Chapter 5 Unang regalo

2326 Words
Sylvia's POV Nagising na lang ako ng kumakalam na ang sikmura ko. Ichecheck ko sana sa phone ko kung anong oras na. Kaso bigla lang akong nanlumo na maalala ko na wala na nga pala akong cellphone. Nasira na nga pala ito kagabi. "Haysss." buntong-hininga kong malalim habang hawak-hawak ang cellphone kong sira na talaga. Pumunta nalang ako ng banyo. "Susmaryosep." gulat kong sabi sa harap ng salamin. Nagulat pa ako sa sarili ko sa salamin kasi mugtong-mugto na mata ko kakaiyak kagabi pa. Nag daily routine nalang ako at nagpahinga ng konti tsaka ako lumabas ng kwarto. Si Ate Susan agad ang hinanap ko. "Ate Susan?" hanap ko dito. "Anong kailangan mo kay Susan?" bungad sa akin ng Mayordoma. "My Goodness. Nakakagulat naman po kayo. Manang." sabi ko dito dahil bigla bigla na lang itong lumilitaw kung saan-saan. "Anong kailangan mo sa kanya." muling tanong nito at hindi pinansin ang sinabi ko. "Ahhh, wala lang po." malungkot na sabi. Paalis na ako ng biglang nagsalita ito. "Nasa swimming pool si Susan at may pinapatanggal ako sa kanya. Huwag mo na siyang hanapin. Kumain ka nalang dyan. Kanina ka pa hindi lumalabas." seryosong sabi nito bago ako talikuran. "Sige po." sabi ko na lang dito. Aba may good side naman pala ang tanda kahit seryoso at masungit ito. Sumunod na lang ako sa kanya papuntang kusina ng makita ko itong naghahanda ng pagkain. Napatanong na lang ako ng wala sa oras. "Manang, para kanino po iyan?" tanong ko dito habang naglalagay siya ng kanin sa plato. "Para sa iyo."tingin nito sa akin tsaka nagtuloy sa pagsandok ng kanin. Wala naman akong masabi dahil parang umihip ang hangin at tila pinabait nito si Manang. " Dito ka na lang kumain." sabay lapag niya sa lamesa ng platong may kanin. Tinitignan ko lang siyang kumilos. Pinainit nito ang ulam siguro kaninang tanghali. Base kasi kung titingin ako sa labas ay parang 1-2 na ng hapon. Muling nagsandok ito ng ulam. "Umupo ka na diyan at kumain na. Huwag kang magpalipas ng kain." sabi nito. "Salamat po." wala sa sariling sabi ko dito. Ngumiti naman ito for the first time. Napangiti din ako dito. "Oh siya, pupunta lang ako kay Susan para sabihin na nakalabas ka na sa kwarto mo." paalam nito. Tumango naman ako sa kanyang ngumingiti. Patapos na akong kumakain ng dumating si Ate Susan na nagmamadali at dumiretso itong umupo sa tapat ko. "Kamusta ka na?" bungad sa akin ni Ate Susan. "Medyo okay na po ako at eto kumakain na po." ngiti kong turo sa hinanda ni Manang kanina. "Buti naman kung ganon. Kanina ka pa kasi hindi lumalabas." tingin nito sa akin. "Pasensya na Ate Susan kung naging ganun ang pakikitungo ko ngayong araw. Hind ko lang po talaga feel na lumabas lalo na at wala na po akong mapagbabalingan dito sa bahay." paliwanag ko dito. "Dahil parin ba sa cellphone mo?" tanong nito. Tumango naman ako bilang sagot. "Pasensya na rin kung ganun pala ang inaasal ng Don sa iyo. Nakakapanibago lang talaga dahil hindi naman siya ganun." paliwanag at hinging paumanhin nito sa akin. "Okay lang Ate Susan. Wala naman akong magagawa kung ganun ang iasal sa akin ng Don niyo. Bago lang naman ako dito." Sabi ko dito. "Oh siya. Ako na humihingi ng pasensya Mam Slyvia. Ako muna ay paroroon sa Swimming pool dahil hindi pa tapos ag trabaho ko dun, Sumaglit lang talaga ako dito para makita ka kung okay ka na ngayon." sabi nito hawak tinatapik niya ang balikat ko. Tumayo na ito at umalis na sa harapan ko. Nagpatuloy naman ako sa pagkain ko. Nang makatapos ako ay nagkusa na rin akong maghugas ng plato. Dumating naman si Manang Marites at lumapit ito sa akin. " Maghanda ka mamaya at tayo ay magluluto ng Sinampalukang Manok para sa hapunan mamaya." paliwanag nito. "Sige po" sagot ko dito. "Ipapatawag nalang kita kay Susan para makapaghanda ka." dagdag nito. "Sige po." muling sagot ko dito. Bumalik naman ako sa kwarto naming mag-asawa at naligo nalang kaysa bantayan ang cellphone kong sira. Sabi ko nga wala naman na akong magagawa at nasa poder ako ng asawa ko. Namimiss ko na si Ate Eunice. Sana lang ay mahanap niya ako. Hirap pa naman pakiusapan si Kuya Adam. Ang kapatid ni Austin. Magkaibang-magkaiba sila ng pag-uugali. Napakasama ni Kuya Adam samantalang ang lalabs ko na si Austin ay hindi. Napakasweet nito sa akin. Simula ng maging kaming dalawa. Haysss. Namimiss ko tuloy siya. Nangako pa naman ako dito na magkikita kami. Nagpatuloy nalang ako sa pagligo. Nang makatapos ako ay dumiretso ako sa Swimming pool at andun padin si Ate Susan na kasalukuyang naglalagay ng puting bagay sa tubig. "Hi Ate Susan." bati ko dito. "Ay, ikaw pala Mam Slyvia. Bakit po kayo naparito?" tanong nito sa akin. "Wala lang po. Gusto ko lang magpahangin." ngiti kong sabi dito. "Ganun po ba. Sige po at ituloy ko lang ito." paalam nito sabay balik sa ginagawa niya kanina. Naupo naman ako sa mga bench na nakapwesto sa tapat ng swimming pool. Pinakikiramdaman ang hangin. Ngayon lang talaga ulit ako nakalanghap ng sariwang hangin matapos ng ilang araw kong pagtatambay sa bar. Nakakamiss din magbar. Kailan kaya ulit ako makakaulit. Nang magsawa ako kakatingin sa ginagawa niya ay nagpaalam na ako kay Ate Susan at bumalik na ako sa kwarto at nagtingin tingin sa loob nito. May iilang babasahin na nakalagay sa isang mini book shelf dito sa loob at yun na lang ang pinagbalingan ko sa mga lumipas na oras. "Mam Slyvia? Andyan po ba kayo sa loob?" katok ni Ate Susan sa pinto. "Opo Ate. Pasok ka po." sagot ko dito. "Mam Slyvia, pinatatawag na po kayo ng Mayordoma. Maghahain na po ng hapunan." paliwanag nito. "Sige po, ilagay ko lang itong libro dito." sabi ko dito habang binabalik yung libro sa bookshelf. Pareho naman kaming pumunta ng kusina at nakita kong naghuhugas ng manok si Manang. "Susan, ibigay mo sa kanya ang rekado. Ipahiwa mo na sa kanya." biglang sabi nito kay Susan. "Sige po." pag-sang-ayon nito sabay pumunta sa drawer at may mga kinuha doon. "Maghugas po muna kayo ng kamay at gamitin niyo po itong apron." abot nito sa akin. Kinuha ko naman ang apron at sinuot sa akin tsaka ako naghugas ng kamay. Lumapit naman na ako kay Ate Susan. "Ito po, pakigayat po nito." abot nito sa akin ng sibuyas. "Gayat?? Ano po iyon?" takang tanong ko dito. "Ahh, balatan po iyon. Ito po ang kutsilyo para mas madali niyo pong magayat este mabalatan ang sibuyas." paliwanag nito. Natatawa naman ako sa sarili ko dahil wala talaga akong kaalam-alam pagdating sa kusina. Ang alam ko lang ay kumain. Kinuha ko naman ang kutsilyo at ginaya ko ang ginagawa niya hanggang sa mahiwa ako. "Ouch." sabay padugo ko sa daliri kong nahiwa. "Naku Mam Slyvia, bakit niyo nahiwa ang daliri niyo. Tsk. Tsk." pag-aasikaso naman ni Ate Susan. "Naku po, Ano ba yan. Kami na nga lang ang magluluto at wala kaming mapapala sa iyo. Hays." asik naman nung matanda habang kinuha ang mga binalatan kong sibuyas at bawang. "Sorry Ate Susan." maiyak-iyak kong sabi. "Naku, wala iyon. Umupo ka na lang muna dito at gagamutin ko lang yan." sabi nito sa akin. "Sorry talaga." sabi ko dito at napatango na nailing na lang ito sa nangyari bago ito umalis. "Dumito ka muna at panuorin mo nalang kami habang nagluluto. Okay?" paalala nito habang nilalagyan ng band-aid ang daliri ko. Tumango naman ako dito na parang bata. "Kita mo, dalawa pa yung nahiwa mo sa daliri mo. Ikaw talaga. Tsk" sabi nito sa akin. "Sorry talaga Ate Susan." naiiyak kong sabi dito. Naalala ko tuloy sa kanya si Mommy. Gantong-ganto magalit yun kapag nasusugatan ako. "Tumahan ka na at manood ka nalang sa amin. Wala naman lalabas na kalabaw dyan." ngiting sabi nito sa akin. Natawa naman ako sa sinabi niya. Sumunod naman ako sa kanya at tinuro nito sa akin pano ang magbalat at maggayak ng mga rekado. Pagkatapos niyang maghiwa ay binigay niya ito kay Manang. " Oh, ganto Iha ang magluto ng Sinampalukang Manok, hindi yung sinasama mo yung daliri mo sa putahe. Tsk. Tsk." sabi ni Manang. "Sorry po." hinging paumanhin ko dito. "Oh siya, siya. Basta ang mahalaga ay walang kasamang tao dito sa niluluto natin. Hayss." dagdag nito. Tinuro naman niya sa akin ang magluto hanggang sa kumukulo na ito. Tinitignan ko lang siya at inaalala ang mga ginagawa niya. "Oh, tikman mo. Maasim na yan." bigay nito sa akin sa kutsara na pinaghigupan niya. Nung una ay hindi ko pa kinukuha kasi 'hello' pinaghigupan niya yun. Nakakadiri lang pero no choice naman ako. Kaya kinuha ko na. "Huwag kang mag-alala at wala namang lason yan." angal nito. "Hehe." kamot ko sa ulo ko. Hinigop ko naman yung natitirang sabaw sa kutsara. "Sarap po." tingin ko dito na nagingiti. Ngayon lang din ako nakatikim ng lutong bahay. Sa bahay kasi puro processed food at prito. Dito hindi. Ibang-iba talaga. "Oh siya, magpahinga ka na sa kwarto niyo at bukas ng umaga ay tulungan mo ulit kami dito. Tatawagin ka nalang ulit namin para sa hapunan." sabi ni Manang. Hinatid nalang ako nito hanggang kwarto kesyo daw baka madapa ako at magkalas-kalas ang katawan ko. Mahirap naman daw kung aabutan ako ng asawa ko na hindi kumpleto. Napailing nalang ako ng wala sa oras sa mga sinasabi nito. Isang oras pa ang lumipas ay nakarinig ako ng sasakyan sa labas kaya agad akong nag-ayos at lumabas sa sala. Naabutan ko ng tinutulak si Calix sa wheel chair. "Magandang hapon." bungad ko dito. Wala naman akong narinig sa kanya kaya lumapit ako sa kanila. "Ako na po dito." punta ko sa likod ni Calix at ako na nga ang nagtutulak dito. Hinayaan lang nito akong itulak siya papuntang kwarto namin. Iniwan naman ni Kuya Paul ang suitcase nito sa upuan. Inalalayan ko naman ito paakyat ng kama. Humiga ito at mariing pinikit ang mga mata. Minasdan ko lang siya pero alam kong hindi pa siya tulog. Pumunta naman ako sa kabilang side para umupo lang at tignan siya. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya sa malapitan. Naamoy ko din ang gamit niyang pabango at mukhang hindi man lang pinagpawisan sa trabaho nito. Mga pilik-mata niyang mahaba na nagpaganda sa mga mata niya tuwing nakadilat siya. Ang firm niyang kilay na bumagay sa mukha. Ang ilong niyang matangos at ang kutis nitong napakaputi pero natagalan ako sa labi niyang mamula-mula. Napakagat naman ako ng labi. 'Shemmsss, Via, what happen to you. May Austin ka. Pero asawa ko naman itong si Calix' napailing na lang ako sa naisip ko. Kapwa tahimik kaming pareho. Hindi ko alam kung sino magsasalita sa aming dalawa. "Ahhmm, kamusta ang araw mo?" basag ko sa katahimikan naming dalawa. Napatingin naman ito sa akin pero hindi sinagot ang tanong ko bagkus ay inutusan lang ako. "Gusto ko ng kumain. Ipahanda mo na kila Manang ang hapunan para makapagpahinga na din ako." tingin nito sa akin. "S-sige. Labas lang ako." sabay tayo ko habang nakahawak sa dibdib ko. Kumabog kasi yung dibdib ko. Kulay abo ang mga mata niya. Tila na hypnotize ata ako sa mata niya. 'Kalma lang self. Si Calix lang yan.' paypay ko sa sarili ko ng makalabas ako sa kwarto namin. Nagmadali na akong pumunta sa kusina para bilinan sila Manang. Kumilos naman ang mga ito tsaka ako bumalik sa kwarto. "Ahmm, Calix, pinahanda ko na kila Manang yung hapunan natin." "Sige." upo nito. Inalalayan ko naman siya papuntang wheel chair niya. Nang alam kong maayos na siyang nakaupo ay tinulak ko na ito palabas ng kwarto namin hanggang sa dining. Tahimik na kaming kumakain ng bigla itong nagsalita. "What happen to your hands?" turo nito. "Ahhh, Ito ba. Nasugatan lang ako kanina nung naghihiwa ako." paliwanag ko dito. "Ahh, Mag-ingat ka na lang sa susunod." sabi nito. Tahimik lang akong tumango dito. Kahit papaano ay matagal itong kumain ngayon kaya nabusog din ako. Pagkatapos namin ay bumalik kami sa kwarto. "Sa Cr mo ko dalhin. Maliligo lang ako." sabi nito. "Sige." sagot ko dito at sa cr ko na nga siya dinala. Nilock niya ang pinto at hindi siya nagpaassist, ayoko rin naman mag-assist sa kanya at mamaya kung ano pa makita ko. Tinawag na lang ako nito ng matapos siya. Medyo nahirapan siguro na makalabas dahil hindi naman pantay ang sahig ng kwarto sa banyo. Mababa kasi ang sahig ng banyo kaysa sa kwarto. Inalalayan ko na siya pabalik ng kama. Kasalukuyang nagpupunas na ito ng buhok ng ako naman ang pumunta sa banyo para maghalf bath. Pagkalabas ko ng banyo ay nakatapat na ito sa laptop na naman. "Akala ko ba magpapahinga ka na?" tanong ko dito. "Don't mind me. Ikaw na lang ang magpahinga." sabi nito habang nakapangalumbaba siya at seryosong nakatingin ulit sa laptop nito. Hindi naman ako nagsalita na at nagpatuyo na lang ako ng buhok. Napatingin naman ako sa kanya at hindi ko alam kung magpapaalam ba ako sa kanya. "What?" tingin nito sa akin. "Ahhmm, papaalam lang ako na kukuha ng tubig. Hindi kasi ako sanay na walang tubig sa kwarto." paalam ko dito. "Okay." sagot nito. Kaya agad akong lumabas ng kwarto para kumuha ng tubig. Bumalik narin naman ako kaagad at ganun parin ang ginagawa niya. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay humiga na ako at tinignan lang siya sa ginagawa niya. Hinayaan niya lang akong tumingin hanggang sa nakatulog na ako. Nagising nalang ako na may maliit na kahon sa gilid ko. Napabalikwas naman ako dahil parang alam ko na ito. Agad akong lumabas ng kwarto para hanapin siya. Kaso hindi ko siya makita. Gusto ko sanang magpasalamat dahil binili niya ako ng bagong cellphone. Pagbukas ko ng box ay bumungad agad ang maliit na card nito at binasa ko ang laman. 'I'm sorry for what happened last last night. Please accept my gift for you.' -Calix
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD