Chapter 4 Calix Side

1786 Words
Calix POV Maaga akong gumising habang hindi pa nagigising si Slyvia. Hindi nga ata ako nakatulog ng maayos kakaisip dahil natulog itong umiiyak kagabi. Hindi naman mawala sa isip ko ang sinabi niya. ------------------------------------------------- Flashback ------------------------------------------------- Tahimik lang akong nagtitipa sa laptop ko ng lumabas ito ng banyo. Kapwa kami nagkatinginan na tila binabantayan namin ang isa't-isa. Pumunta ito sa kabilang side table at kinuha niya ang phone niya. Humiga ito sa gilid ko pero hindi malapit sa akin. Naiilang pa ako nung una dahil hindi ko pa naman siya kilala ng lubusan at hindi ako sanay. Kaya hinayaan ko lang pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang hagikgik at kilig niya. Kaya para malaman ko ang ginagawa niya ay hinablot ko ang cellphone niya. Napatingin naman ako sa cellphone niya. Austin? Iisa lang ang kilala kong Austin na kilala sa larangan ng negosyo. Austin Madrigal. Ang mortal kong kalaban sa ex ko. Pati ba naman sa asawa ko ay kaagaw ko siya. "Who's this?" maang-maangan kong tanong sa kanya. I just wanna confirm kung kaano-ano niya ito. "Hey, ano ba. Akin na yan." agaw niya sa phone niya na pilit ko namang nilalayo sa kanya. Tumingin ulit ako sa phone niya at tinignan kong mabuti ang pangalan. Austin talaga nakikita ko. "Austin? Who's this?" matalim kong tingin sa kanya. "Bakit ba? Ano bang pakielam mo?" pagtataas ng boses nito sa akin. Hindi naman ako nakapagtimpi kaya nagalit na ako. Asawa ako dito tapos harap-harapan pang nakikipaglandian. Mga babae talaga. "I have a concern here and that's what I need to know from you, I said, Who is this?" galit kong sabi. "Boyfriend ko!" sigaw niya sa akin. "F*ck" sabay bato ko sa cellphone niya. I don't care kung basag or hindi na gumana ang cellphone niya. Pag-akin lang, AKIN lang. That's why I agree this Arrange Marriage pero hindi ko naman akalain na si Austin na naman ang magiging kaagaw ko. "Sh*t! Bakit mo ginawa yon!" sigaw niya sabay lapit niya sa cellphone na binato ko. "I hate you!" talim niyang tingin sa akin. "I don't care." sabi ko habang bumalik ako sa pagtipa sa laptop ko. "Tsk." asik niya sabay balik sa kama habang hawak-hawak niya ang cellphone niyang basag. Nakailang paandar pa siya sa cellphone niya at ng alam niyang hindi na mabuksan ay umiiyak itong matulog. Almost past 3 na nga ata ako natapos ng biglang nagsalita ito. "Sorry Mommy, Hindi na kita makikita." iyak nito. Sinilip ko naman siya at tulog ito. Mukhang nanaginip ata. "Mommy, binasag niya phone ko, pano na kita makikita." tila sumbong nito sa panaginip niya. "Huwag mo akong iwan sa kanya Mommy. Masama siya." putol-putol na sabi nito. Nakikinig lang ako sa kanya hanggang sa hindi na nasundan ang sinasabi niya. Kinuha ko naman ang phone niya at tinry ko din itong paganahin kaso black screen na siya. Ganon ba kagrabe ang galit ko kapag naririnig ang pangalang Austin. That bastard man. Tsk. ----------------------------------------------- End of Flashback ----------------------------------------------- Napahawak na lang ako sa sintido tsaka tumayo para umupo sa wheelchair. Yeahh, it is my props para mapabago ang isang spoiled brat. Pero wala pang isang araw kong nakakasama ito kahapon ay puro pabalang nalang ang ginagawa sa akin at kung hindi ko pa titignan ng masama or matalim ay hindi ito susunod sa akin. Literal na spoiled tala ito sa mga Domingo. Nang makalabas ako sa kwarto at nailock ko na ulit ay tumayo na ako. "Manang, Patulong naman ako dito. Padala sa kotse." sabi ko sa Mayordoma na si Marites. "Sige po Sir." sabay tulak nito sa wheelchair. Kung sa pagsusungit ni Manang kay Slyvia ay planado din. Ang pagtawag sa akin na Don ay planado din at si Ate Susan. Siya ang espiya ko kay Slyvia para malaman ko kung anong update sa babae. Mabait naman si Ate Susan kaya sa tingin ko ay magkakapalagayan sila ng loob at hindi nga ako nagkamali dito. Naging mabait nga ang spoiled brat kay Ate Susan pero kay Manang. Grabe kung tumingin ito katulad ng ginagawa niya sa akin. Nakahanda na ang pagkain sa lamesa kaya kumain na rin ako ng agahan dahil maaga ang mga meeting ko sa tatlong company. Nang makatapos akong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko talaga. Nanibago pa talaga ako sa kwarto ko dahil ang pinaghihigaan namin ngayon Guest room lang ng bahay. Kaya siguro ay nanibago pa ako sa kama ko. Mas malambot kasi ang kama ko kaysa sa ginagamit namin Slyvia. Masasabi kong hindi talaga ako kumportable. "Kuya Paul. Tara na!" sabi ko dito. "Sige po , Sir!" masiglang sabi nito bago ako pagbuksan ng pinto ng kotse. Nasa kalagitnaan na kami ng byahe ng tawagan ko si Manang. "Manang, paupdate ako mamaya kung anong gagawin ng babae ha." pagpapaalala ko dito. "Sige po Sir. Tawag po ako or magtext po ako sa inyo." pag-sang-ayon nito. "Sige po Manang. Bye po" paalam ko sa kanya. Nakarating naman kami sa unang company ang Sylvania's Realty. Nagmeeting kami with the investor came from the other countries. Hanggang sa nagustuhan nila ang report ko. Kahit isa ako sa mga big bosses ay nanatili akong mabait sa mga ito lalo na sa mga empleyado ko. Hindi narin bago ang mapang-akit na mata lalo na ang gustong magpabagsak sa akin tulad ni Austin Madrigal. Hindi narin ako nagtaka ng magpainvestigate ako sa mga family background ng employee ko lalo na ang mga investors. Ang Kuya ni Austin na si Adam Madrigal ay asawa ng kapatid ni Slyvia. Si Eunice Domingo. Kilala ko si Adam dahil kaibigan ko ito pero ng umangat ang pamumuhay nila ay nagawa na nila akong kalabanin sa larangan ng negosyo. Hindi naman nila mahigitan ang yaman ko dahil lagi akong Top 1 sa lahat ng bansa pagdating sa Realty at Corp. Mas maraming nagtitiwala sa company ko kaysa sa kanila dahil puro reklamo ang inaabot nito. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit hinayaan ni Mr. Domingo na tuhugin ang pareho niyang anak na babae. Siguro ay napag-isip-isip nito na hindi bagay si Slyvia kay Austin at ako ang pinuntirya nito. Napahawak na lang ako sa sintido ko habang pinag-aaralan ang susunod kong meeting ng biglang tumawag si Manang, "Bakit Manang?" bungad ko dito "Ayaw lumabas ng asawa mo sa kwarto niyo."sumbong ni Manang. "Bakit daw?" tanong ko ulit pero feeling ko sa cellphone ata ito na binasag ko kagabi. "Aba, malay ko. Baka mamaya kapag ako ang kumausap ay hindi magsalita yan." angal ni Manang sa kabilang linya. Natawa naman ako sa kanya. "Naku, si Manang talaga. Sige, utusan mo na lang si Ate Susan." utos ko sa kanya. "Sige, sige, Kayo talagang mga kabataan kayo napakaano niyo sa mga bagay-bagay. Nakokonsensya na ako sa ginagawa ko eh. Hindi naman ako masama, tapos ikaw itong pinasasama ako. Naku ka talaga Calix." reklamo nito. "Sensya na Manang, kailangan lang eh." hinging paumanhin ko dito. "Oh siya at uutusan ko si Susan kung mapapalabas ang asawa mo. " paalam nito. "Sige po, Salamat po." sabay end ko sa tawag namin. Natapos na lang ang isang meeting ko ng hindi pa nag-aupdate sa bahay. "How about this one Mr. Tan? Will the project be good if we use this type of concrete?" suggest ko dito. "Let's see." sagot naman nito. Sabay palipat-lipat nito sa hawak nitong papel. Naaburido naman ako sa ginagawa niya. Halatang mga hindi pa pinaghandaan ang mga tanong at suggestions ko. "Maybe ako na lang ang titingin dito. Give me a hard copy of the materials and kami na lang ng team ang titingin sa warehouse." sabi ko dito. "Noted on that." sabay tinawag nito ang secretary at kumuha ng kopya sa dala-dala nilang files at binigay sa secretary ko and inabot naman nito sa akin. Chineck ko naman ito isa-isa. May mga nakita ako na talagang tinitipid nila sa materials ang project ngayon. "Mr. Tan, We have a big budget for this project, bakit tinitipid niyo?" asik ko dito. "Okay lang naman ang magtipid Mr. Sylvania." ngiting simpatya nito sa mga investor na kasama namin. Kita naman sa iba na tila hindi natuwa ang mga ito. "I don't care Mr. Tan. The purpose in this project is maging safe ang mga tao. Kaya kayo nawawalan ng investor dahil sa kakarampot niyong mga utak na inisip ang pansarili lang, paano naman ang iba na pinipiling mamuhay ng marangal. Tapos kayo nagpapakasasa. I don't need this. I need a new one." itsa ko sa papel na binigay nila. Wala silang masabi sa ginawa ko. Ayoko sa lahat yung problema. Ilang building na ang pinatayo ko na safe at ilang lindol na ang dumaan na hindi man lang masiyadong nagkaroon ng pinsala ang mga pinatayo namin. Lumabas na ako ng conference hall dahil nawalan ako ng gana na makita sila. Sumunod naman ang secretary ko. I better prepare for my next meeting instead. Napatingin naman ako sa phone ko kung sino ang tumatawag. Manang Calling... "Yes Manang, Anong update?"bungad ko ulit dito. "Ayaw kumain ng asawa mo sabi ni Susan." sumbong ulit nito. "Bakit na naman daw?" muling tanong ko. "Yung cellphone daw kasi. Andoon daw yung memory ng Mommy niya. Ayun nag-iiyak kay Susan." "Ganun ba, Sige ako ng bahala Manang. Salamat sa update." paalam ko dito sabay end sa tawag namin. Napatingin naman ako sa Secretary ko. "Secretary Jim, Come here at my office." utos ko dito. Tumango naman ito. "Bakit po Sir." tanong nito pagkapasok. "Aalis lang ako, Kapag may naghanap sa akin lalo na sa meeting. Paadjust nalang ng time, maybe 2 hours to be exact. Pero kapag nakabalik ako ay start na in 20 minutes. Understand?" paalam ko dito. "Alright Sir." sabay naglagay na ng notes sa notebook niya. Sinuot ko na ang coat ko bago ako dumiretso sa lobby. "Ms. Gail, Patawag naman si Kuya Paul sa room ng Driver." suyo ko dito. "Alright Sir." sabay punta sa telephone. Maya-maya pa ay dumating na si Kuya Paul. "Sa Mall tayo Kuya. Alalay ka sa akin ha." bilin ko dito na agad naman tinanguan. Nang makarating kami ay agad naman naghanda si Kuya Paul. Matatalim na ang mata nito mula ng makapasok kami sa Mall. Hindi kasi ako kumportable na lumalabas ng opisina lalo na kapag office hours. Ngayon lang. Hindi ko din maintindihan sa sarili ko. Hindi ko naman kailangan na bilhan siya ng bagong phone. Haysss. Pumunta kami agad sa apple store at bumili ng pinakalatest model na brand ng phone. Nang makabili kami ay hindi nagbago ang mga tinginan ni Kuya Paul sa paligid namin. Nang wala naman kaming masense ay nakabalik naman kami kaagad ng maayos sa office ko hanggang sa magstart na nga ang huli kong meeting ngayong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD