Sylvia's POV
Kasalukuyan kong chinecheck ang phone ko ng biglang sumagi sa isip ko ang nabasa kong card kanina.
'I'm sorry for what happened last last night. Please accept my gift for you.'
-Calix
Nangiti naman ako bigla. Bakit napakaano niya. Kapag kaharap ko napakasungit pero kapag may nagawang mali, sobra-sobra naman. Haay naku, ewan ko nalang ba mamaya.
Chineck ko yung camera ng bigla kong mapansin may unang nagpicture na sa cellphone na ito.
Pagkapindot ko ay mukha niya ang nakita ko. Nakanguso ito at yung isa ay nakafingerheart post. Nang marealized ko ang nakikita ko ay napahalakhak naman ako ng tawa.
Ang isang tulad niya ay makakapagganto sa cellphone. Napapailing nalang talaga ako at nagpicture na lang. Sinama ko naman sila Manang at Ate Susan para may remembrance ako sa kanila.
"Aba, mukhang may bagong cellphone ka na ah?" tuwang sabi ni Ate Susan.
"Opo, bigay po ni Calix kanina." ngiti kong sabi dito.
"Aba, mukhang may pagkakalibangan ka na dito at hindi yung nagmumukmok ka sa kwarto niyong mag-asawa." sabi naman ni Manang.
"Oo nga po eh, feel ko po tuloy magluto ng maingat ngayon." masaya kong sabi dito.
"Pasasalamat ba?" tanong nito ulit.
Tumango naman ako habang tinitignan ang picture ni Calix.
Lumipas ang mga oras na nakocontact ko na sila Ate Eunice.
"Ate Eunice, punta ka dito bukas ha." sabi ko dito.
"Sige, papahatid na lang ako dyan." sabi nito.
"Sige te, kaso ang mahirap, baka mamaya ay hindi ka makapasok. Ipapasundo na lang kita sa ibang driver niya." sabi ko dito.
"Sige ganun na nga lang." sabi nito.
"Sige te. Babye na!" paalam ko dito.
"Bye. Ingat always." sabi nito bago ibaba ang tawag.
Nahiga naman ako habang nasa dibdib ko ang cellphone na binili ni Calix sa akin. Ang saya lang sa feeling kasi hindi niya ako natiis.
Gusto ko talaga siyang lutuan ngayon. Ano kaya pwede kong lutuin.
Bumangon na ako sa pagkakahiga dahil wala rin akong maisip ngayon kaya pupunta na lang akong kusina.
"Manang, Ano po ang iluluto niyo ngayong hapunan?" tanong ko.
"Balak ko sana mag-adobo kaso may gulay pa tayo dyan kaya baka mag nilaga ako." paliwanag nito.
"Sige po ako na lang po magluluto." sabi ko dito.
Muling tinuruan ako ni Ate Susan at Manang.
"Okay na ito. Iinit na lang mamaya. Sasabihin ko na lang kay Don na ikaw ang nagluto nito." ngiting sabi ni Manang.
"Sige na, bumalik ka na sa kwarto niyo at ipapatawag na lang kita kay Susan kapag dumating na ang Don at kapag ihahain na ang pagkain." dagdag niya.
"Sige po. Salamat po. " paalam ko dito.
Pumunta muna ako ng Garden hanggang sa nagring ang cellphone ko.
"Hello?" takang tanong ko.
"Babe, si Austin ito. Bakit ngayon ka lang sumagot sa tawag ko?" bakas sa boses nito ang pag-aalala.
"Ahmm, A-Aus, B-Babe, pasensya na, nawala kasi yung phone ko kaya bumili ako ng bago. Pero huwag kang mag-alala, okay naman ako." pilit kong ninonormal ang boses ko.
"Babe, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" takang tanong nito.
"Ha? Wala naman. Okay lang ako. Huwag kang mag-alala. Tawagan na lang kita or Itext kapag magkikita tayo. Sige na Babe. Bye." "Bab-" patay ko sa tawag.
Napahawak naman ako sa cellphone kong nakatapat ngayon sa didbdib ko. Bakit ganto ang t***k ng puso ko. Bakit pakiramdam ko ayoko siyang makausap. Hayssss.
Nagdecide na akong bumalik na lang sa kwarto namin hanggang sa nakatulog ako.
Nagising na lang ako sa mga katok.
"Mam Via. Gising na po, Si Don ay nasa hapag na. Pumunta na lang po kayo." Katok ni Ate Susan.
'Hala, bakit hindi ko narinig ang pagdating niya. Tsk' agad kong sabunot sa ulo ko.
"Sige po, susunod na po ako Ate Susan." sagot ko dito.
Tumayo na ako sa pagkakahiga ko at naghilamos muna bago ako humarap sa hapag kainan. Baka kung ano pa masabi ni Calix sa akin. Dapat presentable ako.
Pagkatapos ko ay pumunta na ako. Nakita ko siyang nakaupo padin sa wheel chair niya.
'Hindi pa siya kumakain?' takang tanong ko sa sarili.
"Magandang gabi." ngiti ko dito pero hindi man lang niya ako ningitian. Haysss. napakacold na naman.
Umupo naman ako malapit sa kanya. Kumbaga siya nakaupo sa pinakaunahan at ako umupo sa unang kanan na upuan.
"Bakit hindi ka pa kumakain?" tanong ko dito.
"Do you think I'm eating alone?" tingin nito sa akin.
"Ahhh, sabi ko nga sasabay ako." ngiwi kong ngiti dito.
Nagsimula na itong kumuha ng pagkain niya at ganun din ako. Nang matikman nito ang niluto kong ulam ay tumingin ito kay manang samantalang ako ay nakatingin lang sa kanilang dalawa.
"Sino ang nagluto ng ulam Manang?"tingin nito sa Mayordoma.
"Ahhm, Si Madam po ang nagluto ngayong gabi." paliwanag ni Manang.
"Next time, don't allow her in the kitchen. Tsk. I'm done eating." tila walang gana nitong sabi.
Tinikman ko naman ang luto ko. Ganun parin naman ang lasa.
"Bakit? pangit ba lasa? Okay naman ah, masarap naman." pilit kong siglang sabi.
"It's disgusting." tingin nito sa akin.
"H-hindi naman ah. Kung ayaw mong kumain, Ako na lang." subo ko sa pagkain.
"I want to leave here." sabi nito.
Hindi ko siya sinunod. Kumain lang ako hanggang sa pinukpok niya ang mesa.
"I SAID, I WANT TO LEAVE HERE!" sigaw niya.
"Then leave!" tingin ko dito.
"Are you serious?" tingin nito sa akin sabay tingin niya sa akin.
"Hmpp, FINE!" hampas ko din sa mesa.
Kahit labag sa loob ko. Tinulak ko siya pabalik sa kwarto kahit puno pa ang bibig ko.
"Ang sarap, sarap ng luto ko tapos hindi man lang kakainin. Tsk." sinaltak ko.
Nakita ko naman na napasapo ito ng ulo.
"Ang arte-arte kasi, Kung nawawalan ng panlasa, pwede naman lagyan ng asin. Hmp." muling angal ko.
"Can you make just shut up!" tingin nito sa kin.
Sinamaan ko lang ito ng tingin. Nang maipasok ko na siya sa kwarto namin ay inihagis ko ang cellphone niyang bigay at inayos ko lang siya na idantay sa kama tsaka ko siya nilayasan.
"Where you going?" tingin nito sa akin.
"Kakain malamang, Maarte kasi yung isa dyan!" sabay bagsak ko sa pinto para sumara.
Bumalik ako sa hapag-kainan, buti na lang hindi pa nililigpit nila Manang at Ate Susan.
Masama ang loob kong sinusubo ang unang luto kong ulam.
'Kainis.' naluluha kong sabi.
"Okay ka lang ba Madam?" sabi ni Manang.
Tumingin naman ako dito tsaka ningitian siya.
"Manang, sabay na kayo sa akin. Huwag na po kayong mahiya, Ganun ka din Ate Susan. Hayaan niyo yung bakulaw niyong Amo na hindi makaappreciate ng luto ng iba." punas ko sa luha ko.
Tumango naman ang mga ito. Agad din silang kumuha ng plato para sabayan akong kumain. Nagkwentuhan lang kami ng mga nakakatawang bagay para makalimutan ko ang problema ko.
"Kwela ka palang bata ka. " sabi ni Manang.
"Hindi lang kwela Manang, mabait din ako. Hindi lang nila maappreciate lahat ng ginagawa ko." muling lungkot kong sabi.
"Bakit naman Mam Via?" tanong ni Ate Susan.
"Haysss, Attention Seeker kasi ako kaya ang tingin sa akin ng iba ay Black sheep of the family." paliwanag ko sa mga ito. "Sakit kasi ako sa ulo ni Ate at Kuya. " pilit kong ngiti.
"Parang hindi naman Mam Via." sabi ni Ate Susan.
"Hindi talaga Ate Susan, sila lang itong OA." ngiti ko dito sabay subo sa huling pagkain ko. " Tapos na ako." habol ko.
"Kami din, iligpit na natin ito." sabi ni Manang.
Niligpit na namin ang pinagkainan namin.
"Ate Susan, Diba masarap naman luto ko
"Oo naman." ngiti nito.
"Eh bakit hindi niya nagustuhan ang niluto ko?" tanong ko dito.
"Baka wala lang talaga sa mood si Don, minsan kasi ay hindi din kasi ito kumakain kaya kami nalang ang nag-uubos ng pagkain sa hapunan." paliwanag nito.
"Bakit hindi mo siya tanungin kung anong problema niya ngayon? Baka sakaling magsabi siya sa iyo." huwestiyon ni Manang habang bitbit ang mga pinagkainan namin.
"Naku Manang, baka pagalitan lang ako nun lalo na at hindi naman kumain ang bakulaw." sabi ko dito.
"Subukan mo lang po madam, wala naman sigurong mawawala." ngiti ni Ate Susan.
"Sige po Ate Susan, susubukan ko po. Pagkatapos natin dito." ngiti kong sabi sa kanila.
Kaya tinulungan ko na silang magligpit ng pinagkainan namin ngayong hapunan kahit yung isa ay hindi kumain ng maayos.