HIREIN'S POV
—FLASH BACK—
Nandito ako sa likod ng building namin dahil gusto kong magpahangin. Gusto pa sana akong samahan ng SE pero hindi ako pumayag.Ang sabi ko ay sisigaw nalang ako kapag may nangyari masama sa akin.Malakas naman bunganga ko e.
Habang nakaupo ako sa bench at nagcecellphone ay nakarinig ako ng mga yabag ng mga paa at nag-uusap na parang galit.
Hindi naman sa chismosa ako ay dali-dali akong tumakbo sa likod ng malaking puno at umakyat doon.Naging unggoy tuloy ako.Kaazar.
At kamalas malasan ay sa ibaba ng puno sila nag-usap,kaazar naman.Biglang lumaki ang tenga ko marinig ko ang section namin.
"Anong gagawin natin?Sa tuwing sinasaktan namin sila laging may dumadating na babae para iligtas sila" sabi nung lalaki.
"Sino ba kasi yung Bwisit na babaeng yun at hindi natin makuha kuha ang isa sa section eleven" sabi naman nung babae.Hindi sila pamilyar sakin.
"Anong gagawin natin?" Tanong nung lalaki.
"Ano ba ang kahinaan nila?" Nakangising sabi nung babae.
"Malay ko.Sakin mo itatanong hindi ko naman sila ka close" agad naman na Sinamaan ng tingin nung babae yung lalaki.
"Ang BOBO mo talaga"
"Maka BOBO ka naman.Porket lamang kalang sakin ng isang puntos sa quiz natin kanina." Sabi nung lalaki."Ano ba ang kanihanaan nila?"seryosong tanong nung lalaki.Ngumisi uli yung babae at nag crossed arm.
"Ang Prinsesa nila" nakangising sabi nung lalaki. Agad na nangunot ang noo ko.Ako ba ang tinutukoy nila?Malamang,Hirein. Alangan naman si sir Cuballes ang Prinsesa nila.Tch.
"Anong meron sa Prinsesa nila?" Sinamaan naman ng tingin nung babae yung lalaki.
"Sya ang kidnapin natin.Kapalit ang buhay ng Prinsesa nila ay ang pagsama ng isa sa kanila sa atin"ngingisingising sabi nung babae.Tumango tango naman yung lalaki.
"Pero pano?Pano natin makukuha yung babae e laging bantay sarado sya ng section eleven?"Ngumisi uli yung babae.
"I have a plan.Let's go" sabi nung babae at nagpauna nang maglakad.
Nang nasisiguro ko na wala na sila ay agad akong bumaba ng puno dahil kanina pa ako nilalanggam.
—END OF FLASH BACK—
"Ano to?" Takang tanong ni Mike habang sinusuri ang hawak nyang kutsilyo.
"Knife protector" sagot ko habang nakangiti.Lahat sila ay may nagtatakang tingin.
"Aanhin namin to?"
"Ano ba ang Knife Protector?" Boring kong tanong.
"Proteksyon!" Sabi nung apat,agad naman akong napangiti.
"Bakit mo kami binigyan nito?" Tanong naman ni Cris habang hindi inaalis ang tingin sa Ibinigay kong kutsilyo.
"Proteksyon nga"
"Hoy!Ayokong pumatay ng tao,ha?"
"Ako din.Aaminin kong mahilig ako sa away pero ayokong makapatay.Masyado akong gwapo para makulong"
Kung ano-anong sinasabi nila tungkol sa kutsilyo na Ibinigay ko.Kesyo Ganto, Ganyan.Daming arte.
Actually hindi naman sya totally na kutsilyo talaga e.Hindi ordinaryong kutsilyo yon.Hindi sya yung pinanghihiwa sa mga rekados.Its a protection.
"At san naman galing to?"
"In my friend" Nakangiti kong sabi. "Humingi ako sa kanya ng knife protector sa kanya para sa inyo" Nakangiti kong sabi.
"Bakit mo kami binili nito?"
"Kasi,diba lagi na kayong napapaaway kaya naisipan ko na ibigay sa inyo yan. Hoy!Ingatan nyo yan,ha?Mahal yan" sabi ko.
Nagulat nalang ako ng bigla nila akong niyakap.
"Hoy!Anong nangyayari sa inyo?" Takang tanong ko sa kanila.Nanatili parin silang nakayakap sa akin.
"Ang sweet naman ng Prinsesa namin!" Sabay sabay nilang sabi.Napangiti naman ako.
"Aba,syempre.Mahal ko kayo e" Nakangiti kong sabi sa kanila.
"Mahal na mahal ka namin,Prinsesa!" Lalo namang lumawak ang ngiti ko.
"Mahal ko din kayo" Nakangiti kong usal.Humiwalay na sila sa akin.Agad naman akong kinalabit ni Mike na kalapit ko kaya tumingin ako sa kanya."Yes,Mike?"
"Hindi nakasali si Clint sa group hug natin kaya yakapin mo sya" Nakangiti nyang sabi.Agad naman akong nagtaka.
"Seryoso?" Tanong ko.Tumango lang sya at ngumiti. Nilingon ko si Clint na busy sa pagtingin ng hawak nyang knife protector.
"Oo,kaya yakapin mona" taka ko naman syang tinignan.
"T-teka,bakit ako lang ang yayakap?"
"Hindi yan nakikipag yakapan samin, maarte yan e" bulong sakin ni Mike.
"Ayoko nga,kayo nalang" tanggi ko.
"Sige na"
"Ayoko nga"
"Bakit ayaw mo syang yakapin?" Tanong nya.Malay ko."Siguro gusto mo sya"sabi nya sabay taas baba ng kilay habang nakangisi.
Hindi.Wala akong gusto dyan.Iba ang gusto ko.
"Iba ang gusto ko at hindi sya yon" sabi ko sabay ngisi.Ngumisi naman din sya.
"Kung wala kang gusto sa kanya,yakapin mo nga" agad na napataas ang kilay ko.
Is he challenging me?
"Are you challenging me?" Nakangisi kong tanong. Walang pakialam sa amin yung iba dahil hindi nila inaalis ang tingin sa kutsilyo na bigay ko.
"Of course,I'm challenging you.What's the consequences?" Lalo naman akong napangisi dahilan para mawala ang ngisi nya.
What a bright idea.
Evil smirk.
"If mayakap ko si Clint ang consequence ko sayo ay....." Lalo naman akong ngumisi,nakita ko kung paanong lumunok lunok si Mike.
Lumapit ako sa kanya at bumulong.
"What!?No!" Sabi nya dahilan para mapatingin samin ang iba.Lalo namang lumapad ang ngisi ko.
Bumaling ako kay Clint na ngayon ay hindi parin inaalis ang tingin dun sa kutsilyo.
"Clint, come here" nakangisi kong sabi.Agad naman syang tumingin sakin ng may pagtataka.Tumingin ako kay Mike na ngayon ay sunod sunod ang paglunok.
"Why?" Clint asked.
"Come here" Walang sali-salita ay lumapit sya sakin.Pagkaupo nya sa tabi ko ay agad ko syang niyakap na Ikinagulat nilang lahat.Nakangisi naman akong bumaling kay Mike na ngayon ay pinagpapawisan na.
Nang humiwalay na ako ng yakap kay Clint ay agad ko syang nginitian.
"Sige na,bumalik kana don" walang sabi sabi ay bumalik na sya sa pwesto nya. Bumaling uli ako kay Mike."Ano Mike, gagawin mo yun,ha?"
"H-ha!A-ayoko nga" bigla naman akong sumeryoso dahilan para magsunod sunod ang paglunok nya."Oo na,sige na. Pumapayag na ako"sabi nya sabay Iwas ng tingin.Agad naman akong Napangiti.
"YES!" Masayang usal ko.Dahilan para magtaka sila.Nginitian ko naman sila. "Wag na kayong magtanong, samin nalang yun ni Mike"Bumaling ako kay Mike na ngayon ay nakanguso na."Diba?Diba?"sabay taas baba ng kilay.
"Teka,princess. May Knife protector kaba?" Tanong ni Jack.
"Naman.Ako pa mawalan"
"Patingin"
Agad kong inilabas sa bulsa ko ang Knife protector ko.Agad naman silang namangha.
"Woahhh!" Usal nila.
Matulis ang magkabilang dulo nito habang ang pinaka bakal nito o yung nakakasugat at may naka ukit na mata.Mata na umaapoy.Yung hawakan naman nung kutsilyo ay may nakaukit na MK na may dugo dugo.
"Astig ah"
"Syempre"
"Palit tayo,Prinsesa"
"No!" Bumaling ako kay Mike at ngumiti. "Oy!Mike! Subukan mong hindi tumupad sa usapan itatarak ko to sa mata mo"nakita ko naman na lahat sila ay nagulat pero ngumiti ako." Biro lang. Saktan nga hindi ko magawa,itarak pa kaya to sa mata mo hehe"nakahinga naman sya ng maluwag.
"Tara uwi na tayo" yaya ni Cris.Madilim na kasi.Kaya kami inabutan ng dilim dahil nga binigay ko sa kanila yung knife protector.
Habang naglalakad ako ay may naalala nga pala ako na kuhanin sa locker ko kaya.....
"Guys,una na kayo.May kukuhanin lang ako sa locker ko" sabi ko habang naglalakad paatras.Agad naman silang tumingin sa akin.
"Samahan kana namin" sabi ni Clint pero Ngumiti lang ako at umiling.
"Wag na,lapit lapit lang ng locker dito e" tututol pa sana sila kayo bigla akong tumakbo. "BYE!" Sigaw ko bago sila mawala sa paningin ko.
---*
LOCKER ROOM
Pagdating ko sa locker room ay agad kong binuksan ang locker,agad naman uli akong napangisi dahil nakakailang bigay na sila sakin nito.
Kinuha ko ang box at agad na isinarado ang pinto ng locker ko.Nang akmang maglalakad na ako ay may bigla humawak sa bibig ko at agad iyong tinakpan ng panyo.
Nanlalaban ako pero hindi ko makaya dahil malakas sya.May itinurok syang syringe sa akin dahilan para matumba ako at mawalan ng malay.