Chapter 3 Unang Pagsasama

1744 Words
Sylvia's POV Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan ko ang pangalan ng taong nasa harap ko ngayon. "Yes, Calix Sylvania. Your husband." seryosong sabi nito 'Yes, Calix Sylvania. Your husband.' 'Calix Sylvania. Your husband.' 'Your husband.' Napailing nalang ako ng wala sa oras ng biglang napatingin ito sa akin. "Don't mind me." I shrug my head. "Did I tell you to speak?" sabi nito. Umiling nalang ako. Umismid naman ito sa akin. Ito na ba lahat ng karma ko sa pagiging spoiled brat. Para na akong tatakasan ng katinuan sa bahay na ito. Makita ko lang ang sarili ko na tinutulak siya kung saan-saan ay parang pasan pasan ko na ang bigat ng mundo. Katulad kanina. -------------------------------------------------- Flashback -------------------------------------------------- "Yes, Calix Sylvania. Your husband." seryosong sabi nito. Napaligpit naman ako ng wala sa oras kahit hindi ko pa nauubos yung pagkain ko. Bakit ang aga niya? Akala ko ba ala-una pa. Nakakabigla talaga ang mga nangyayari. Dala-dala ko na yung pinagkainan ko ng lampasan ko ito. "Are you serious? Iiwan mo ko?" inis na sabi nito. Napatingin naman ako sa kanya. Nasapo ko na lang yung sarili ko ng wala sa oras. "Hala, Sorry. Wait." naguguluhan kong sabi. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Kung babalik ba ako sa Gazebo para ilapag yung pinagplatuhan ko or pupuntahan siya para dalhin sa loob. Bakit kasi napakatahimik niya kung dumating. "My God, don't act like a child. You're not young enough to not be confused by what's going on." sigaw nito na mas lalo lang akong naguluhan. "Teka, teka, wait lang mahina kalaban. 1st time ko lang ito, wait." sabi ko dito habang nakatakip ang mga kamay ko sa tenga. Pati ba naman dito ay sinisigawan din ako. Gusto ko nalang umalis, kaso paano nga ba? "Just put your dishes in the table and let me in first!" mahinahon nitong sabi pero pautos. Ganun nga ang ginawa ko at kinuha siya para itulak. Bakit ba kailangan ko pa siyang itulak gayong nakapunta nga siya sa likod ko este sa labas ng gazebo. Inis ah. Nakasimangot ako habang tinutulak siya kanina hanggang sa dumaan si Ate Susan. "Kayo po pala Don. Magandang umaga po." yukod nito at yumuko lang din itong lalaki sa harap ko. "Get her dishes in the gazebo. Ayoko nang maulit ito Susan ng walang paalam sa akin. Kilala mo ako." banta nito. "Opo Don. Pasensya na po."hinging paumanhin nito tsaka ito lumabas. Naawa naman ako kay Ate Susan at itong tinutulak ko ay kung saan-saan nag-uutos para itulak siya. --------------------------------------------- End of Flashback ------------------------------------------ "I'm done." sabi nito kahit hindi pa nauubos ang pagkain nito sa plato niya. Napatingin naman ako sa kanya. Kakasimula ko palang. Nakakalimang subo palang ata ako. "Gusto ko ng magpahinga. Dalhin mo na ako sa kwarto." walang emosyon nitong sabi. "Ako?" turo ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanya. "As usual, Sino pa ba ang magdadala sa akin doon? Imposibleng si Marites ang magdadala sa akin doon eh ikaw ang asawa ko." taas kilay nito. "Sabi ko nga, ako ang asawa mo." sabi ko dito habang nakatingin sa malayo at napapalunok na lang. Kahit masama sa loob kong hindi matapos ang kinakain ko ay tumayo ako para hilahin siya at dalhin sa kwarto ko kung saan ako nagising kanina. Pagpasok namin ay nakarinig agad ako sa kanya ng mga salita. "Bakit pa ako pumayag na ikasal sa isang tulad mo. Simpleng bagay hindi maintindihan." asik nito. Nagngitngit naman ang mga ngipin ko sa narinig ko sa kanya. 'Huwag kang mag-alala, aalis din ako dito. Kaya kong mabuhay mag-isa. Tsk. Sarap itulak.' Hindi nalang ako nagsalita. Kundi tinulungan ko lang siyang makaakyat sa kama. Tinignan ko lang siya sa mga ginagawa niya. Nagulat na nga lang ako na kinuha niya yung laptop niya sa ilalim ng side table. Parang kakadating niya lang kanina ambilis agad napunta yung mga gamit niya. Sabagay andyan nga naman sila Marites at Ate Susan. "Don't watch me at all time." tingin nito sa akin. "Fine." Irap ko dito. Palabas na sana ako ng magsalita ito. "Saan ka pupunta? Tatakas ka?" matalas niyang sabi. "Tss, Hindi ba pwedeng lumabas? Nahihirapan kasi akong huminga dito sa loob." sabi ko dito sabay labas ko. Wala na akong pake kung ano man gawin niya. Kung sundan niya ako or what. Hindi naman makakatayo yun ng walang tulong ng iba. Pwee. Hinanap ko nalang si Ate Susan. "Ate Susan?" silip ko sa kusina. "Bakit po Mam?" bungad nito sa akin na kasalukuyang nagpupunas ng lababo. "Ahhm, okay lang po bang kumain ulit? Hindi po kasi ako nabusog kanina." malungkot kong sabi dito. "Naku Mam, ubos na po dahil kumain na rin po kami. Yun po ang rules dito. Kapag natapos na pong kumain ang Amo ay kakain na po kami. Ang may matirang pagkain ay pinagbabawal po dito." malungkot na sabi nito. "G-ganun po ba?" buntong -hininga ko. Bigla naman kumalam ang tyan ko. Maya-maya pa ay naglabas si Ate Susan ng tasty at palaman. "Ito Mam, yan po ang kadalasan na kinakain nila dito kapag gabi. Kuha na lang po kayo tapos pakibalik nalang po dito sa drawer para makapagpahinga na rin po ako." bilin nito sa akin. Nagpasalamat nalang ulit ako sa kanya kasi siya lang talaga ang bukod tanging mabait sa akin dito sa bahay. Nagpalaman na lang ako ng dalawang talop ng tasty tsaka ko binalik sa drawer kung saan kinuha ni Ate Susan ang mga ito. Hindi narin ako nag-aksaya na gumamit pa ng plato eh mukhang malinis na ang lahat. Nag-ingat pa nga ako habang nagpapalaman dahil sobrang linis na talaga ng lababo. Ang hirap dumihan. Bumalik na ako sa kwarto ng makita ko siyang nagtitipa padin ng laptop niya. Yung asawa kong si Calix. Haysss. Tumingin lang ito sa akin lalo na sa dala-dala ko. Hindi ko siya bibigyan. Bahala siya dyan. Hindi kasi nakatakas sa mata ko ang paglunok niya sa nakita niyang dala ko. Humiga naman ako sa kama kung saan ay malapit lang sa siya akin. Inasar ko ito at tinagalan ko pa ang pagkain ng tasty para damang-dama niya na gutom din siya. Bwahahaha. "Ubusin mo na nga yan, nagkakalat ka lang dito. tsk" inis na sabi nito. Sinamaan ko naman ng tingin sabay upo ko ng bigla. Kaya lumundo ang kama namin. Nag-'tsk' lang ito. Wala talaga akong mapapala dito sa bahay na ito. Haissst. Pumunta na lang akong banyo para maghalf bath. Isang oras din ako mahigit sa cr. Talagang tinagalan ko para kapag lumabas ako ay tulog na siya pero mukhang nagkamali ako. Gising na gising parin ito at dilat na dilat. Mukhang nagbabantayan ata kami. Seryoso lang itong nakaharap sa laptop niya kaya habang nagpapatuyo ako ng mga iilang buhok ko na nabasa kanina ay kinuha ko ang cp ko. Pagcheck ko ay puro missed call and texts ni Austin ang bungad sa phone ko. -------------------------------------------------- My lalabs Austin 56 missed calls My lalabs Austin 70 messages -------------------------------------------------- My lalabs Austin Babe, where are you? Monday 3:16 pm Babe, answer my calls. I'm worried. Monday 3:30 Babe? bakit hindi mo sinasagot lahat ng calls ko? Monday 4:00 pm Babe, I miss you so much, kung nasaan ka man, take care always. Today 7:35 am -------------------------------------------------- Ilan sa mga text ni Austin at yung iba ay pareparehas lang kaya nagtext agad ako dito na magkita kami bukas kung makakatakas man ako sa lumpong ito. Kinilig naman ako bigla ng magreply si Austin. Namimiss ko na siya. "Who's this?" agaw ni Calix sa phone ko. "Hey, ano ba. Akin na yan." kuha ko sa phone ko na pilit naman niyang nilalayo. "Austin? Who's this?" matalim niyang tingin sa akin. "Bakit ba? Ano bang pakielam mo?" pagtataas ng boses ko sa kanya. "I have a concern here and that's what I need to know from you, I said, Who is this?" galit nitong sabi. "Boyfriend ko!" sigaw ko sa kanya. "F*ck" sabay bato niya sa cellphone ko. "Sh*t! Bakit mo ginawa yon!" sabay lapit ko sa cellphone kong basag na ngayon. Bigla nalang tumulo ang luha ko ng makita kong hindi na talaga siya gumagana at nagblack screen yung cellphone ko. "I hate you!" talim kong tingin dito. "I don't care." sabi nito bago bumalik sa pagtipa sa laptop niya. "Tsk." hingang malalim ko sabay balik sa kama. Wala naman akong magagawa kung sa sahig ako matutulog. Dito ako matutulog sa kama. Wala akong pakielam kung marindi siya sa pag-iyak ko hanggang sa nakatulog na lang akong umiiyak. ------------------------------------------------- Kinabukasan -------------------------------------------------- Gumising akong masama ang loob ko lalo na ng makita kong basag na basag talaga ang cellphone ko. Paano ko makokontact sila Ate Eunice, Si Dad at Austin. Sila na lang ang meron ako. Tinanggal pa sa akin. Buti na lang wala yung lumpo. Tsk. Hindi ako lalabas ng kwartong ito. Bahala na kung makatikim ako ng parusa. Kasalanan naman niya eh. Ang masakit pa ay andito lahat ng meron ako kay Mommy. My memories with Mom. Wala na. Marerestore pa kaya ito? Hindi pa naman ako nakapagsave sa G-Drive ko. huhuhu. Naiiyak na lang talaga ako. Lumipas ang mga oras na nakatulala lang ako habang umiiyak. "Mam, Slyvia. Kain na po kayo." katok ni Ate Susan. Imbis na sumagot ako sa kanya ay mas lalo lang akong humikbi. "Mam, Slyvia? May nangyari po ba?" alalang tanong ni Ate Susan. "Ate Susan, Hindi ko na kaya. huhuhu. Ayoko na dito. " biglang yakap ko dito. "Shhh, tahan na Mam, Ano po bang nangyari?" pag-aalo niya sa akin. "Wala na!! Binasag niya cellphone ko. Napakasama niya." Iyak ko dito at tila nasisinok pa ako. "My memories with Mom, wala na. Hindi ko na makikita pa." dagdag ko dito. "Pasensya na po Mam. Alam ko pong mabait si Don eh." hagod nito sa likod ko. "Nope Ate, Hindi siya mabait, binasag nga niya yung phone ko eh." hagik kong iyak dito. "Shhh, Tama na po. Kain na lang po kayo." pagbabago nito sa usapan namin. "A-Ayoko, Hindi ako k-kakain. huhuhu" muling iyak ko dito. "Hindi naman kita mapipilit eh. Baka importante talaga ang cellphone sa iyo." malungkot na sabi nito. "S-sobra." sagot ko dito. "Sige labas muna ako at sabihin ko lang kay Mayordoma na hindi ka kakain ngayon." paalam nito. Tumango naman ako bilang sagot. Pinahiga niya na lang muna ako bago ito lumabas muli. Nakatulala lang akong umiiyak muli at inaalala ang mga natatandaan kong memories kay Mommy hanggang sa nakatulog na lang ulit ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD