Chapter 1: First Day
HIREIN'S POV
Kasalukuyan akong naglalakad sa may corridor dahil kanina ko pa hinahanap ang class room na papasukan ko.
Bawat class room na dinadaanan ko ay laging napapatigil ang klase ng mga lecturer dahil napapatingin sila sa gawi ko.
Nasaan na ba 'yon? Kanina pako paikot-ikot e!Sigurado ako na late ako ng ilang subject. Si mommy kasi, gusto ng malaking school para sakin.
Bakit ba kasi walang school map ang school nito? Ang laki-laki eh !Yaman-yaman! wala namang school map! Bwisit!
Nakadating ako sa seventh floor ng building 20 ang sabi ang napagtanungan ko ay diretsuhin ko daw yung floor na yun hanggang sa makarating ako sa dulo ,kapag daw nakarinig ako ng mga nagsisigawan at nakasaradong pinto ay 'yun na daw yung room na papasukan ko.
Bahagya pa syang nagulat nung sinabi ko yung section ko pero agad din syang nakarecover.
Nandito na ako ngayon sa seventh floor at patungo sa pinakadulong parte ng building
Malayo palang ako ay nakarinig na ako ng nagsisigawan ,nukhang tama nga yung napagtanungan ko. Tsk! Tsk!
Todo lakad lamang ako hanggang sa makarating ako sa harap ng pintuan.
*Tok! Tok! Tok!
Katok ko. Nakakailang katok ako ay wala paring nagbubukas ng pinto. Mga bingi yata tao dito eh!
Bukas na bukas bibilihan ko sila ng cotton buds, para makapaglinis ng tenga. Nakakairita kanina pa ako katok ng katok pero walang nagtatangkang magbukas.
Bubuksan kona sana ito ng may biglang nagbukas nito.
Agad kong nakita ang gwapo nyang mukha, magandang ngiti, matangos na ilong at mukhang sya ang prof sa section na ito. Nakasiwang lamang ang pinto kaya hindi ko makita ang loob.
"Good morning sir, i'm the new transferee" seryoso kong sabi. Agad namang nawala ang ngiti nya. Napalitan iyon ng kunot na noo at pagtataka.
"Ikaw ang bagong transferee?" Hindi makapaniwalang tanong ng guro.Tumango lamang ako."Sigurado ka?"
"Oo" nauubos na ang pasensya ko kaya gan'to ako sumagot. "Pasensya na kung nahuli ako dahil hinahanap ko pa ang building at room na 'to" dagdag ko pa. Tumango lamang ako sa guro.
.
Hindi ba nya ako papapasukin? Nangangalay na ako dito. Kanina pa.
"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Tanong ko. Ipinagtaka ko pa kung bakit kanina nya pa ako hindi pinapapasok. At mas lalo akong nagtaka ng tuluyan na syang lumabas ng silid at isinarado ang pinto.
Huminga muna sya ng malalim bago magwika. "Let's go to the Principal's office " what the heck! Kagagaling ko lang doon tapos babalik na naman ako doon. Pagod na ako at nangangawit na ang mga paa ko kalalakad tapos Principal Office!
Wala na akong nagawa ng naunang na syang naglakad. Kahit naiinis ako ay sumunod na ako sa kan'ya. Nakakainis!Nakakayamot! Hindi ako kumain ng umagahan para sa pesteng school nato!
***
(Principal's Office)
" What can I do for you Mr.Cuballes?" bungad sa amin ng principal pagpasok namin.
"Madame Principal are you sure na sa Section ko s'ya maglalagi?" Tanong ni Mr.Cuballes.
"Yes" nakangiting sagot ni Madame Principal.
"But Madame, girl is not allowed to my section" protesta ni Mr.Cuballes. Ano daw girl is not allowed to my section? So ang ibig sabihin ay sa section ni Mr.Cuballes ay walang estudyante na babae? Kaya pala kanina wala akong madinig na boses ng babae.
"That's my final answer" bigla namang naging seryoso ang boses ni Madame Principal. "You may go" sabi pa nito.
Walang sabi-sabi ay umalis si Mr.Cuballes, tumango muna ako kay Madame Principal bago lisanin ang silid. Feeling Korean.
Lakad takbo ko syang sinundan, paano ba naman kasi ang laki ng hakbang nya.Tapos ang bilis pa n'yang maglakad. Kaazar.
***
(Class room)
"Class you may have a new class mate" sabi ni Mr.Cuballes pagdating namin dito sa class room.
Nasa harapan ako ngayon at nakatayo ng tuwid habang nakayuko. Paano ba naman yung mga lalaki ang talim ng tingin sakin. Siguro kung nakakasugat ang titig malamang patay na ako.
"Introduce your self in front of your class mates" sabi ni Mr.Cuballes. Iniangat ko ang ulo ko at nasalubong ko na naman ang masasama nilang tingin.
Inayos ko muna ang salamin ko bago ako magsalita. "My name is Herein Abigail Cross" sabi ko sa malamig na tono. Nagulat sila sa lamig ng boses ko pero agad din nila iyong binawi at mas tumalim ang titig nila.
Sa lahat ng nandito ay dalawang tao lamang ang nakakuha ng atensyon ko. Yung isa sa pinaka dulo sa kaliwa dahil walang emosyon s'yang nakatingin sa akin. Habang ang isa naman ay kalapit na may seryosong mukha pero ang mata n'ya ay kakikitaan mo ng awa. Bakit ganiyan s'ya makatingin? Bakit ang lungkot ng mata n'ya, parang may gustong ipahiwatig ang mga mata n'ya.
Agad na nawala ang atensyon ko dun sa lalaking malungkot ang mga mata dahil nagsalita Si Mr.Cuballes. "Nice meeting you Ms.Cross let me introduce my self" sabi ni Mr.Cuballes habang naka ngiti. "I'm Bryan Cuballes your adviser " sabay lahad ng kamay, tinanggap ko naman iyon at nakipagshake hands sa kanya. " Now you may take you seat" sabay bitaw ng kamay ko.
Nagsimula na akong maglakad papuntang upuan ko sa pinaka dulo dahil iyon lang ang bakante. Hindi mawala ang paningin nila sa akin hanggang sa maupo ako.