bc

Aurora

book_age12+
0
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
friends to lovers
goodgirl
brave
inspirational
drama
tragedy
female lead
campus
illness
like
intro-logo
Blurb

Aurora is a fine lady who is respected by everyone. She have a beauty and brain, a family and friends who love her. Money and confidence is not even a problem to her.

Pero dahil sadyang mapaglaro ang tadhana, hindi pa rin magiging madali ang lahat sa kaniya. She'll live a life full of sadness and pain.

Aurora have an illness that she never thought she would have. Hindi nga naman perpekto ang buhay. But, will everything change because of love?

Is love that powerful to ease the pain in her life?

Or is it being faithful to those who love her is the answer to ease her pain?

What would she do if she will meet again the love of her life?

Will she be selfish to have him all her life or just give in to the future she have?

Illness, pain, time and herself are her enemies in this battle. Will she strive until the end or will her life end?

chap-preview
Free preview
UNANG KABANATA
Inggit Selos Galit Hanggang saan pa ba ang kaya nitong gawin sa isang tao? Hanggang kailan ba tayo mabibilanggo sa sarili nating emosyon? Akala ko ba ito ang dapat sandigan ng lahat ng tao para gumawa ng desisyon? Tama pa bang magpatuloy sa agos ng buhay kung alam naman natin ang kahahantungan ng lahat? Para saan pa ba ang buhay na meron tayo kung babawiin rin naman sa atin ito? Sapat pa rin ba ang pagmamahal para mabuhay ang isang tao? O higit na magdadala lang din ito ng matinding kalungkutan sa isang tao? Sa dami ng mga tanong na gumugulo sa aking isipan, hindi ko na alam kung saan pa ako humuhugot ng lakas para mabuhay. Ilang araw, linggo, buwan, o taon pa ba ang dapat kong hintayin makuha lang ang mga sagot na matagal ng gumugolo sa aking isipan? Hindi ko na kaya… Hindi ko na kayang magpatuloy pa. Siguro ay sapat na ang panahon na ginugol ko sa buong buhay ko masagot lang ang mga tanong na nadadagdagan lang naman makalipas ang nagdaang taon. “Clear!” “Clear!” “Clear!” Sunod-sunod na sigawan sa paligid ang siyang bumibingi sa aking tenga. Puno ng iyakan ang iba habang tinatawag ang aking pangalan na puno ng kalungkutan – na hindi ko na kaya pang maramdaman. “Clear!” “Cleeaaar---“ Kasabay ng huling ingay mula sa mga tao sa paligid ko ay ang dahan-dahan na paghina ng aking pulso. Siya ring pagtunog ng nakakabinging ingay mula sa apparatus na nasa tabi ko at ang pagpikit ng mga mata ko sa huling pagkakataon. Agad naman akong napa-upo sa kama ko habang hinahabol ang sarili kong hininga na panandaliang nawala. Ramdam ko naman ang malamig na pawis na tumutulo mula sa aking mukha patungo sa aking leeg. Habang ang mga kamay ko ay nanginginig sa takot at pangamba. Hindi ko na alintana kung anong oras na dahil dali-dali akong bumaba sa aking kama at kinuha ang rosaryo na nasa lamesa katabi ng higaan ko. Mabilis akong naglakad palabas ng kwarto ko kahit pa sobra rin ang panginginig at panlalambot ng aking mga paa. Nang maabot ko na ang praying area namin sa bahay kung saan nakalagay sa gitna ang may kalakihang krus ay hindi ko na nakayanan pa ang panlalambot ng aking mga tuhod at agad akong napaluhod at inilagay ang dalawa kong kamay na may hawak na rosary sa tapat mismo ng aking puso. Isang masamang panaginip na naman ang dumalaw sa akin. Panaginip na kailanman hindi ko pa gustong mangyari. Hindi ako takot mamatay…pero natatakot ako na maiwan ang pamilya ko. Hindi ko kaya ‘yon. Hindi ko na namamalayan na dahan-dahan na palang tumutulo ang mga luha ko sa aking pisngi.  Panginoon, alam ko na nakikinig ka sa akin ngayon. Sana bigyan mo pa ako ng ilan pang araw o linggo o buwan o taon. Gusto ko munang sulitin ang natitira kong oras na kasama ang pamilya ko ng masaya. ‘Yon lang…kahit ‘yon lang. Kasabay ng huling salitang binitawan ko sa aking isip ay lumabas na ang hindi ko mapigiling malakas na pag-iyak na alam kong makakapagpagising sa mga tao sa loob ng aming tahanan. At tama nga ako, dahil ilang Segundo o minuto lamang ang nagdaan ay isa-isa ng naglabasan ang mga magulang ko, sina lolo at lola, sina kuya Marcus, kuya Francisco at ang bunso naming kapatid na si Ellana. Saglit na napahinto ang buong pamilya niya nang makita siya sa harap ng maliit nilang altar na umiiyak habang nakaluhod at mahigpit na nakahawak sa rosaryong nasa kanyang kamay. Kahit ang kanilang mga kasambahay na natutulog sa unang palapag ng kanilang bahay ay naalimpungatan at nakatingin sa kaniya mula sa kanilang hagdanan. Lahat ay naaawa at nag-aalala sa kaniya. Sa kanilang mabait na… Aurora. Hindi naman nakatiis ang lahat at dahan-dahan silang naglakad papunta kay Aurora. Isa-isa silang nagsiluhuran at matiim na nagdadasal sa Panginoon. Para sa buhay ng kanilang Aurora. Ilang minuto na ang lumipas at nawala na ang mga luhang kanina lamang ay nag-uunahang bumaba sa aking mga mata at dumaloy sa aking pisngi patungo sa kaibuturan ng aking puso. Agad na akong tumayo at humarap sa mga taong alam kong kanina pa ako sinasamahan sa harap ng Diyos. Ang pamilyang hindi ko kayang iwan. Isa-isa ko silang tiningnan at nginitian ng kaunti. Ayaw kong umiyak ulit ngunit mas ayokong ngumiti sa harap nila ng pilit. Masakit pero mas pinili ko na ang panghuli dahil wala rin naman akong magagawa pa at kanina pa ako umiyak ng umiyak. Nakatayo na rin silang lahat at nag-aalalang nakatingin sa akin. Lumapit sa akin si mama at agad akong sinalubong ng kaniyang masarap na yakap. “Nandito lang kami, anak. Hindi ka namin iiwan,” masuyo niyang sabi sa akin. Isa ito sa mga ayaw kong iwan e. Kaya naman sana ay madagdagan pa ang oras ko sa mundong ito. Kahit kaunti lang. Marahan naming hinihimas ni mama ang likod ko na siyang mas nakapagpagaan ng nararamdaman ko. Sunod naman na hinawakan ni papa ang kamay ko at tiningnan ako na parang sinasabi niyang ‘magiging okay rin ang lahat’. Naramdaman ko naman ang isang yakap sa likod ko habang kaonting humahagulhol at kilala ko na kung sino…ang malambing naming bunso. Masuyo naman ang tingin sa akin nina kuya habang nasa tabi nila sina lolo at lola na kita kong nag-aalala sakin kahit pa nagising ko sila ng hatinggabi. Habang sina manang Lourders, Clara at Cynthia na mga katulong namin dito sa bahay at itinuring na rin naming kapamilya ay magaang nakangiti sa akin. Alam mo iyong hindi pilit ang mga ngiti nila. Ang totoo nga niyan ay napapagaan nila ang mabigat kong nararamdaman ngayon. Hindi na ako sumagot sa kanila o nagsalita pa. isang tango lamang ang itinugon ko sa kanila at alam kong nakuha na nila ang gusto kong sabihin. Hindi ko na kailangan pang magsalita. Nasanay na rin siguro sila sa akin o sa ganitong tagpo. Paulit-ulit na rin kasi akong dinadalaw ng masamang panaginip na iyon na alam kong sarili kong kamatayan ang gustong ipahiwatig. Simula noong malaman namin na may glioblastoma ako 2 years ago ay palagi ko ng napapanaginipan ang bagay na iyon. Dumaan na ako sa isang operasyon 5 months pagkatapos kong malaman ang sakit ko. Naging okay na ang lahat simula noon pero hindi ko alam kong ano naman ang naging dahilan at bumalik ulit ang sakit ko na nalaman lang ulit namin 3 months ago. Kaya naman alam ko nang wala na akong magagawa pa kung hindi ang manalig sa Kaniya at humiling ng kahit kaunting oras pa. “I love you, ate,” naiiyak pa rin na sabi sakin ni Ellana. Medyo natawa naman ako dahil sa pagiging malambing niya kaya kumawala ako sa yakap ni mama at agad siyang hinarap. “I love you too bun---“ Hindi ko na natapos pa ang dapat kong sasabihin ng biglang may matinis na ingay ang narinig ko kasabay ng pagsakit ng ulo ko. Parang mabibiyak na ang utak ko sa sobrang sakit. Hindi ko na kaya, Ikaw nalang ang pag-asa ko. Napansin ko naman na biglang naging aligaga ang lahat habang napapaluhod na ako sa sobrang sakit. Napansin ko naman na pumasok si kuya Marcus sa kwarto ko para siguro kunin ang gamot ko. Habang naka-alalay naman sa akin sina kuya Franciso at papa. Nasa tabi ko naman sina mama at Ellana habang magkayakap at umiiyak. Habang sina lolo at lola ay magkahawak kamay na nakatingin sa akin at napansin ko ang pagtulo ng kanilang luha. Habang sina manang ay nagmadaling bumaba. Hindi ko naririnig ang mga sinasabi nila dahil nabibingi ako sa matinis na tinig na naririnig ko habang mas lalo lang sumakit ang ulo ko at saka ko nalang napansin ang pagtulo ng luha ko at paghawak ng mahigpit sa rosaryong nasa kamay ko pa rin. Diyos ko, hindi ko na kaya. Mabuti pang kunin mo nalang ako. Ayaw kong panghinaan ng loob pero sa tuwing umaatake ang sakit ko, hindi ko mapigilang mawalan ng pag-asa at humiling nalang na kunin niya ako. Hindi ko na alam pa kung ano ang nangyayari sa paligid ko dahil sa napapapikit na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Agad naman bumalik si Marcus sa labas at tumatakbong naabot rin ang kapatid na nakapikit at mariing nakahawak sa ulo nito habang sumisigaw. Napakasakit tingnan ng ganito ang kapatid niyang nahihirapan at nasasaktan. Pero hindi na siya nagpadala pa sa awa niya at agad ng ipanainom sa kapatid ang gamot nito at pagkatapos ay pinainom ito ng tubig na dala nila manang Lourdes galing sa kusina sa unang palapag ng bahay, Ilang minuto pa ang lumipas ay dahan-dahan ng kumakalma si Aurora kaya naman kahit papaano ay nakakahinga na ng maluwag ang lahat.  Alam nilang malapit ng magmadaling-araw at may mga trabaho pa sila kinabukasan, pero hindi nila maatim na hayaan si Aurora na nasasaktan mag-isa. “Aurora,” tawag ni Marcus sa nakababatang kapatid. Ngunit hindi na ito sumagot pa kaya alam nilang nakatulog na ito. Para sa kanila ay mas mabuti na ang ganito dahil kahit papaano hindi na siya makakaramdam ng sakit. Habang si Francisco naman ang bumuhat sa kapatid at pinasok ito sa kwarto nito. Hindi naman problema ang bigat ni Aurora dahil kung tutuusin ay pumayat rin ito dahil na rin sa sakit niya. Habang matatangkad naman ang kaniyang mga nakakatandang kapatid na mayroong matikas na pangagatawan kung kaya’t walang problema ang bigat ni Aurora. Para sa kapatid nila gagawin nila ang lahat. Sumunod naman ang ama nila Aurora at ang ina nila kasama ang bunso nila. Habang ang iba ay nagsibalikan na sa kanilang kwarto para makapagpahinga. “Dito nalang muna kami ni Ellana at kami na ang magbabantay sa kaniya,” mahinahong suhestiyon ni Elizabeth – ang ina nina Aurora. “Mabuti pa nga. Kung magkaroon ng problema, gisingin niyo lang kami.” Mahinang sabi naman ng kanilang ama na si Luis. Kaagad ng lumabas sina Luis at ang anak na si Francisco pagkatapos, habang si Elizabeth at ang bunsong si Ellana ay magkabilaang tumabi sa natutulog na si Aurora. Malaki naman ang kama ni Aurora kaya nagkasya pa rin silang tatlo. Isang mahabang gabi man ang nangyari sa kanila kanina lamang ay hindi na nila inisip pa ang pagod nila at mas inintindi na lamang ang kondisyon ni Aurora. Alam nilang sa ngayon ay okay pa ito ngunit kahit kailan ay hindi nila mapipigilan ang pagsakit na naman ng ulo nito, Kaya naman noong gabi na iyon, isa lamang ang nasa isip ng lahat, hinihiling, at ipinagdarasal… Na sana ay makayanan ni Aurora ang lahat ng sakit at malampasan niya ang pagsubok na ito sa kaniyang buhay. Kinabukasan… Kahit pa madaling araw na nakatulog ang lahat ay maaga pa rin nagising ang mga ito. Alas-sais pa lang ng umaga ay palapit ng matapos ang inilulutong agahan ni manang Lourdes. Habang sina Marcus at Francisco ay naghahanda na rin para sa pagpasok nila sa kanilang trabaho. Parehong nagtratrabaho ang magkapatid sa sariling kompanya ng kanilang pamilya. Si Marcus ang siyang nagma-manage ng kompanya na pag-aari ng kanilang ama na isang shipping company. Si Francisco naman ang nagma-manage sa kompanya na pagmamay-ari ng kanilang ina na isang law firm. Dalawang taon lang naman ang agwat ng dalawa kaya magkasundo pa rin sila lalo na sa pag-aalaga sa dalawa nilang nakababatang kapatid na parehong mga babae. Si Marcus ay 27 years old habang si Francisco ay 25 years old.  Nakapagtapos si Marcus ng Business Ad degree na siyang sumunod sa kanilang ama habang si Francisco naman ay kakapasa naman sa BAR Exam noong isang taon at kasama siya sa mga Topnotches kaya panatag na ipinagkatiwala ng kanilang ina ang law firm na pagmamay-ari nito sa kaniya na siya rin namang isang abogada. Habang si Aurora naman ay 23 years old na at dapat ay tapos na siya sa kurso niyang Tourism pero dahil sa isang taon siyang nahinto noon dahil sa sakit niya ay nasa ika-apat na taon pa rin siya ngayon sa kolehiyo pero wala namang kaso sa kaniya ‘yon kahit pa may kaunting panghihinayang rin naman siya. At si Ellana naman na bunso nilang kapatid ay Grade 12 na rin at 17 years old na ito. Katulad ni Aurora ay matangkad din si Ellana at may makinis na balat. Pareho rin silang mahilig sa fashion, beauty contest and the likes. Kaya naman hindi sila mapaghihiwalay minsan.  Nasa harap na nang hapagkainan ang lahat kasama rin nilang kumakain sina manang Lourdes. Tunay naman na mabait ang pamilya Lorenzo at mapagkumbaba kahit pa saksakan sila ng yaman. “Ayaw mo ba ng pagkain, Aurora?” Nag-aalalang tanong ni Elizabeth sa anak na nasa tabi niya kumakain. “May iba ka bang gustong kainin, apo?” Sunod namang tanong ng lola niya na kaharap niya. Umiling agad si Aurora at ngumiti ng tipid sa kaniyang lola. “Wala po lola at saka gusto ko po ang pagkain ma,” sagot ni Aurora sa kanila. Tiningnan naman niya ang lahat na nakaupo ngayon sa pahabang lamesa. Sumilay naman ang isang matamis na ngiti sa kaniyang labi ngunit ang mga mata ay taliwas ang sinabi. “Para kasing masyadong mabigat ang nakapalibot sa atin na atmosphere ngayon,” pagbibiro ni Aurora saka marahan na tumawa, Seryoso naman napatingin ang lahat sa kaniya at naaawa. Agad na yumuko si Aurora ng makita ang tingin ng mga ito sa kaniya. Awa Hindi ko kailangan ‘yan. “Para naman hindi kayo nasanay sa akin.,, at sa sakit ko.” Mababa na ang boses nitong turan habang nakayuko pa rin ang ulo. “Hindi ko kailangan ng awa,” tiningnan niya ulit ang lahat at kita ang pagkabigla sa kanilang mga mata. “Kailangan ko lang na umakto kayo ng normal. Kaunti na nga lang ang oras ko, malungkot pa.” Napatawa naman si Aurora sa sinabi at tumulo naman ang isang butil ng luha sa kaniyang mata. “Anak,” pagbabanta ng ina nito. Nabigla si Elizabeth dahil pinagtatawanan lang ni Aurora ang kondisyon niya kahit ang kamatayan nito. “Ma, huwag kang mag-alala. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa,” napahinto saglit si Aurora at tumingin sa ina. “Hindi…nawawalan na ako ng pag-asa. Pero ayoko pa rin bumitiw sa buhay kong ito kaya lalaban pa rin ako.” Hinawakan ni Aurora ang kamay ng ina para iparamdam dito na maniwala siya, sila sa kaniya. “Naniniwala ako sa Kaniya,” dagdag pa ni Aurora sabay turo sa hitaas. “Tama ‘yan apo. Manalig ka sa Kaniya.” Nakangiting tugon ng lolo niya. Naputol naman ang mabigat na awra sa paligid ng tumikhim ang ama ni Aurora “Kung ‘yan ang gusto mo anak,” pangsang-ayon nito sa sinabi ni Aurora. Sumunod na dito ang masayang kwentuhan nila sa hapag habang ang sentro ng kwentuhan ay ang nakababata sa kanila na si Ellana na tunay na masayahin at may pagkapilya. Pagkatapos ay napuno ng tawa ang kanilang almusal na siyang nakapagpagaan ng loob ni Aurora. Ito lang Diyos ko. Sila ang sandigan ko at motibasyon na mabuhay at ikaw ang pag-asa ko. Ngunit, nagpapasalamat pa rin ako dahil binigyan mo ako ng pamilya na katulad nito. Salamat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook