HIREIN'S POV
Habang naglalakad ako sa may corridor ay panay ang bulungan ng mga estudyante na nadadaanan ko.Hindi ko sigurado dahil parang mga transfer ata ang pinag-uusapan nila e.
"Nabalitaan nyo ba yung grupo ng mga lalaki na nag transfer dito?"
"Balita ko may hinahanap silang babae" agad akong napatigil sa paglalakad. Sinalampak ko ang headset ko sa tenga ko pero hindi ako nagpatugtog.Makikinig ako.
"Oo nga e,sino kaya yon?"
"Ewan,kanina pa nila hinahanap yung babae e"
"Nagtanong nga sakin yung lalaking pinaka gwapo sa kanila kung may kilala daw akong......Nakalimutan kona yung pangalan e" sabi nung isa.Sino kaya yung hinahanap nung mga transfer.
"Ang swerte naman nung babae"
"Agree"
Hindi kona tinapos ang usapan nila dahil wala na akong pakialam. Tuloy lang ako paglalakad hanggang sa nakasalubong ko yung babaeng sinapak ko sa cafeteria nung mga nakaraang araw.
Nakataas ang mga kilay nila habang nagmomodel sa daan.Matapilok sana kayo.
Hindi kona dapat sila papansinin pero yung leader nila ay binangga ako.Inis kong tinanggal ang head set sa tenga ko at tumingin sa kanya.
"Opss,sorry, hindi ko alam na may haharang harang na basura sa dinadaanan ko" maarteng sabi nung leader.
Pag Ito sinapak ko,Tulog toh.
"Ano bang problema mo?" Malumanay kong sabi.
"Ikaw,ikaw ang problema ko!" Sabi nya habang dinuduro duro ako."Dahil isa ka lamang basura pero Andami mo na agad saking kinuha"tinabig ko ang kamay nya na nakaduro sa akin.
"Una sa lahat at hindi sa huli" panimula ko."Hindi ako basura katulad mo"tumaas naman ang kilay nya."At isa pa wala akong kinukuha sayo"
"Ha!Walang kinukuha,ha?" Nakangisi at nakapameywang nyang sabi."Isa lang naman ang Kinuha mo sakin e"
"Ano?"
"Kinuha mo lang naman sakin ang Section Eleven. Pag mamay-ari ko sila.At Simula ng dumating ka nawala na sila sakin"
"Una,wala akong kinukuha sayo.Pangalawa,hindi mo sila pagmamay-ari dahil wala namang titulo na nakapangalan na pagmamay-ari mo sila" Bahagya muna akong tumugil dahil nauubusan nako ng laway."At ang huli hindi sila Sayo,"sabi ko sabay ngisi.
"Ang kapal ng mukha mo!Mang-aagaw!" Sigaw nya.Ngayon ay napapalibutan na kami ng mga chismoso at harap harapan akong nilalait.
"Mas makapal ang mukha dahil mas makapal ang foundation mo!"
"Mang-aagaw!"
"Wala akong inaagaw sayo"
"Isa ka lamang basura sa paningin namin!" Nang gagalaiting sigaw nya.
"Well,kung ako basura sa paningin nyo,ako naman ang tingin ko sa inyo makakati"
"What do you mean?" Naiinis nyang tanong.
"Higad.Isa kang malaking higad na may makapal na make up" nakangisi kong sabi.Itinaas naman nya ang kamay nya kaya napatingin ako doon.Ang akala ko ay sasampalin nya ako pero hindi.
Pinatunog nya ang kanyang mga daliri at naglabasan mula sa likod nya ang ibang estudyante na may dalang pamalo.
Anak ng—higad!
"Hulihin at Dalhin nyo sya sa akin.Madali!" Utos nung higad na may makapal na make up.
Agad silang nagsitakbuhan papaunta sa akin kaya wala na akong magawa kundi.
Tumakbooooo!
Habang tumatakbo ako ay nilingon ko sila.Sheyt,ang dami nila.Tinatalon ko nalang ang hagdan na nadadaanan namin dahilan para bumagal sila.
Isang floor nalang at nasa labas na ako ng girls dormitory.
Nang makalabas na ako ay agad akong huminto para maghabol ng hininga pero...
"Bakit ka tumigil darling?Tsk..tsk..tsk.." Pagtingin ko sa likod ko.Nandon na silang lahat kasama yung leader nilang higad na may makapal na make up.Agad akong napabusangot.
"Hindi ka lang pala higad na may makapal na make up.Isa kana ngayong Higad na may makapal na make up daughter of flash" sabi ko sabay ngisi.Nakita ko naman na nanlaki ang mata nya kaya lalo akong napangisi.
"Hulihin nyo yang Bwisit na bubwitang yan!Bilis" sabi nung anak ni Flash.
Agad naman na silang tumakbo palapit sakin kaya no choice ako kundi tumakbo papasok sa university.
Nang makapasok ako ay agad kaming pinagtitinginan. Tawa lang ako ng tawa habang tumakbo.
Nagpaikot-ikot ako sa ground habang tumatawa dahil namumula na sa galit yung anak ni flash.
"Hahahahahahaha!" Tawa ko habang tumatakbo.Pinapanood narin kami ng ibang estudyante pero waley akong pakialam.
Binabato rin nila ako ng dala nilang kahoy pero hindi nila ako masapulan.
Runner toh,mga gaga!.
"Kahit sino sa inyo!Ang makahuli sa kanya ay bibigyan ko ng 100,000 pesos!"sabi nung anak ni Flash.Kagaling at prinesyohan pako.
At saan naman sya nakakuha ng mega phone?
Agad akong napailing dahil pati yung ibang estudyante ay humahabol narin sakin.Pati mga lalaki. Ang bibilis nila.
Iisipin ko nalang na hinahabol ako ng mga palakang may balahibo.
Jusko!Pagod nako!
Narinig kopa na na tumatawa yung anak ni Flash habang nakatapat sa kanya yung mic.
Kaazar!Duh.
Medyo bumabagal na akong tumakbo dahil unti unti na akong napapagod,pawis na pawis narin ako.
Kaazar.
Mabuti nalang at hindi nalalaglag yung salamin ko at hindi rin nagugulo ang buhok ko.
Nice.
"Ang makahuli sa kanya at maiibigay sakin ng mabilis ay dodoblihin ko ang pera na ibibigay!" Agad akong nagtaka.
Tumingin ako sa suot kong relo at 9:23 am na.Dapat kanina pa tumunog yung Bell. At ang isa pa ay speaker na ng school ang gamit nung anak ni Flash.Sound system na ng school ang gamit nya.
Nasan naba yung mga teacher?
Kaazar.
Habang tumatakbo ako ay natalapid ako sa nakausling bato.Agad akong natumba.Anak ng higad!
Kaazar.
Agad akong bumangon pero pagbangon ko ay agad nila akong pinalibutan.Oh!No!
Kaazar.
Nahawi lang ang daan ng naglakad papalapit sakin ang anak ni Flash habang nakangisi at may dalang tubo.Hingal na hingal at pawis na pawis nako dahilan para maging hot lalo ako.
Naks.
"Are you tired,sweetie?" Nakangising sabi nung anak ni Flash.
"Aba'y natural. Ikaw kaya patakbuhin ko sa buong school.Tignan natin kung hindi ka mapagod"maganda kong sagot.
" Napaka tapang mo naman"
"Aba,syempre.Gayahin mo ko matapang" maganda ko uling sagot.
"Hindi kaba natatakot sweetie?"
"Bakit naman ako matatakot?E higad ka lang naman na may makapal na make up at anak ni Flash" maganda ko uling sagot.Ngumisi lang sya pero halatang pikon.
"Gusto mo ba talagang masaktan?"
"Ikaw kaya matalapid?Tignan natin kung hindi ka masaktan"
"Papansin ka rin noh?"
"Ikaw kaya tong papansin,talagang gumamit kapa ng sound system"
"Maharot!"
"Mas maharot ka!Makati pa nga ih!" Sabi ko.
May bigla nalang humampas sa likod ko dahilan para mapaluhod ako.Sakit non ah.Kaazar.May humampas uli sakin sa likod dahilan para mapahamak ako sa luha.Kaazar talaga.
Sinubukan kong tumayo pero may humampas ng tubo sa aking ulo.Naramdaman ko ang pag-agos ng dugo mula sa ulo ko.
"Ano?Masakit ba?" Tanong nung anak ni Flash.
"Ikaw kaya paluin ko ng tubo dyan,Tignan natin kung hindi ka masaktan" nakangisi kong sabi.
Ansakit na ng ulo ko at nahihilo narin ako.Gusto ko munang matulog pero nilalabanan ko.Baka mamaya kapag nakatulog ako ay iwanan nila ako dito e.Kaya wag na lang.
Hinampas uli ako sa likod ko at sa ulo ko.May humampas din sa noo ko dahilan para magdugo rin ako.
Hinawakan ni Flash ang baba ko at inangat ang mukha ko dahilan para magtama ang paningin namin.
"Nakakainis ka!Ang ganda mo parin kahit duguan kana!" Nanggigigil nyang sabi.Ngumisi naman ako.
"Syempre, maganda ako e" nagyayabang kong sabi.Nakita ko naman na nag-igting ang panga nya.
*PAK*
Sinampal nya ako.Pero parang kagat lang ng langgam.Agad naman akong napangisi dahil para para manggigigil sya sakin.
*PAK*
*PAK*
Binigyan nya ako ng mag-asawang sampal pero nakangisi kang ako habang nakatingin sa kanya.
*PAK*
*PAK*
*GANERN*GANERN*
Binigyan nya uli ako ng sampal.
"Sulitin mona ang p********l sakin dahil sa susunod na sampalin mo ako kamao ko ang Babalik sayo" sabi ko."Take note pa,hindi kona hahayaang dumapo yang mabalahibo mong kamay sa mala anghel kong Mukha "nakangisi kong sabi.
Hindi na sya nakapagsalita sa halip ay tumayo na sya at pinagpapalo nya ako.Pumapalo narin yung iba.Kahit masakit na ay pinilit kong hindi dumaing dahil Ayokong maging Mahina sa harap nila.