "Ang susunod. Rank 4, right?"
"Next, Rank 4. The Hell," sabi ni Kurt. "Apat sila—Sam, Caz, Peter, at Law. Puro lalaki. Gwapings, pero tamad makipagbasagan ng mukha. Nakikipaglaban lang 'pag trip nila o 'pag may nambastos. Kung wala, tahimik lang. Para silang ticking time bomb."
"Si Sam yung leader. Tahimik pero intimidating. Si Caz, sarcastic at laging may banat. Si Peter naman masyadong misteryoso, kulang na lang background music. Tapos si Law, half-Japanese, long hair, laging may earphones. Kapag tinanggal n'ya 'yon, may masama nang mangyayari."
"Solid ang loyalty nila sa isa't isa," dagdag ni Kurt. "Parang frat na hindi official. Kahit walang label, alam mong 'wag mong gagalawin."
Then Chloe added, "Rank 3: The Run Devil. Tatlo lang sila. Kilmer, Jeron, at Yohan. Halos same vibe ng The Hell, pero mas aggressive. Kung yung isa tahimik pero nakakatakot, itong tatlo, loud, reckless, at literal na naghahanap ng gulo."
"Walang pake kung may dahilan o wala," dagdag ni Kurt. "Pag trip nila, gagawa sila ng gulo. Para silang timebomb na sinadyang hindi i-defuse."
"Si Kilmer yung pinakamatanda," sabi ni Chloe, "lagi lang tahimik, pero may aura na parang may pinagdadaanan araw-araw. Si Jeron, yung pilyo, laging may angas, may yosi, at 'pag nagsalita, parang inaasar ang buong mundo. Tapos si Yohan..." Sandali s'yang napaisip. "Si Yohan yung tipong tatawa habang may basag na ilong sa harap n'ya. No mercy."
"Unpredictable. Dangerous. And proud of it," sabi ni Kevin. "Kaya kahit tatlo lang sila, takot sa kanila kahit buong grupo. Kasi 'pag sumugod ang The Run Devil, hindi mo alam kung lalaban ka o tatakbo ka na lang."
"Okay... so Rank 2?" tanong ko ulit, this time mas curious na kaysa inis.
Kevin's voice dropped, parang biglang nag-iba ang atmosphere. "The Four Girls. Patricia, Kylie, Pink, at Purple. Sila yung nakaaway mo sa park."
Napasinghap ako. Sila pala ‘yon. "Sila rin ang nambully kay Chloe noon," dagdag ni Kevin, mas mabigat na ang boses. "Ayaw nila sa mga nerd. Ayaw nila sa mga tahimik. Basta 'pag feeling nila hindi ka worth it, gagawan ka nila ng kwento. Para silang modern-day mean girls... pero mas malala."
I clenched my fists, pilit kinokontrol ang init ng ulo. "Kaya pala may galit sa 'kin yung mga 'yon..."
"Si Patricia ang leader. Inampon ng isang politician, kaya feeling untouchable. Malumanay kung magsalita, pero lason kapag kinagat mo. Si Kylie, yung taga-hype. Parang number one fan ni Patricia dahil laging nasa likod n'ya, ready sumalo ng kasalanan. Si Pink, yung tactless. Wala s'yang pake kahit nakakasakit na s'ya. Tapos si Purple, ung techy. Mabait sa umpisa pero kapag trinaydor mo? Hackera levels. Kaya nilang gawing impyerno ang buhay ng kahit sino... and they've done it."
Tahimik lang ako. Lalo lang bumigat ang loob ko habang isa-isa silang pinapakilala.
"Ginagamit nila yung status nila para manakot," dagdag ni Kevin. "Kahit maraming ayaw sa kanila, walang gustong kumalaban. Kasi once na i-target ka nila, good luck. They'll isolate you, ruin your name, and walk away like they did nothing wrong."
Napalunok ako, bigla kong naalala yung mga tingin nila sa 'kin noong araw sa park. Yung mga ngiting may bahid ng pananakot. Yung gigil sa mga mata nila kahit ang kalmado ng katawan. Now it makes sense. Mukhang hindi sila sanay na matalo ng isang babae na hindi naman nila kilala.
"They like control," bulong ni Chloe, halos hindi ko narinig. "At 'pag hindi mo sila binigyan ng power... sisirain ka nila."
"Sino naman ang number one?" bulong ko.
Tahimik sila sandali. Parang may biglang dumaan na malamig na hangin sa gitna namin.
"The most dangerous group in Journal Academy," sagot ni Kurt. "The G-Partler."
Chloe nodded. "Sila ang rank 1. Sila ang hari ng lahat ng grupo. Hindi pa sila natatalo kahit kailan."
"Marunong sila ng martial arts, street fighting, at kahit anong klase ng laban. Walang makalapit sa kanila nang hindi nangangatog," sabi ni Kevin. "May apat din silang miyembro, sina Zach, Clark, Paul, at Vince."
Zach. Of course. Kasama s'ya sa pinaka mataas na grupo. Halata naman sa aura n'ya.
"G-Partler ang may gawa ng tradition na tinatawag na G-Partler’s Punishment," dagdag pa ni Chloe. "It's their way of welcoming transferees. Sa second day ng new student sa school, kagaya mo, pinaglalaruan nila. Tinatarget. Tinetest. Kung susuko ka o lalaban ka."
"Walang estudyante ang nakakatakas sa punishment. Lahat dumadaan doon. Lahat din binabasag, emotionally, mentally minsan physically." sabi ni Kurt.
Kaya pala walang nakialam. Kaya pala kahit teacher, deadma lang. Because it's part of the system and part of their power.
Napatingin ako sa lupa. Tahimik lang. Pero sa loob ko, nagngangalit na ang lahat ng emosyon. Sobrang ironic. Kung kailan gusto ko nang magbago, kung kailan gusto ko nang maghanap ng normal ng buhay. Doon pa ako napunta sa school na mas malala pa sa pinasukan kong dating mundo.
"Gusto ko silang kalabanin."
Biglang natahimik ang paligid. Halatang nagulat ang tatlo sa sinabi ko. Para bang binuhusan ko sila ng malamig na tubig sa init ng araw.
"Ikaw? Kakalabanin mo silang lahat?!" halos mapasigaw si Kurt, habang nakatingin sa 'kin na parang bigla akong nag-transform sa isang action star.
Tumango ako, buong tapang. "Iisa-isahin ko sila. Lahat ng grupo. Hanggang sa ako na ang nasa unang pwesto. Para maging patas na rin ang eskwelahan na 'to. At mabago ko ang bulok na rules nila."
Huminga ako ng malalim. "Gusto ko maging ordinaryong eskwelahan lang ang Journal Academy. Gusto ko idamay ang eskwelahan na 'to sa pagbabago ko."
Tahimik pa rin sila. Parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko. But I meant every word.
"Paano mo naman gagawin 'yun?" tanong ni Chloe, nag-aalalang nakakunot ang noo.
Simple lang ang sagot ko. "Gusto kong tulungan n'yo ako."
"Ano?!" sabay-sabay nilang sigaw.
Nagsitinginan na ang ibang estudyante sa paligid kaya agad akong nag-death glare sa kanilang tatlo. Seriously? Sa timing pa talaga?
"Bakit isasama mo kami?!" bulong ni Kurt, pilit pinapababa ang boses pero halatang panic na.
"Kayo lang ang tanging paraan ko para magtagumpay. Wala akong ibang kakampi rito kundi kayo." Nag-lean ako palapit sa kanila. "Kaya, please. Pumayag na kayo. Pangako... kahit ano pang gusto n'yo, gagawin ko. Anything."
Napatingin silang tatlo sa isa't isa, parang nag-uusap gamit lang ang tingin. Then Kurt raised a brow. "Talaga? Lahat?"
Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Damn it. "Oo. As in, lahat."
Ngumisi s'ya. "Gusto ko lang naman... maging bestfriend ka.
Napatingin ako sa kanya. Hala, ang dali naman palang kausap? Napangiti ako kahit papano. Hindi ko ine-expect 'yon. "Deal."
"Pero," dagdag n'ya, "may callsign tayo."
Napakunot noo ako. Wait, what?
"Ano?!" inis kong tanong.
"Mallows," sagot n'ya habang natatawa.
Mallows?! Muntik ko nang masuka. Anong klaseng matamis na kahihiyan 'to? First time ko magkaroon ng kaibigan, tapos may callsign pa? And not just any callsign— MALLOWS? T*na, ang landi pakinggan! Like, what the actual—?!
Pinandilatan ko s'ya habang kinukuyom ang panga ko para hindi matawa o sumigaw.
"Payag ka ba?" tanong n'ya ulit, this time may halong pang-aasar sa tono n'ya.
Nag-roll eyes ako, sabay tango. "Oo na!"
"Ano ulit?" may bahid ng pagbabanta sa boses n'ya.
Hays. Kakakilala ko palang sakanya alam ko na kaagad ang ibig sabihin ng mga tingin n'yang 'yan! Nakakairita! Nakakainis! Panigurado akong gusto n'tang marinig na tawagin ko s'ya sa cringey callsign naming dalawa!
Napairap ako ulit bago napabuntong hininga.
"Oo na, Mallows."
At halos lumiwanag ang buong mukha n'ya.
"Yes! Okay! Payag na ako sa gusto mo, Mallows!" sabay turo sa sarili n'ya.
OMG. What did I get myself into?
Napalingon ako kina Chloe at Kevin, binigyan ko sila ng warning look na may kasamang, kung-hindi-kayo-pumayag-pagsisihan-n'yo-to-look.
"Wala naman kaming magagawa kundi pumayag," sabay sagot nila, sabay kindat ni Kevin. "Niligtas mo kami kahapon, remember?"
Napangiti ako sa wakas. At that moment, alam kong hindi na ako mag-isa. "Thanks," sabi ko.
"By the way, may naisip na akong pangalan ng grupo natin."
"Ano?" sabay-sabay nilang tanong.
"Star Gazers."
Pagkatapos naming pag-usapan ang plano, agad kaming tumuloy sa isang bakanteng kwarto sa likod ng academy. Ang practice room ng mga gangsters group. Dito raw sila nag-eensayo kaya naisip naming dito na rin simulan ang training namin.
Tutulungan ko raw sina Kevin at Chloe para masanay sa laban, lalo na't bukas na namin haharapin ang isa sa pinaka delikadong grupo kaya kailangan ready na kami bago pa man dumating ang banggaan.
Si Kurt? Grabe. Magaling pala s'ya sa martial arts. Parang may sariling fight choreography bawat galaw. Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip, bakit kaya hindi s'ya kasali sa gangsters group?
"Kung ganyan ka pala kagaling, bakit hindi ka sumali sa kanila dati pa lang?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan n'ya ang pawis sa leeg n'ya.
Tumingin s'ya sa 'kin, seryoso ang mga mata. "Ayokong makamit ang taas habang may nasa ibaba. Hindi ko kayang tapakan ang iba para lang maging malakas sa paningin ng iba."
Napangiti ako. Grabe. Same energy kami. I knew it, hindi ako nagkamaling isama s'ya sa grupo kong bubuuin. "Kaya n'yo pa ba?" tanong namin ni Kurt sabay lingon sa dalawa naming kasama na halos lumapat na sa sahig ang mga katawan.
"Pwede bang breaktime muna?!" hingal na hingal si Kevin habang nakahawak sa tuhod n'ya.
"Hindi pwede." Mabilis na sagot ni Kurt. "Bukas na ang laban. Kailangan n'yo matuto ngayon. Walang breaktime!"
At ayun na. Bigla n'yang sinugod si Kevin, mabuti nalang dahil nakaiwas kaagad ito sa ilang sipa, pero obvious, nahihirapan na s'ya.
May mga pagkakataon pa ngang literal na tumatalsik s'ya dahil sa sunod-sunod na pagsugod ni Kurt. Good thing matibay s'ya.
Napalingon ako kay Chloe. Okay, it's time to test her.
Lumapit ako sa kanya, bigla ko s'yang hinablot sa braso at pinilipit 'yon palikod na ikinasigaw n'ya. Hinila ko s'ya palapit, saka bumulong sa tenga n'ya. "Chloe... kailangan mong maging malakas. Ngayon palang bawasan mo na ang pagiging mahina. Isipin mo nalang, paano kung wala ng tutulong sayo? Wala ako? Wala sila Kevin at Kurt? Hahayaan mo nalang ba harapin ang kamatayan mo laban sa mga gangster na 'yon?"
Mabilis ko s'yang itinulak gamit ang paa ko. Buti nalang, napanatili n'ya ang balanse n'ya at agad s'yang humarap sa 'kin. "HINDI! AYOKO NA MAGING MAHINA!" sigaw n'ya.
Tumakbo s'ya kaagad palapit sa 'kin. Mabilis ang biglaang paggalaw n'ya kaysa kanina. Napansin ko, mas kampante na s'ya sa paggamit ng katana. Halatang determined s'ya.
Tila ba bawat hampas n'ya, may pinanggagalingan na tapang at galit. Kahit ako, nagugulat sa mga atake n'ya pero sinabayan ko s'ya. Kung gaano s'ya kabilis, dinodoble ko pa.
Nahawakan ko ang kanang paa n'ya habang sumusugod s'ya. Akala ko 'yun na pero tinaas n'ya ang kaliwa para sipain ako. Good thing, nahawakan ko rin 'yun bago pa tumama sa 'kin kaya nawalan s'ya ng balanse at bumagsak sa sahig.
Agad akong lumuhod sa harap n'ya. "Ang galing mo," bulong ko. "Napahanga mo ako sa bawat galaw mo pero kailangan mo pa ng mas maraming practice para mas lalo kang gumaling."
Inalok ko ang kamay ko sakanya para alalayan s'yang tumayo. Tinanggap n'ya 'yon kaagad at natuwa sa sinabi ko. Napatingin ako kina Kurt at Kevin, napansin ko ang mga mata nila, halos hindi kumukurap habang nakatingin sa amin.
Mukhang hindi lang ako humanga kay Chloe. Mukhang unti-unti na naming nabubuo ang team na lalaban sa sistema ng Journal Academy.
"Mag-break muna tayo saglit," sabi ko habang hinihingal.
Tumango lang sina Chloe at Kevin na obvious na pagod na rin. Tumayo ako para kunin ang tumbler sa bag ko, pero napahinto ako nang biglang may nag abot sa 'kin ng bote ng tubig.
Si Kurt. Hawak n'ya ang dalawang boteng tubig, at inabot n'ya sa 'kin ang isa.
"Meron ak—" hindi ko na natuloy dahil pinutol n'ya ako kaagad.
"Mallows naman," sabay nguso n'ya sa bote. "Ito na. Sayang naman yung bili ko kung di mo tatanggapin."
Napailing na lang ako, pero kinuha ko rin ang bote. "Thanks," sabay inom.
"Ang galing mo kanina, ah," biglang sabi n'ya.
Napatigil ako sa pag-inom, tinakpan ang bote. "Thanks. Natutunan ko lang 'yon kay Daddy."
"Parehas pala tayo," sagot n'ya.
"So, hanggang ngayon tinuturuan ka pa n'ya?"
Bigla s'yang natahimik. Uminom na lang ako ulit habang hinihintay ang sagot n'ya. Nang lingunin ko s'ya, ngumiti lang s'ya ng tipid. "Wala na s'ya."
Napalingon ako sa kanya. "S-Sorry..."
Tumawa s'ya bigla. "Hindi pa s'ya patay. Buhay pa 'yun. Panigurado. Ayoko lang s'yangbmakita ulit."
Babalik na sana s'ya sa pwesto n'ya, pero hinawakan ko ang braso n'ya kaya napalingon ulit s'ya. "Bakit? Bakit parang ang laki ng galit mo sakanya? May problema ba kayong dalawa?"
Ngumiti s'ya ng kaunti at ginulo ang buhok ko. "Wag mo na alamin pa. Hindi naman 'yon importante." sagot n'ya bago tuluyang umupo sa isang sulok.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero bigla na lang akong naupo sa tabi n'ya. "I was six years old nung tinuruan ako ni Daddy ng martial arts," panimula ko. "Sabi n'ya, hindi raw lahat ng bagay nakukuha agad. Lalo na yung mga mahirap matutunan, kailangan mo raw talaga paghirapan. Katulad ng laban. Hindi mo basta matututunan ang isang disiplina kung hindi ka dedicated."
Tumingin ako sa sahig, pinapaikot-ikot ang bote ng tubig. "Mas close ako kay Daddy kaysa kay Mommy. Mahilig kasi kami pareho sa action movies. Si Mommy? Fashion, girly stuff, mga gown at heels. Pero okay rin kami, kasi mahilig din naman ako sa mga princess dati."
Napatawa s'ya. Di ko na s'ya binantaan kahit gusto ko na. "And I was thirteen when they died," tuloy ko, this time mas mababa ang boses ko. "Grabe yung iyak ko no'n. Tanong ako nang tanong kay Lolo kung bakit pero ang sabi lang n'ya lang, 'bata ka pa, hindi mo pa 'yon maiintindihan.' Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin naman alam ang totoo. Hindi man lang sinabi ng pamilya ko kung ano talaga ang nangyayari. Parang ako lang talaga yung hindi nakakaalam."
Huminga ako nang malalim. Ang sakit pa rin kase hanggang ngayon. "Kaya habang may pagkakataon ka pa, habang may chance pa, huwag mong sayangin," sabi ko, nakatingin sa kanya. "Lalo na kung may pag-asa pa na makasama mo s'ya. Hindi tulad sa 'kin... wala na talaga."
Nagtagal ang katahimikan bago ko s'ya tinapik sa balikat. Tumayo ako at pumunta sa gitna ng kwarto. "Enough the break! Let's start again!" sigaw ko sa dalawa. Tumango lang sina Chloe at Kevin, at agad na lumapit.
Lumingon ako kay Kurt bago magsimula. Nakita ko s'yang nakatingin pa rin sa 'kin. Nang magtama ang mga mata namin, ngumiti s'ya.
Nginitian ko lang din s'ya pabalik. Pagkatapos no'n, nagsimula na muli kami sa pagpractice. Kailangan namin bilisan dahil malapit nang dumilim. Malapit nang magsara ang mga kwarto at hindi kami pwedeng mahuli rito at matunugan ng mga gangsters group.