Bharbie's point of view.
Matapos ang usapan namin kagabi, wala na rin nagawa si Kuya at si Grandpa. Ayun, in-enroll din nila ako sa Journal Academy. Pagkasabi nila sa 'kin, agad kong inempake lahat ng gamit na kakailanganin ko.
Hindi na rin ako nagpahatid sa kanila. Una, busy si Kuya. Si Grandpa naman mas busy pa mag video at sumayaw sa living room namin kesa ihatid ako rito. Isa pa, kaya ko naman mag drive kaya ako nalang ang bumyahe mag-isa.
Medyo mahaba rin ang biyahe. Ilang oras din kasi ang byahe ko at akala ko nagbibiro lang si Grandpa nang sabihin n'yang parang jungle ang daan papunta rito. Pero habang tumatagal, mas lalong nagiging obvious na hindi basta ordinaryong campus ang pupuntahan ko.
Wala kang makikitang mall, subdivision, o kahit convenience store man lang sa paligid. Puro puno, puro makakapal na dahon at halos puro anino ng matatayog na kahoy ang bumabalot sa daan na para kang dinadala sa isang lugar na hindi dapat makita ng kahit sino.
At doon ko lang na realize, literal na nasa dulo ng gubat nakatayo ang eskwelahan. As in, parang sinadyang ihiwalay, i-sikreto at itago mula sa mundo. Kung hindi ko pa nakita sa harapan ko baka isipin kong prank lang ang lahat ng ito.
Pagkaparada ng kotse, bumaba ako kaagad at marahan kong hinila palabas ang maleta ko.
Napatigil ako sandali bago maglakad, hindi dahil mabigat ang gamit kundi dahil hindi pa rin nagsi-sink in sa 'kin na ito na pala 'yon.
Tiningnan ko ang paligid. Whoa.
Ang laki ng campus, ibang level talaga. Hindi lang basta malaki kundi tipong pang-fantasy school drama vibes na halos parang imposible s'yang makita sa totoong buhay.
Alam mo yung sa mga glossy brochure na laging mukhang sosyal at edited? Well, in real life, mas higit pa pala ro'n. Super elite ang dating, bawat building parang palasyo, bawat pathway puno ng halaman na parang inayos pa isa-isa ng mga professional landscaper.
Wala pa ako sa kalagitnaan ng campus pero feeling ko naliligaw na ako lalo pa't hindi ako sanay sa ganitong lugar. Ang daming pasikot sikot, parang bawat corridor may sariling secret.
Mabuti nalang may guard na nagturo sa 'kin ng daan kaya dumiretso na ako sa principal's office, 'yon ang unang stop ko.
Kailangan ko kase muna makuha ang lahat ng dapat kong malaman bago ako pumasok sa first day of class katulad ng section ko, room number, at s'yempre ang susi ng dorm ko dahil doon magsisimula ang bagong chapter ng buhay ko sa campus na 'to.
Knock knock.
"Come in," malamig pero matatag ang boses mula sa loob.
Binuksan ko ang pinto at agad akong sinalubong ng malamig pero maaliwalas na hangin mula sa AC. Ang bango pa, parang lavender at bagong linis na opisina.
Nasa harapan ko na ngayon ang principal, isang babaeng naka-black blazer, sleek ang buhok at may aura na tipong one wrong move, malalagot ka. Hindi s'ya nakakatakot tingnan pero ramdam mong hindi s'ya pwedeng lokohin.
"Bharbie Anne Safari?" tanong n'ya, habang nakatingin sa papel sa desk.
Tumango ako. "Yup. That's me."
"Welcome to Journal Academy. Halika, ihahatid na kita sa magiging dorm mo." Tumayo ako at sumunod.
Pagdating namin sa isang building, napahinto ako.
What the f-ck!
Pang five-star hotel ang itsura ng building. May chandelier sa lobby, glass walls, at carpet na parang nilalakad lang ng mga artista. Tapos yung tiles? Pang-mall talaga. Makinis, glossy, at tipong kahit magpaikot ako ng maleta ng sampung beses, hindi mababakbak. Kung hindi ko alam na dormitory 'to, baka nagtanong pa ako kung may available na suite for two.
"Dito ka titira habang nag-aaral ka rito," sabi ng principal.
Napalingon ako sa paligid. May ilang students din sa loob pero mukha silang sanay na. Ako lang yata ang starstruck at mukhang turista.
Sumakay kami ng elevator, at pinindot n'ya ang 4th floor. "May roommate po ba ako?" casual kong tanong habang nakatitig sa numbers ng elevator.
"Wala. Lahat ng nag-aaral dito, solo ang room."
Solo room? May AC, sariling CR, mini sala, at flat screen TV?! Baka next time may personal assistant na rin ako?
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o matakot. This place feels too good to be true. Pero isang bagay ang sigurado ako, kahit gaano kaganda ang panlabas ng isang lugar, may tinatago 'yang kwento. At ramdam ko, wala pa ako sa kalahati ng chapter na 'yon.
Habang abala si Principal sa pakikipag-usap sa babaeng nasa counter, tahimik lang akong nakatayo sa gilid pero sa loob-loob ko, gusto ko nang kunan ng video ang bawat sulok, i-zoom pa sa chandelier at tiles para ipamukha sa iba na yes, this is my school life now.
"Ms. Safari." Napalingon ako sa Principal. "Her name is Katie. Isa s'ya sa mga student assistants dito, and she'll be the one to guide you to your dorm," mahinahong sabi n'ya.
"Ah, ganon po ba. Hi, Ate Katie!" bati ko sabay bigay ng best polite smile ko for the first time.
Pero bago pa s'ya makasagot, bigla s'yang yumuko nang bahagya sa 'kin, hindi yung casual bow lang kundi tipong formal at respectful na parang iginagalang ako. For a second, napakunot ang noo ko.
Wait... bakit parang ang OA naman?
Napansin ko ang Principal, nakatitig lang sandali, saka bahagyang ngumiti, parang may alam s'ya na ako lang ang hindi nakakaintindi.
Bakit ba ang weird nila?
"Ms. Safari. I hope you'll enjoy your stay here in Journal Academy. I'll leave you here," At bago s'ya tuluyang tumalikod, nagulat ako nang bigla rin s'yang yumuko sa 'kin, parehong respectful at deliberate gaya ng ginawa ni Katie.
Nanlaki ang mga mata ko. Hala, ano 'to? Uso ba talaga rito ang yumuyuko sa new student?!
Pagkaalis ng principal, naiwan nalang ako nakatayo sa gilid kasama si Ate Katie. Tahimik n'ya akong sinenyasan na sumunod pero bago pa ako makagalaw para kunin ang maleta ko, may dalawang lalaki in all-black uniform ang lumitaw na parang may sariling teleportation device.
Sabay nilang kinuha ang maleta ko, walang salita, walang tanong. Ang solid ng presence nila. Hindi sila mukhang simpleng guards lang, more like professional bodyguards ng president's daughter. Malinis ang galaw, diretso, halos robotic ang kilos.
"Uhm... thanks?" nasabi ko na lang habang nanlalaki ang mga mata.
Ano 'to, VIP treatment? Or baka hindi school ang pinasok ko kundi secret facility ng mga agent na pinapadala sa undercover missions?
Next thing I know, baka turuan na akong mag-disassemble ng baril sa loob ng 10 seconds pero ang mas nakakagulat dahil parang normal lang 'to kay Ate Katie dahil wala manlang s'yang kahit anong reaksyon.
Ni hindi man lang n'ya sinulyapan yung mga guards na parang ninakaw yung gamit ko.
Dire-diretso lang s'yang naglakad papasok sa loob ng elevator, walang sinayang na segundo, parang may specific routine na araw-araw n'yang ginagawa.
Sumunod na lang ako at bago pa ako makapag-react, naramdaman ko na agad ang malamig na simoy ng hangin sa loob ng elevator.
Pinindot ni Ate Katie ang 30th floor. Yes. Thirty.
Napatitig ako sa number button na nagli-light up habang unti-unting nagsasara ang pinto.
Hindi ako sigurado kung dapat ba akong ma-excite sa thought na titira ako sa isa sa pinakamataas na palapag ng building o mahilo na agad sa ideya pa lang na ang layo ng tatahakin ng elevator na 'to.
Tahimik lang kami habang paakyat. Ramdam ko yung soft hum ng makina, yung slight pressure sa tenga habang pataas nang pataas ang numbers. Puro ding ang maririnig, sunod-sunod at habang tumataas kami, pakiramdam ko parang iniiwan ko na ang dating mundo ko.
Pagbukas ng elevator, agad kong naamoy ang faint na halimuyak ng mamahaling air freshener. Malinis ang corridor, sobrang kinis ng tiles, at yung ilaw sa ceiling, parang hotel vibes na may halong futuristic touch.
Tahimik ang paligid pero hindi yung simpleng katahimikan na parang walang tao. Iba 'to. Ito yung klase ng katahimikan na may bigat, na may laman, na parang bawat hakbang ko ay sinusukat, binibilang, at tinatandaan ng kung sinu-sinong naglalakad sa hallway.
"Who the hell is this girl, and what the hell is she doing here?" 'yon ang sigaw ng mga mata nila habang nakatitig sa 'kin.
Pero hindi naman na bago sa 'kin 'yan. Ilang eskwelahan na ba ang nilipatan ko? Ilang beses na ba akong hinarap ng mga tingin na parang kriminal ako sa unang araw pa lang?
Hindi ko na mabilang kaya kung may crown sa pagiging Deadma Queen, matagal ko na sigurong suot at hall of famer na ako sa paglalakad kahit binabato ng death stares at judgmental whispers.
Maya-maya, huminto kami sa harap ng isang pinto. Room 503. Pinindot ni Ate Katie ang code sa digital lock. Isang beep at kusa itong bumukas na parang high-tech vault sa mga spy movie at kulang na lang ang laser beams at voice recognition.
Pagpasok namin, muntik ko nang ibagsak ang panga ko. This— THIS is supposed to be a dorm? Ang laki. Ang linis. Ang ganda.
May sariling mini kitchen, study nook, at isang kwarto na mas malaki pa kaysa sa buong bahay ng kapitbahay naming chismosa. May sala na may flat screen TV, carpet na halatang imported, at lighting na parang set-up ng isang sikat na vlogger. Kung ito ang tinatawag nilang dorm, aba, paano pa kaya ang actual suites?
"Here's your keycard," abot ni Ate Katie, sabay turo sa panel ng pinto. "Kung gusto mong palitan ang code, pindutin mo lang yung red button, tapos i-enter ang bagong code mo. Kapag okay ka na, pindutin mo lang ulit."
"Got it. Thanks, Ate Katie." walang ka-effort effort, parang sanay na ako sa high-tech na ganyan kahit first time ko palang humawak ng dorm na mas sosyal pa sa hotel.
Naglabas pa s'ya ng envelope at isang ID. "Ito nga pala pinapabigay rin ng principal. Important papers, class schedule, school map, dorm rules... the usual."
Kinuha ko kaagad. Mukha ngang importanteng dokumento. Yung tipong kapag nadumihan ng ketchup, pwede ka nang i-expel.
Pagkaalis nila, hindi na ako nagpatumpik tumpik. Diretso sa lock panel, pinalitan ko agad ang code. Hindi ako yung tipong nagtitiwala sa default system kaya kung may magtangkang pumasok dito nang walang permiso ko, good luck nalang sa kanila. Birthday ko nalang ang inilagay ko para kapag may times na nahihilo o lasing man ako, hindi ko pa rin makakalimutan.
Bumalik ako sa kwarto at sinimulan nang ayusin ang mga gamit. Nilagay ko ang clothes sa cabinet, ang essentials sa mini shelves, at syempre ang laptop sa study desk.
Habang nag-aayos, hindi ko mapigilang huminga nang malalim. This is it. New school. New dorm. New life. At kahit maraming nakatitig na parang gusto akong ipalibing nang buhay kanina wala akong balak magpaapekto.
This school may look like a five-star haven pero alam ko hindi lang ganda ang meron dito.
Kung may natutunan ako sa mga nakaraang taon, it's that perfection always comes with a price. Hindi ako madaling mabola ng magagarang chandelier, makikinis na sahig o dorm na mas sosyal pa sa condo units.
Ang ganitong klaseng lugar? Sigurado akong may mga sikreto 'yan. May mga kwentong hindi ikinukwento. Mga bagay na tinatago sa likod ng mamahaling kurtina at mamahaling carpet.
Umupo ako sa sofa, envelope sa kamay, habang nagre-reflect pa rin sa lahat ng nangyari ngayong araw. Ang bigat ng pakiramdam, para bang lahat ng nangyari mula kanina mula sa principal hanggang sa mga death stares ng students ay may nakatagong meaning.
Kinuha ko ang mga papel mula sa loob at sinimulang basahin, hoping na kahit papaano, mabawasan ang pagka-weird ng buong experience ko rito.
Good day, Miss Safari!
Welcome to Journal Academy.
Our approach to discipline emphasizes self-discipline and responsible conduct to contribute to the overall well-being of everyone in the academy. Every student has the right to expect a conducive teaching and learning environment.
Journal Academy students are expected to follow the rules and regulations. The rules are made to be followed, not to be broken.
School Rules and Regulations:
1. There is no uniform requirement; you may wear anything you want.
2. Public displays of affection (PDAs) are allowed on campus.
3. Relationships are permitted as long as you are not part of any gangsters group.
4. The school is not responsible for any injuries or issues resulting from gang fights.
5. Bullying and gang fights are strictly prohibited inside the classrooms.
6. Gang fights are allowed outside the classrooms but must not disrupt other classes.
7. Student IDs will display only your first name and the academy's logo.
8. All students must have permission if they want to leave the campus.
9. You may return to your dormitory once your classes are dismissed.
10. Pets are not allowed on campus.
"Seriously?!" Napataas ang kilay ko habang tinititigan ang papel.
Akala ko pa naman elite academy na mahigpit at sobrang daming rule ang school na 'to pero bakit ganito? I mean, hello?! PDAs are allowed?
As in, literal legal ang mag make-out sa hallway? Okay lang na makipag relationship pero bawal kapag gangster ka?
Ang mas nakakaloka rito ay yung rule na; gang fights are allowed outside the classrooms but must not disrupt other classes.
Ano 'yon? Parang sinasabi na wag mang-istorbo sa math class pero allowed kayo magbasagan ng mukha sa labas.
Napahilig ako sa sofa, hawak ang papel habang pinipigilan ang tawa. Anong klaseng institution 'to?
Pero habang pinagmamasdan ko ang rules, mas lalo kong na-feel ang goosebumps. Hindi biro ang academy na 'to. Hindi nila tinatago na may dalawang mundo rito; ang official na academic world at ang underground na gangster territory.
And guess what, malinaw na sinabi ng rules na wala silang pakialam kung magkagulo basta hindi maka istorbo sa klase.
Damn. That's not just weird, that's dangerous.
Pero imbes na kabahan, mas lalo akong na-excite. Kung ganito ang rules, ibig sabihin hindi simpleng paaralan ang pinasok ko. This isn't just a school, it's an arena. At sa isang arena, kailangan mong maging handa sa lahat.
Tinupi ko ang papel, isiniksik sa bag, at tumayo para magbihis. Hindi required ang uniform kaya pinili ko ang classic combo. Black high waisted pants, tube top, and loose cardigan. Tinali ko ang buhok ko sa ponytail, sinabit ang earphones sa leeg, at ngumanga ng bubble gum, last piece kaya dapat memorable.
Humarap ako sa salamin. Straight face. This is it. Fresh start. New school. New chaos. Good luck, Bharbie Anne Safari.
Paglabas ko ng dorm, sinimulan kong i-lock ang pinto. Tahimik lang sa hallway, pero sa gilid ng mata ko, may gumalaw. Isang lalaki ang lumabas mula sa kaharap kong dorm. Backpack lang ang dala pero kahit simpleng ayos, halata agad na hindi s'ya basta-basta.
Matangkad s'ya, lean built, hindi bulky pero halatang sanay sa physical stuff. Sharp ang features n'ya; matangos ang ilong, defined ang jawline, at may mga matang parang nang-uusig at nang-aakit at the same time.
Yung tingin na pwedeng magpa-back off ng kahit sino pero pwedeng rin magpa-fall nang walang second thoughts.
May pagka-boy next door ang hitsura. May kasamang yabang sa bawat galaw, yung tipong alam n'yang delikado s'ya at wala s'yang balak itago 'yon. Hindi s'ya yung tipong campus crush na may clean reputation. S'ya yung guy na 'pag nakasalubong mo sa madilim na alley, hindi mo alam kung tutulungan ka o aawayin.
Pagka-lock ko ng pinto, tumalikod s'ya. Sakto naman at sabay kaming naglakad papunta sa elevator. Pero bago pa ako makalapit, bigla s'yang lumiko at literal na hinarangan ako kaya ngayon ay nasa harap ko na s'ya. Tinitigan n'ya ako diretso sa mata, yung tingin na hindi lang nakikita ang mukha mo kundi sinusuri pati ang kaluluwa mo.
"Transferee ka ba?" tanong n'ya, malamig ang boses.
Tumango lang ako. Hindi ko alam kung bakit nawalan ako ng lakas ng loob na sumagot, literal akong napatigil sa presence n'ya. Parang biglang naging silent stage kami sa gitna ng hallway, at lahat ng ibang bagay; mga estudyante, mga pinto, kahit ang elevator na kakabukas lang ay naglaho sa paligid.
"Ihanda mo ang sarili mo sa mga posibleng mangyari rito." Tumigil s'ya sandali, matalim ang tingin. "Mukha kang inosente. Hindi lahat dito ganon."
Parang warning 'yon pero hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o ma-curious. Akala ko tapos na 'yong moment naming dalawa pero bago s'ya tuluyang pumasok sa elevator at habang papasara ito nagsalita s'ya.
"I'm Zach Yael Lee. You can call me Zy."
Nang tuluyang magsara ang elevator doors, naiwan ako sa hallway, nakatunganga, hawak ang ID ko. Naka-fix pa rin sa direksyon ng elevator ang tingin ko. Kahit umalis na ang lalaki, ramdam ko pa rin ang bigat ng aura n'ya sa paligid. Mabilis ang t***k ng puso ko, hindi dahil natakot ako, kundi dahil sa curiosity na iniwan n'ya.
Zach Yael Lee. Zy. Ang lakas ng dating ng pangalan, parang automatic na may bigat kapag binanggit.
Huminga ako nang malalim at inayos ang bag sa balikat ko. Hindi ko ugaling ma-intimidate pero hindi rin ako tanga para hindi pansinin na iba s'ya.
Hindi lahat ng tao may ganoong klaseng aura, yung tipong kahit ilang segundo mo lang na-encounter, mag-iiwan na agad ng marka.
Napailing na lang ako at dali-daling pumasok sa elevator. Habang bumababa ang floor, mas lalo akong kinakabahan. First day feels plus yung weird na encounter ko kanina. Para bang may sinimulan nang bagyo sa utak ko na hindi ko alam kung kailan titigil.
Pagkababa ko, nagmadali akong naglakad dala ang bag ko. Ang laki talaga ng school. Ang daming pasilyo at bawat sulok parang may sariling kwento. Buti na lang, may nadaanan akong babae na mukhang approachable; laging nakangiti, maayos ang uniform at hawak ang folder na parang official staff dito.
"Hi, Miss," bati ko agad, diretso ang tono ko kahit medyo hingal pa. "Pwede po ba akong magtanong? Saan po ba yung room ng Section 4B?"
Saglit s'yang tumingin sa 'kin tapos ngumiti. "Dumeretso ka lang sa hall na 'to. Kapag nakalampas ka na ng tatlong classroom, kumanan ka. Doon mo makikita ang malaking gate, 'yon ang entry papunta sa area ng mga fourth year. Sa second floor, pangalawang classroom, Section 4B na 'yon."
"Got it. Thanks," sagot ko, sabay ngiti nang bahagya.
Sunod-sunod ang instructions sa isip ko habang nilalampasan ang tatlong classroom, lumiko sa kanan at doon ko nakita ang isang malaking gate.
At first glance, mukha lang s'yang normal na gate pero habang papalapit ako, may kung anong off sa paligid. Yung hangin parang lumamig nang kaunti. Tahimik din bigla ang hallway, tipong kahit may mga estudyanteng dumadaan sa malayo, parang hindi sila gumagawa ng ingay rito.
Mas lalo kong napansin na iba ang pagkakagawa ng gate na 'yon, mas makapal kaysa ordinaryong pinto. Makintab na parang luma pero alagang-alaga at may mga ukit na hindi ko ma-figure out kung simbolo ba o sulat ng ibang panahon.
Sa paligid, gumagapang ang mga halaman na sobrang matingkad na berde at may maroon na bulaklak na parang dugo ang kulay. Ang weird lang kasi hindi sila bagay sa maayos na landscape ng campus.
Huminga ako nang malalim bago tuluyang pumasok sa loob ng Section 4B. Agad kong naramdaman ang pagbabago ng atmosphere, parang lahat ng ingay kanina mula rito sa classroom, napalitan ng kakaibang tahimik na tensyon habang isa-isa silang napatingin sa 'kin.
Sa bawat hakbang ko, ramdam ko talaga yung bigat ng mga mata nila na para bang sinusukat ako mula ulo hanggang paa.
Hindi ko nalang pinansin. Diretso lang ang tingin ko hanggang mahanap ko ang bakanteng spot sa bandang kanan, pangalawang upuan mula sa harap.
Umupo ako doon na parang wala akong naririnig, inabot ang strap ng bag ko, at saka ko lang napansin na may nakaupo sa kaliwang upuan sa tabi ko kaso tulala na para bang may iniisip na malalim.
"Sino nanaman ba 'yan?" rinig kong sabi ng babae, halatang judgmental pa ang tono.
"Bago lang ba 'yan rito?" sagot ng isa, parang nag-a-update ng latest tsismis.
"New students na naman ang mapagtitripan ng Gangsters group, lalo na ng G-Partler," bulong ng isa pa, this time mas energetic.
"Hanep! Ang sexy n'ya, bro!" pasigaw ng isang lalaki sa dulo, may kasamang hagikgik pa.
Napailing ako sa mga bulungan. Ilang beses na akong lumipat ng school kaya ilang beses ko na rin narinig ang mga ganito. Minsan mas malala pa nga kaya hindi na ako masyadong tinatablan pero nang magawi ang tingin ko sa kanila, biglang natahimik ang lahat.
Lahat sila bumalik bigla sa ginagawa nila kunwari busy, kunwari walang sinabi. Ang iba naglaro na lang ng papel na parang wala nang pakialam. May mga babaeng naglabasan ng makeup kits at nag-ayos ng lipstick, parang walang bagong tao sa paligid. Yung isa naman, masyadong busy mang-asar ng katabi n'ya.
Maya-maya, napansin ko ang dalawang estudyante sa likod ko. Sa dami ng nag-iingay, nagbabatuhan ng papel, at naglalakihan ng boses, sila lang ang tahimik. Mas lalo akong natawa sa loob-loob ko dahil parang sinasadya nilang hindi mapansin, parehong may hawak na libro na nakatakip pa mismo sa mukha nila.
"Hey," tawag ko, bahagyang nakatagilid habang nakakunot ang noo.
Nagbubulungan pa silang dalawa. Tipong, "Ikaw na, hindi, ikaw na!" bago sabay nilang ibinaba ang libro.
Nanlaki ang mga mata ko at napanganga ako nang makilala ko sila. "Kevin? Chloe?" bulong ko, gulat na gulat.
Ngumiti silang dalawa, halatang nahihiya.
"Hello po," sabi ni Chloe.
"Dito rin pala kayo nag-aaral?" Tumango sila ng sabay. Magsasalita pa sana ako kaso biglang bumukas ang pinto at may pumasok na babae na dahilan para lahat ng estudyante ay matahimik. So, professor na 'to?
"Good morning, class!" bati n'ya, pero halatang pagod na agad. "Ang kalat na naman ng room n'yo. Ilang beses ko bang sasabihin na bago ako dumating ay dapat malinis na?! Hindi ba kayo marunong sumunod sa mga rul—"
Hindi n'ya na natapos ang sasabihin n'ya dahil biglang bumukas muli ang pinto.
Napalingon kaming lahat. "Good morning, Professor Lea. Sorry, we're late!"
Apat na lalaki. Confident ang lakad at pamilyar ang isa sa kanila. Nang tinitigan ko, doon ko s'ya nakilala. Ito yung lalaking kumausap sa 'kin kanina. Si Zach Yael Lee na pwede ko raw tawaging Zy. So... kaklase ko pala s'ya?
"As always. Please be seated," sagot ni Professor Lea, halos pailing na lang.
Umupo agad silang apat at nagulat ako dahil si Zach pala ang nakaupo sa katabing upuan ko bandang kanan. Hindi kami magkadikit pero sapat na ang lapit para maramdaman ko ang presensya n'ya. Sandaling lumihis ang tingin n'ya sa 'kin. Isang mabilis na ngiti lang pero parang may gustong iparating na hindi ko maintindihan. Muli n'yang ibinalik ang mga mata n'ya sa professor nang magsalita 'to.
"Ayoko na munang manermon," dagdag ni Prof Lea. "Pasalamat kayo, may transferee tayo ngayon. So before we start the class, let's welcome our new student. Ms. Safari, please introduce yourself."
Tumayo ako, hinanda ang sarili. "Hi, I'm Bharbie Anne Safari. Nice to me—"
SPLOSH!
Bigla na lang may malamig na likido na sumalpok sa mukha ko. Juice. As in, literal na tumapon sa buong mukha ko at dumaloy pababa sa leeg ko hanggang sa basain ang damit ko. Ang lagkit. Ang lamig.
"HAHAHAHA! GOOD JOB, CLARK!"
Halos mag-echo sa buong classroom ang tawa ng mga estudyante. Ang iba, tumuturo sa 'kin, parang nanonood lang ng cheap na palabas.
Huminga ako nang malalim. Hindi ako nagsalita. Hindi ako nag-react. Tiningnan ko lang sila ng diretso, malamig, walang bakas ng luha o galit. At doon, unti-unting natahimik ang ilan sa kanila, siguro kasi hindi nila nakuha ang reaksyon na gusto nilang makita.
Sa likod ng tawanan, may isang kumilos. Yung lalaking nakaupo sa kaliwa ko. Tahimik s'yang tumayo at walang pakialam sa mga nagbubulungan. Kinuha n'ya ang puting panyo mula sa bulsa at dahan-dahang pinunasan ang mukha ko, maingat na parang ayaw n'yang masaktan ako.
"Wag kang iiyak dito," mahina pero matalim ang tono n'ya, sapat para ako lang ang makarinig. "Baka isipin nilang mahina ka."
Mali s'ya. Hindi naman ako iiyak dahil kung may dapat na umiyak dito, sila 'yon. At kung hindi ko lang pinipigilan ang sarili ko ngayon baka kanina ko pa sinapak yung gago na nagtapon sa 'kin ng juice.
"Thank you," mahina kong sabi. Ngumiti lang s'ya tapos bumalik sa upuan n'ya.
"Stop laughing, students!" galit na sigaw ni Professor Lea. "Ms. Safari, please go back to your proper seat."
Tumango lang ako at pinunasan ang mukha gamit ang panyo kahit basang basa pa rin ang damit ko. Bumalik ako sa kinauupuan ko na parang walang nangyari.
Pero sa loob ko, naglalagablab ang apoy. Hindi sila aware pero sa isip ko, isa-isa ko nang iniimagine kung paano ko sila babalikan kapag dumating ang tamang oras.
"Okay ka lang ba, Bharbie?" tanong ni Kevin, may pag-aalala sa boses n'ya.
Hindi ko s'ya sinagot. Hindi dahil galit ako sa kanya kundi dahil badtrip ako. As in, sobra. Hindi ako mahina. Hindi ako yung tipong babae na umiiyak lang kapag napahiya. Pero hindi rin ako yung tipong papatulan agad ang mga gago sa paligid lalong lalo na ngayon, may pangako akong pinanghahawakan.
"Walang gulo," sabi ni Kuya Steve
"Be good," dagdag pa ni Grandpa.
Kaya kahit gusto ko na magwala at ipukpok sa lamesa yung upuan, pinili ko pa rin na umupo, manahimik at huminga nang malalim para sundin ang ipinangako ko sa kanila at hindi na ako palipatin ulit ng school.
Tahimik lang akong nakinig sa klase hanggang sa matapos ang buong discussion. Pagpatak ng bell, nagsimula nang mag-ayos ng gamit ang lahat at kanya kanyang lakad palabas. May maingay, may tahimik at may takaw pansin. Ako naman, kinuha ko agad ang bag ko. Ready na akong umalis, nang biglang...
"Weak girl!" tawag ng isa sa apat na lalaking late kanina. "Ito yung gusto ko kapag babae ang transferee. Hindi marunong lumaban kapag pinagtitripan. Muntikan pa nga umiyak sa harap natin."
Seriously? Bwisit talaga 'tong araw na 'to! NAMUMURO NA SA 'KIN AH! Ako? Muntik umiyak? Nananaginip ba 'tong lalaking 'to kanina? Kung hindi ko lang talaga iniisip yung pangako ko kay Kuya baka sinupalpal ko na s'ya sa harap ng white board.
"Dapat nga yung cupcake ko ang ibabato ko sa kanya," dagdag pa ng isa, "Kaso naisip ko sayang lang kung mapupunta sa panget n'yang mukha kaya kinain ko na lang."
Panget? Ako?! Grabe na 'to! Hindi naman sa pagmamayabang pero tuwing nagta-transfer ako ng school palagi akong pinagkakaguluhan dahil maganda ako tapos ngayon tatawagin lang nila ako ng PANGIT? You wish, losers!
"Pwede bang tumigil na kayo?" malamig na boses. Si Zach. "Tara na. Nagugutom na ako," dagdag pa n'ya sabay lakad palayo.
Nagulat ang mga kasama n'ya pero syempre, 'di pa rin nagpahuli sa pang-aasar. "WOW! Si leader pa mismo ang pumigil sa 'tin? Grabe! Anong meron? Hindi ako makapaniwala!"
LEADER?! Ibig sabihin, s’ya pala ang leader ng grupong 'to?! WOW, ha?! Kanina, parang may concern pa s'yang sinabi sa 'kin, tipong protective vibes pa sa mga transferee na katulad ko. Ngayon, s'ya pala ang pinuno ng mga baliw na 'to? Ang bait-bait pa naman ng aura n'ya kanina... 'yun pala, two-faced.
"Bukas ko na pagtitripan 'yan," bulong ni Zach pero malinaw na malinaw sa pandinig ko. May diin. Parang sadya n'yang pinaparating na para sa 'kin talaga 'yon. "Wala pa akong gana ngayon. Gutom na ako. See you tomorrow."
At hindi pa 'yon natapos, bago s'ya tuluyang lumabas ng classroom tumingin muna s'ya sa direksyon ko. Hindi ganun katagal pero parang may gustong iparating na mensahe ang tingin n'ya na hindi na kailangang bitawan sa salita.
Then he walked away. Just like that. Cool, untouchable, parang walang pakialam. At gaya ng mga tuta sa likod ng alpha, sumunod agad ang tropa n'ya. Nakakasuka. Ang yayabang.
Napairap ako at lumapit na lang kina Kevin at Chloe. Hindi ko na sila pinakawalan ng tingin.
"Sumabay na kayo sa 'kin," sabi ko, voice steady, walang space for hesitation. "Hindi ko pa kabisado ang cafeteria. Pwede n'yo naman akong samahan, 'di ba?"
Ngumiti lang si Kevin. Si Chloe naman agad na tumango. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi sila nag dalawang isip na pumayag sa gusto ko. Pinunasan ko nalang muli ang mukha ko gamit yung panyo na basang basa pa rin dahil sa juice. Ang lagkit pero ayos lang.
At habang naglalakad kami palabas ng room napapaisip ako bigla sa nangyayari ngayon.
First day in hell? Siguro dahil hindi naman ito ang una. I've been through worse kaya kung inaakala nilang matatakot ako dahil lang sa pagtapon nila ng juice sa mukha.
Sorry but they picked the wrong girl.