Chapter 3

4523 Words
Bharbie's point of view. Papunta na kami ni Chloe sa cafeteria nang mapansin ko agad ang mga tingin ng mga estudyanteng nakasalubong namin. Sabay-sabay silang nakakunot ang noo, tipong parang may naamoy silang hindi kanais-nais. Yung eksaktong expression ng mga tao kapag dumadaan sila sa lugar kung saan may patay na daga sa ilalim ng tirik na araw. Literal na para akong multo na biglang sumulpot sa hallway, o worse, walking red flag na bawal lapitan. Napakunot din ako ng noo. Wait lang… ako ba talaga ang problema rito? May dumi ba ako sa mukha? Hindi ba maamoy ang pabango ko? May natuyong ketchup ba sa pisngi ko na hindi ko napansin? O baka naman may dala akong malas na bigla na lang nagbabadya ng apocalypse sa paligid? Tumingin ako kay Chloe. Fresh as always. Relax lang na naglalakad sa tabi ko, parang hindi ramdam yung mga mata at iling na sumusunod sa bawat hakbang namin. S'ya pa yung tipong may aura na untouchable, samantalang ako, parang walking target practice. At mas nakakaasar, mukhang hindi man lang n'ya napansin ang tensyon. Pero bago pa ako makapag-finalize ng conclusion sa mini investigation ko, isang solid na katawan ang biglang bumangga sa 'kin. Ramdam ko yung bigat. Napaupo ako sa sahig na parang tinulak ng bagyong may pangalan. "Aray naman!" reklamo ko, hawak ang siko kong diretso ang bagsak sa sahig. Hindi pa ako nakabawi ng balanse nang may isa pang kamay ang biglang tumulak. This time, sapat ang puwersa para madulas ako pabalik. Ramdam ko agad ang hapdi sa balat—may gaspang ng sahig na kumiskis sa siko ko at sigurado akong may punit na naman ang balat. Mainit. Masakit. Pero ang mas matindi, pride ko ang unang nadurog. Parang sinampal sa harap ng buong campus. Napalunok ako ng inis. Tangina naman oh! Tiningala ko kaagad, handang murahin kung sinong baliw ang ganito ka-disrespectful. Pero paglingon ko sa taong 'yon, nanlaki ang mga mata ko. WHUTDAHEK?!?! Sila. Sila nanaman. Yung apat na babaeng naka away ko kahapon sa park. Kumpleto ang squad, nakapila parang may rehearsal, at sa itsura pa lang nila, halatang may misyon silang tatapusin. Ang mga mata nila, puno ng galit na parang hindi pa sila nakuntento sa nangyari kahapon. Mabilis akong tumayo, pinilit na hindi mag mukhang nagulat. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan ngayon. Kung kailangan kong umatras, umiwas, o kung wala na talagang choice kundi sumuntok, bahala na. "Dito ka pala nag-aaral?" ani ng isa, mababa ang boses pero ramdam ang pangungutya. Hello?! Nakasuot ako ng ID. Hindi ba obvious na dito rin talaga ako nag-aaral gaya nila?! "Transferee ka, noh?" dagdag pa ng isa, mayabang ang tono, parang sinasadya n'yang iparinig sa mga estudyanteng nanonood. Hindi ko na sinagot. Hindi worth it ang laway ko sa ganitong tao. Kung sa tingin nila makakakuha sila ng reaksyon, edi good luck sa kanila. "Bakit hindi ka sumasagot?" sigaw nung isa, tumataas na ang tono. Halatang gusto nilang mag-init ang ulo ko, gusto nilang sumabog ako para may dahilan silang gawing palabas 'to. Napalingon ako sa gilid, hinahanap sina Chloe at Kevin. Of course, wala na sila. Ni anino wala na rito at malamang tumuloy na kaagad sa cafeteria. Wow. Ang solid ng support nila, ha? Ang galing. Clap, clap. NAKAKAINIS!! Pabalik na sana ako sa paglalakad nang biglang may humila ng buhok ko mula sa likod. "Sh*t! Aray!" sigaw ko. Sabunot level 999999. Parang may tumuklap na buong hibla sa anit ko. Ang sakit, ang hapdi, at ang bigat ng paghila. Nanikip ang dibdib ko sa galit, dumidilim na rin yung paningin ko, hindi lang dahil sa sakit, kundi dahil sa init na pilit kong nilulunok. Calm down, Bharbie. Bawal. Bawal kang pumatol. Bawal dahil nangako ako kay Kuya Steve at kay Grandpa. Last chance na 'to. Isa pang incident, tanggal na ako sa campus na 'to, pati na rin sa sosyalin na dorm. Doon matatapos lahat ng plano kong tahimik na buhay. Pero kung ganito ba naman araw-araw? Ewan ko na lang kung kaya ko pang magtimpi. Lumapit pa ang isa sa kanila. Malamig ang kamay na humawak sa baba ko at pilit itinulak pataas ang mukha ko, para mapatingin ako diretso sa mata n'ya. "Matapang ka lang pala sa umpisa." Napangisi ako kahit ramdam ko pa ang hapdi sa anit ko. Gusto ko sanang sabihing, "Try me, bitch." Pero pinigilan ko pa rin ang dila ko. Isang maling salita, tapos nanaman ang lahat. "Girls, it's payback time." Sa isang iglap, ramdam ko na. Hindi ito simpleng pambabara. They came here ready. Sabay-sabay akong hinila sa buhok, walang pakundangan, parang wala akong karapatang umangal. Kinakaladkad nila ako sa hallway na parang wala lang, habang yung ibang estudyante nanonood lang. Walang pumigil. May iba pang nakaangat ang phone, todo record. Syempre, pang-campus tea. Masaya silang may bagong palabas. "Masarap ba, ha?!" sigaw ng isa habang hawak pa rin ang anit ko. Hindi nagtagal, nasa damuhan na kami. Dorm grounds, tapos tuloy-tuloy sa baseball field. Perfect spot kung gusto nilang gawin punching bag ang tao para malayo sa mga teacher at guard, walang makikialam. At doon ko nakita, may dala silang bat. Hindi biro. Hindi metaphorical. As in literal na wooden baseball bat. Hindi sila nag-aksaya ng oras. Isang palo sa binti. Sunod-sunod. Parang gusto nilang sirain yung buto ko. Sumisigaw na ako sa sakit pero walang nakikinig. Parang background noise lang ako sa sarili kong eksena. Dalawa pa ang humawak sa mga braso ko. Yung dalawa, pinagsisipa ako. Hindi na ako makagalaw. Hindi na ako makahinga. Hanggang sa biglang kumirot nang malala ang sikmura ko at sumuka ako ng dugo. Doon lang sila tumigil, para bang satisfied na sila. Binitawan nila ako at parang walang nangyari, iniwan akong nakaluhod sa damo. Nanginginig ang buong katawan ko. Mabigat ang hininga, mahapdi ang bawat galaw pero hindi ako lumuha. Hindi ko sila pagbibigyan ng gano'ng kasiyahan. Hindi nila ako dapat makikitang umiiyak sa harap nila. HINDI. "Ano, kaya mo pa?" "Mukhang baldado na. Bakit hindi pa natin tuluyan?" At doon, pumikit ako. Hindi dahil sumusuko ako. Pumikit ako dahil kailangan kong pigilan yung halimaw sa loob ko. Dahil kapag lumaban ako ngayon, baka hindi lang sila ang masaktan. Baka ako rin at baka mas marami pa kaya sa bawat palo ng bat, tinitiis ko nalang ang sakit. Hanggang sa may kamay na biglang sumalo sa galaw ng bat. Malamig ang hawak, matatag, mahigpit. Hindi basta-basta. Sa isang iglap, narinig ko ang tunog ng kahoy na tumigil sa ere. Tinapik n'ya ang bat pabalik at hinila ito mula sa kamay ng babae. Narinig ko ang boses ng isa, "Ano ka ba?! Umalis ka nga d'yan!" Pero hindi s'ya umalis. Hindi man ako makakita nang maayos dahil malabo na ang paningin ko, ramdam ko ang presensya n'ya. Alam ko ang energy na 'yon—malamig pero protektado, parang may bigat na kayang magpatigil sa kahit sinong sumubok lumapit. Sa paligid, narinig ko ang pagbagsak ng katahimikan sa mga nanonood. Yung dati'y tawanan at bulungan, napalitan ng maliliit na hingal at buntong-hininga. May biglang pagbabago sa hangin, tipong lahat naghintay kung ano ang susunod na mangyayari. Unti-unting nagdilim ang paligid. At kasabay no'n, nawala na ako sa ulirat. "Sana talaga ayos lang s'ya..." "Kalma ka lang, Chloe. Wala tayong magagawa kundi maghintay. Basta huwag muna tayong magsalita tungkol sa... alam n'yo na." Mga boses. Pabulong, mahina, pero sapat para sumingit sa pagitan ng dilim at pagod na bumabalot sa 'kin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata, at agad na tumama ang liwanag sa paningin ko, sobrang liwanag na parang tinutusok ang loob ng bungo ko. Kasunod noon, dumaluyong ang sakit; ulo, balat, kalamnan, pati mga buto. Wala akong mahanap na parte ng katawan na buo pa ngayon dahil parang lahat sila ay nalamog dahil sa nangyari. Puting kisame. Sterile na ilaw. Malamig na hangin mula sa aircon. Tahimik. Sobrang tahimik na ang tanging tunog ay yung mahina pero consistent na beep mula sa medical monitor sa gilid. Clinic. Dahan-dahan akong tumingin sa kaliwa. Nakayuko si Chloe habang hawak-hawak n'ya ang kamay ko kahit na tulog pa ako kanina. Si Kevin naman, pasulyap-sulyap sa phone pero halata sa postura n'ya na hindi s'ya mapakali. At doon... nakasandal sa pader, parang bantay na walang iniinda. Si Mr. Panyo Guy. "Ms. Safari, okay ka lang?" tanong n'ya, boses na kalmado, halos walang emosyon. Hindi s'ya nag-aalala kagaya ng dalawa. Parang hindi pisikal na kondisyon ko ang iniisip n'ya, kundi kung paano ako gagalaw pagkatapos na para bang sinusukat n'ya ako at binabasa kung saan ako bibigay. Unti-unti akong umupo kahit humihiyaw ang katawan ko sa sakit. "Bharbie, okay ka lang ba?" tanong ni Kevin. "Kaya ko sarili ko. Wala 'to," sagot ko sabay subo ng sariling kasinungalingan. Pero sa loob-loob ko, parang may bumara sa lalamunan ko. Isang galit. Hindi ko s'ya mailabas kaya ramdam ko ang bigat sa dibdib ko na kasing bigat na hindi makita ng mata. "Kung hindi ko sila pinigilan..." biglang nagsalita si Mr. Panyo Guy, diretsong tumingin sa 'kin. "...baka bangkay ka na ngayon." Nanlaki ang mata ko. Mabilis akong lumingon sa kanya, tinapunan s'ya ng matalim na tingin. "Ikaw talaga 'yon?" tanong ko, mababa ang boses pero matalim. Tumango s'ya. Yung tingin n'ya, parang gusto n'yang ipaintindi na totoo ang lahat. "Be careful, Ms. Safari. Hindi mo sila kilala." Napangisi ako, sabay iling. "Eh ikaw? Kilala mo sila?" Tahimik lang s'ya pero yung titig n'ya parang may gustong sabihin na mga bagay na ikinukubli ng buong campus na 'to. "Hindi mo pa alam kung anong klaseng gulo ang pinasok mo," bulong n'ya. "This school... it's not what you think it is." Napatawa ako. "Kung gusto nila ng gulo, eh 'di gulo ang ibibigay ko." "No," sagot n'ya, mas matalim ngayon. "You don’t get it." Yumuko s'ya ng kaunti, halos nakatutok ang tingin sa 'kin. "Some students here go missing and never come back because of them." Nanlamig ang hangin sa paligid. Si Chloe, napatigil sa paghawak ng kamay ko. Si Kevin, hindi na rin gumalaw. Para bang lahat sila ay naghihintay ng reaksyon ko. Hindi ko alam kung nananakot ba s'ya o kung tunay yung concern. Pero ramdam ko yung bigat ng tono n'ya ay hindi para takutin ako, kundi para pigilan at ipaalala na may linya na kapag tinawid ko, baka hindi na ako makabalik. Pero... sorry, hindi ako pinalaki para umatras. "Sa tingin mo matatakot mo ako sa kwento ng mga nawawala?" Napangiti ako, kahit may dugo pa sa labi. "Isang sapak ko nga lang, tulog na agad sila. Sa tingin mo, ako pa ang magiging kawawa sa dulo?" "Tama!" biglang sabat ni Kevin, proud na proud pa. "Hindi mo lang alam kung anong nangyari kahapon. Kung nando'n ka lang, mamamangha ka talaga kay Bharbie." Bago pa ako makatanggi o makapag-react, inilabas n'ya ang phone n'ya at lumapit kay Mr. Panyo Guy. "May ipapanood ako sayo, pare." Napakunot noo ako. Ano 'to, film screening? Tahimik akong nakamasid habang magkatabi silang nakatitig sa screen. Si Kevin, halatang aliw na aliw, parang proud na proud sa ipinapakita. Samantalang si Mr. Panyo Guy na kanina ay parang walang pakialam ay unti-unting nagbabago ang ekspresyon. Hindi s'ya makapaniwala. Yung malamig na tingin n'ya kanina, ngayon parang curious. Nababali. Parang... impressed? Ilang minuto lang, tinago na ni Kevin ang phone. "Seryoso?" tanong ni Mr. Panyo Guy, diretso ang titig sa 'kin. "Nagawa mo 'yon sa The Four Girls?" May halong disbelief sa tono n'ya, pero hindi maikakaila ang respeto. Kanina, ang dating n'ya parang gusto n'ya lang akong balaan. Ngayon, parang s'ya pa ang nagtataka kung paano ko nagawa. Nanlamig ang batok ko. T-teka... ano ba yung pinanood nila?! Bakit parang hindi pangkaraniwang eksena lang? Dapat pala nakisilip ako kanina! Napakunot noo ako kay Kevin. "Ano bang ipinakita mo rito?" Ngumiti lang si Kevin, parang may tinatago. Hindi manlang sumagot sa tanong ko kaya mas lalo akong nainis. Bigla, inabot ng lalaki ang kamay n'ya sa 'kin. "Kurt Carreon." Saglit akong nagdalawang-isip pero sa huli tinanggap ko rin. "Bharbie Anne Safari." Saglit s'yang napatingin nang mas malalim, tapos bigla s'yang nagsalita, "Pero bakit kanina, hindi ka lumaban sa The Four Girls kahit mukhang kay—" Hindi na n'ya natapos. Mabilis kong tinakpan ang bibig n'ya. "Shhhh." Ayokong lumabas sa bibig n'ya yung totoo. Hindi dito. Hindi ngayon. Sakto naman, bumukas ang pinto ng clinic. Pumasok yung apat na lalaking nang-aasar sa 'kin kanina, sabay sigaw ni Juice Thrower. "Hey, Miss Transferee!" Ngiting-aso. Mayabang. "Bakit ang dami mong galos sa mukha?" dagdag ni Zach, na parang concern kuno pero halata namang puro pang-aasar. "None of your business," mataray kong sagot. Tahimik akong bumaling kay Chloe, na halos hindi gumagalaw mula kanina. Kinuha ko ang headphones mula sa kanya, walang pasabi. Isinuot ko sa tenga ko at pinindot ang play. Music on. Enemies off. Pero kahit nagpatuloy ang tugtog, hindi nawala ang panginginig ng kamay ko. Hindi dahil natatakot ako kundi dahil sa sobrang galit na halos hindi ko na makontrol. Zach's point of view. "Bro, samahan n'yo na kasi ako sa clinic. Papagamot ko lang 'tong sugat ko," reklamo ni Clark, hawak-hawak ang braso n'ya na may gasgas na mas maliit pa sa kagat ng langgam pero kung makaarte s'ya, parang tinamaan ng bala. "Kaya mo namang gamutin 'yan mag-isa. Kasing liit nga lang n'yan ang pakaw," sagot ni Paul, halatang wala ring pasensya sa drama. "Wag na kayong mag-inarte. Sumama na lang kase kayo!" pangungulit ni Clark habang nakasunod sa aming tatlo. Hindi talaga marunong makiramdam. Umiling nalang ako. Kilala ko na 'tong si Clark. Kapag sinabi n'yang gusto n'ya ang isang bagay, gagawa't gagawa s'ya ng paraan para lang makuha 'yon. And right now, hindi sugat ang pakay n'ya. Obvious. He just wants to see her. Nurse Clara. Lagi namang gano'n. Puro babae nalang lagi nasa utak mula nang iwan s'ya ng ex-girlfriend n'ya dahil nahuli s'ya nito na may kahalikan sa isang m'yembro ng ibang gang. We walked out of the classroom. Same hallway, same tiled floors, same students. Ganito naman palagi sa Journal Academy. Lahat sila, kapag nakikita kaming naglalakad, automatic napapalingon pero hindi para ngumiti o makipagbatian. Sandali lang din naman ang mga tingin nila, kasunod no'n ay mabilis na pag-iwas, parang biglang nakakita ng multo. Yung iba, biglang tatayo mula sa bench at lilipat ng upuan; yung iba, tatakbo ng parang may emergency kahit wala naman. Takot. 'Yon ang laging nasa mata nila. Sanay na ako. This is how things work here. Respect disguised as fear. Fear disguised as respect. Pare-pareho lang. "Bro, ano bang ginagawa ng mga kupal na 'yon?" bulong ni Vince, naka-smirk habang pinapansin 'tong isang grupo ng mga underclassmen na halos magkandahulog ang gamit para lang makaiwas sa landas namin. Tumawa si Clark. "Mga duwag talaga kaya ang sarap paglaruan 'e." I didn't bother reacting. Bakit pa? Same scene, different day. Walang bago. At kung meron man, madalas problema lang ang dala. Papasok palang kami sa clinic, may mga bulungan na kaming naririnig sa loob kaya napakunot-noo ako sa narinig ko. Huminto ang mga paa ko. Vince and Clark too. The door was slightly open, just enough para pumasok ang boses ng lalaki sa loob. Carreon. Kurt Carreon. "Kurt Carreon." "Bharbie Anne Safari." "Pero bakit kanina, hindi ka lumaban sa The Four Girls kahit mukhang kay—" The Four Girls? Bakit sila ang pinag-uusapan? At bakit kasama rito si Carreon? May nangyari bang hindi maganda? Vince looked at me. "Narinig mo 'yon?" Hindi ako sumagot. Hindi na kailangan. Pero ang katawan ko, kusa nang gumalaw. Automatic. Para bang may humila sa 'kin papasok sa loob. Pagbungad namin, unang tumama sa paningin ko yung si Chloe, nerd na palaging target ng grupo nila Patricia. Nakatayo s'ya sa sulok, halos nakayuko, parang gusto na lang maglaho. Katabi n'ya si Kevin, restless, nakabantay pero halatang hindi mapakali. Nandun din si Carreon. Nasa tabi ng kama, bahagyang nakayuko, at may ngiti sa kanyang labi. Hindi ko maalala kung kailan huling ngumiti ng gano'n ang lalaking 'yon. Weird. Suspicious. Bukod sa kanila, napansin ko rin ang babaeng nakahiga ngayon sa kama. Yung maliit n'yang mukha ay punong-puno ng benda. May hiwa sa kilay, galos sa pisngi, gasgas sa leeg at braso. I found myself frowning without meaning to. What the hell happened to her? First day pa lang n'ya, and she already ended up here. Patricia and her girls... hindi kaya— tsk! Ayoko talaga sa lahat yung pinapangunahan ako. "Hey, Miss Transferee!" rinig kong bati ni Clark. Trying too hard to sound cool. Cringe. "Bakit ang dami mong sugat?" tanong ko, hindi dahil concern pero dahil gusto kong malaman kung tama ba ang nasa isip ko. "None of your business," sagot n'ya. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin. I raised a brow, slightly. Bold move. Usually, kapag ako ang nagtanong, people answer. Hindi ako sanay na binabalewala. "Wow. May tapang pala 'to," bulong ni Vince sa gilid ko, sinabayan pa ng pilyong ngisi. Clark chuckled. "Baka naman trip lang n'ya magpabugbog, bro." Hindi ko pinansin ang dalawa. My eyes still on her. Bharbie Anne Safari. Kung sino man s'ya, hindi ordinaryong transferee lang 'to. The way she spoke, the way she didn't flinch, may kakaiba. Kahit sugatan, hindi pa rin s'ya mukhang talunan. Interesting. We were about to leave when something tugged at the back of my mind. The way she carried herself. That face. That expression. Saan ko ba s'ya nakita? Hindi ko masabi pero tuwing natitigan ko s'ya, may kung anong familiarity na hindi ko maipaliwanag. May kamukha s'ya. Hindi ko lang talaga ma-pinpoint kung sino. Ka-batchmate ba dati? Kaklase ng kakilala ko? Barkada ng ex? Hindi ko alam. Pero isang bagay ang sigurado ako, hindi lang s'ya basta ordinaryong estudyante. May bigat ang presensya n'ya. Kahit sugatan, kahit nakahiga, parang may bagyong nakasilid sa loob ng katahimikan n'ya. Sa dulo ng clinic, sumugod agad si Clark kay Nurse Clara. As expected. Hindi sugat ang habol, kundi si Clara. I didn’t bother paying attention sa kalandian n'ya. Clark was Clark. "Clara," tawag ko sa nurse. "Ano'ng nangyari sa kanya?" sabay turo kay Bharbie. Napatingin si Clara sa 'kin. "The Four Girls. Kinuyog s'ya sa baseball field kaninang umaga gamit ang baseball bat," Tahimik lang ako. Ramdam kong may gumapang na lamig sa batok ko. Slowly, clenched my jaw. "The Four Girls?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot. I just needed to hear it. She nodded. "Yes. Sila Patricia." Patricia. Of course. Sino pa nga ba? Kilala ko sila. Malakas ang loob, makapangyarihan, pero hindi sila basta-basta gagalaw kung walang dahilan. At higit sa lahat, may isa silang hindi pwedeng labagin, at ayun ang rules namin dito sa J.A. First day rule. No one touches the transferee. Kahit sino. Kahit ano pang dahilan. Pero ginawa nila 'yon nang hindi ko man lang alam. Paul looked at me. "Patricia's group. Baka may dahilan kaya nangyari 'yan." Hindi ko na s'ya sinagot. I didn't need reasons. I needed control. Mabilis akong lumabas ng clinic, hindi alintana kung sinusundan ba ako ng tatlo o hindi. Ang bigat ng bawat hakbang ko habang binabagtas ko ang hallway. Lahat ng estudyante napapatingin, agad umiiwas ng tingin, nagtatago. They knew. This wasn't me just walking. This was me hunting. Pagdating ko sa labas ng gym, rinig ko na ang malakas na tawa nila Patricia. The Four Girls. Kumakain ng chips, parang walang ginawa, parang hindi sila nang-bugbog ng transferee kanina. I didn't waste time. Tinulak ko nang malakas ang pintuan ng teritoryo nila, kasabay ng biglang pagtahimik ng paligid. Nakita ko silang apat na nakaupo, relaxed, pero kita ko sa mga mata nila na alam nilang may mali silang ginawa ngayong araw. "Zach?" ngumiti si Patricia. "What brings yo—" "Cut the crap." cold kong sabi. "Sinong nag-utos sa inyo na galawin ang transferee sa unang araw n'ya?" Tahimik. Walang sumagot. I took one step forward, hands shoved in my pockets, eyes locked on Patricia. "You know the rules. First day rule. Hindi ginagalaw ang mga transferee. Unless gusto n'yo akong gawin kaaway." Natahimik ang buong lugar. Walang naglakas-loob magsalita. Lahat sila umiiwas ng tingin sa 'kin at tanging si Patricia lang ang nakakatingin ng may tapang. Patricia swallowed, forcing a smile. "We were just... testing her." Testing? My jaw tightened. I leaned slightly, eyes narrowing. "Listen carefully. Kung gusto mo ng laro, okay lang. Hindi ko pipigilan pero wag n'yo susubukan ulitin 'to dahil kung gagalawin n'yo ulit s'ya bago pa man lumipas ang unang araw. Hindi na s'ya ang pahihirapan ko bukas kundi kayo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Tumalikod na ako at akmang aalis na sana pero nagsalita ito ulit. "Alam mong galing ako sa ospital kahapon, 'di ba?" ulit n'ya, this time mas malakas, nanginginig ang boses. "Bakit hindi ka man lang pumunta para tanungin kung anong nangyari sa 'kin? Wala ka na ba talagang pakialam, ha?!" Huminga ako nang malalim, pinipigilan ang sarili ko na lumingon. Hindi ko gusto ang drama. Lalo na galing sa kanya. But for some reason, Patricia always had a way of digging into old wounds. "Patricia..." I finally turned, eyes cold, voice flat. "Don't start." Kagat n'ya ang labi n'ya, kita kong nangingilid ang luha pero ayaw bumigay. "Don't start? Ikaw ang nagsimula rito! Nagawa mo pang ipagtanggol ang transferee na 'yon! Talaga bang wala ka ng pakialam sa nararamdaman ko?!" Kinuha ko ang sigarilyo sa bulsa, nilaro sa mga daliri ko pero hindi ko sinindihan. Tumitig lang ako ng diretso sa kanya, hindi nagpapakita ng emosyon. "What happened between us... is over." sagot ko. "Ikaw pa nga ang umalis. Ikaw pa ang nang-iwan. So don't you dare make it look like it was my fault. Iniwan mo 'ko sa gitna ng gulo at ngayon may gana ka pang magtanong kung bakit hindi ako nagpunta sa ospital?" Huminga ako nang malalim, umiwas ng tingin. "You lost the right to ask me the moment you walked away. Stop expecting anything from me, Patricia. Sundin mo at ng grupo n'yo ang kung anong inuutos ko dahil kung hindi, gagawin ko talaga ang sinabi ko sayo na kayo ang paglalaruan ko at hindi ang transferee na 'yon." Pagkasabi ko no'n, agad akong tumalikod at naglakad palayo. Ramdam kong nakatingin pa rin s'ya sa 'kin, pero hindi na ako lumingon kahit sa loob-loob ko, may kirot pa rin hanggang ngayon. Patricia wasn't just anyone. She was the only one I ever let that close... and she's also the reason why I built these walls. Pero ayoko ng balikan ang nakaraan. Hindi na. Kaya habang lumalayo ako, ang imaheng bumabalik sa isip ko ay hindi ang luha ni Patricia, kundi ang sugatang mukha ng transferee. Bharbie Anne Safari. Bharbie's point of view. Madaling araw pa lang, pero gising na ako. Hindi dahil sa alarm. Hindi dahil sa bangungot. Nagising ako dahil may narinig akong kaluskos sa labas ng kwarto ko. Mabigat pa ang katawan ko, pero pinilit kong bumangon. Paika-ika akong lumapit sa cabinet, napangiwi ako sa biglaang sakit ng kaliwang paa ko. Hindi pa rin kase fully healed ang paa ko. At salamat sa Four Witches of Hell a.k.a. the girl na lumulunok ng gluta and her gang. Pero sino naman kaya ang papasok ng ganitong oras sa dorm ko? Wag mong sabihing pati magnanakaw allowed sa Journal Academy at kapag nag-report ako, sasabihin lang ng principal, "Normal lang 'yan, part of the school life." Grabe. Ang sakit na nila sa ulo. Kinuha ko na muna ang bakal na itinago ko sa gilid ng cabinet. For self-defense. Just in case. Maya-maya, may narinig akong bulong mula sa labas ng pinto. "Bro, huwag ka ngang maingay. Baka magising pa si Bharbie dahil sayo." Napahinto ako. Pamilyar yung boses. "Ano ba, wag kang magulo dyan!" may sumagot pa, may inis sa tono. Lumapit ako sa pinto. Marahan kong binuksan 'yon, sapat lang para makalabas ako at makapagtago sa likod ng poste malapit sa gilid. Sumilip ako. Sa dilim, mahirap makilala pero ramdam kong may mga tao sa kusina. Unti-unti kong nilapit ang sarili ko sa anino, pinipilit makilala ang mga boses. "Ano ba kasing ginagawa natin dito? Ano bang gusto mong makita?" "Gusto ko lang malaman kung sino ba talaga si Bharbie Anne Safari," sagot ng isa. Really? "Ha? Tingin mo ba spy s'ya?" dagdag ng isa. Spy? Ako? Seriously? At that point, napuno na ako. In-on ko bigla ang ilaw ng buong dorm. "ANONG GINAGAWA N’YONG APAT DITO?!" sigaw ko sa kanila. Parang mga batang nahuli ng teacher sa cutting classes. Lahat sila napatigil, napatitig sa 'kin na parang ako pa ang may kasalanan. "Hi, Ms. Weak! Ang ganda pala ng dorm mo!" walang emosyon na bati ng isa, yung lalaking nagtapon ng juice sa 'kin kahapon. Umirap ako. "Wag n'yo ngang ibahin ang usapan. Anong ginagawa n'yo rito sa dorm ko?!" "T-Teka nga… sino ka ba para sigawan kami, ha?!" singit nung isa, yung laging nakangisi na parang may tama. Pilit akong ngumiti sa kanila. "Sino rin ba kayo para pasukin ang dorm ko?" balik ko, sabay hawak sa sentido ko. "Hindi naman namin ginustong pumasok. Kahit hindi mo kami paalisin, lalabas at lalabas pa rin kami," sabat nung tahimik nilang tropa. Yun ang pinaka-weird sa kanila. Hindi maingay, hindi rin nakangiti. Pero yung presensya n'ya, mas nakakatakot kaysa sa lahat ng pinagsamang yabang ng tropa n'ya. Lumapit s'ya hanggang sa harapan ko. "Buksan mo na ang pinto para makalabas kami." Nagtaas ako ng kilay. "Excuse me?" "Just do it." flat, walang emosyon. Napairap ako pero binuksan ko rin ang pinto. Padabog pa. "Kung gusto n'yo akong i-stalk, gumamit kayo ng internet. Search my socials. Scroll n'yo hanggang 2015 kung gusto n'yo. Pero wag kayong basta-basta pumasok dito na parang pagmamay-ari n'yo ang dorm ko. Hindi naman kayo welcome rito." Isa-isa na silang lumabas pero si Zach, hindi pa rin gumagalaw at iniikot ang tingin sa dorm ko. Mukhang napansin n'ya na nakatingin ako kaya naglakad ito palapit. Huminto lang s'ya pagdating n'ya sa harap ko, bahagyang ngumisi. At sa malamig na tono, binitawan n'ya ang mga salitang tumigil sa paghinga ko. "May punishment ka bukas. Be ready." Napaatras ako ng kaunti. Ano raw?! "Anong punishment pinagsasasabi mo? Hindi ba dapat kayo ang bigyan ng punishment dahil kayo ang pumasok dito sa dorm ko nang walang paalam?!" Ngumiti lang s'ya na parang nang-aasar pa lalo. "Hindi ordinaryong school ang pinasukan mo kaya normal lang ang punishment. Especially sa second day." Tinapik n'ya ang balikat ko. "If I were you, hindi na ako lalabas ng dorm bukas." At bago pa ako makapagsalita, naglakad na s'ya palabas. Iniwan akong nakatayo, nanlalaki ang mata, habang kumukulo ang dugo. Anong punishment?! Bakit ako?! Napaupo ako sa kama habang nakatitig sa pinto. Ilang sandali pa'y napahawak ako sa buhok ko. Hindi ba't sila ang may kasalanan? Pero bakit ako magkakaroon ng punishment? Anong klaseng school ba talaga 'to? At higit sa lahat, sino ba talaga ang mga lalaking 'yon? Bakit parang masyado silang interesado sa kung sino ako at humantong pa sa punto na pinasok nila ang dorm ko ng walang paalam? Nakakainis! Ano ba talagang problema ng mga estudyante rito sa Journal Academy?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD