Sylvia's POV
Tanghali na ako nagising matapos kong hindi pansinin si Calix kagabi.
Naiinis ako sa kanya dahil hindi man lang niya naappreciate ang luto ko kagabi.
Bahala siya dyan.
Hindi ko din naman sinunod ang sinabi nila Manang at Ate Susan kagabi. Pagkapasok ko ng kwarto ay natulog lang ako at ito tanghali na nga nagising.
Lumabas ako ng kwarto namin na as usual ay hindi ko na siya naabutan pa at nakabusangot ako. Ewan ko ba sa sarili ko hindi ko magets ang nararamdaman ko.
"Bakit mukhang nakabusangot ka Madam?" daan ni Manang sa harap ko.
Tinignan ko naman ito na agad kong kinalungkot.
"dahil ba sa nangyari kagabi?" dagdag na tanong nito.
Tumango naman ako bilang sagot pero laking gulat ko ng bigla itong nangiti.
"Kayo talagang mga bata. Hays." nangingiting sabi nito bago ito umalis.
Clueless naman ako dahil hindi ko nagets ang sinabi ni Manang kaya napatanong na ako dito.
"Bakit po kayo nakangiti Manang? May nangyari po ba kagabi na hindi ko alam??" patayo kong tanong sabay habol ko sa kanya.
Nahinto naman ito tsaka humarap sa akin.
"Wala hong nangyari kagabi, Iha. Di bale ay kumain ka na doon at tanghali na. Magpatulong ka kay Susan na maghanda ng kakainin mo tutal nasa kusina naman siya ngayon." pagtutulak nito sa akin para pumunta sa kusina.
Kakamot-kamot na lang ako ng ulong sumunod sa kanya.
Nag-uusap kami ni Ate Susan ng biglang tumunog ang phone ko. Pagcheck ko, si Austin lang pala. Lumabas muna ako ng bahay para sagutin lang ang tawag niya.
Ayoko kasing malaman nila Manang at Ate Susan na may boyfriend ako at nakipagkasal ako sa amo nila.
Alanganin pa akong sumagot.
"H-hello?" nauutal kong sabi dito.
"Babe? I miss you na. Nasaan ka ba ha? I need to see you." bungad nito pero bakas sa boses niya ang pag-aalala.
"Ahmm, B-babe, I'm on vacation kasi. Pasensya na hindi ako nakakatawag. I'm sorry." malungkot kong sabi dito.
"But I ask Ate Eunice na wala ka na sa bahay ninyo. Nasaan ka ba at susunduin na kita." pag-aalala nito.
"Naku, huwag mo na akong susunduin, pauwi naman na ako. Give me time lang. Please." pagmamakaawa ko dito.
"Fine, kapag pauwi ka na sabihan mo ako kaagad para masundo kita agad." pag-papaalala nito.
"Y-yeah. I will call you. Bye." paalam ko dito.
Magsasalita na sana ulit ito pero nababaan ko na siya ng tawag. Agad akong huminga ng malalim bago bumalik sa dining kung saan nakahanda na ang breakfast ko kahit tanghali na ako gumising.
"Oh Iha, kain ka na." sabi ni Manang.
Nagsmile naman ako sa kanya bago sila inalok pero kumain na daw sila kaya ako na lang kakain mag-isa.
"Iha, mamaya ay magluluto ako ng adobong baboy. Tutulong ka bang maghanda?" tanong nito.
Nag-isip naman ako.
"Huwag na lang po baka masaktan lang po ako tulad kagabi. Kayo na lang po. Magpapahinga na lang po ako sa kwarto namin." tutol ko dito.
"Kung ganun, sige. Ipapatawag na lang kita mamaya kay Susan para sa hapunan." ngiti nito.
"Sige po. Salamat." ngiti ko din dito.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kwarto namin para maligo. Nang makaligo na ako ay agad narin akong bumalik sa kama para sana matulog kaso tumunog ang cellphone ko.
Ate Eunice calling .....
"Oh, Ate napatawag ka?" agad kong bungad dahil hindi pa naman kami magkikita.
"Ahmmm, Si Austin kasi Via." bakas sa boses niya ang panginginig
"Bakit, anong nangyari? sinaktan ka ba niya?" alala kong tanong sa kanya.
" Andito kasi si Austin, pinipilit kasi akong magsabi kung nasaan ka."
"Ate, huwag kang magsasalita, Please, alam mo naman na nasa bakasyon lang ako." pagsisinungaling ko sa kanya dahil kilala ko si Austin na nakikinig sa usapan namin.
"Kaya nga eh, Ayaw kasi niyang maniwala na nasa bakasyon ka lang dahil ayaw ka ngang makita ni daddy lalo na ng mga investors." bakas parin sa boses niya ang pangangatal.
"Si Austin talaga, kahit kailan, tsk. Ayaw pang maniwala. Hindi naman ako nagloloko sa kanya. Hayss. Pasabi na lang na nasa Palawan lang ako para hindi na mag-alala." pagsisinungaling ko.
"Ahhmm, S-sige, sabihin ko na lang. Bye." paalam nito.
"Sige Ate Eunice, mag-iingat ka. Bye." paalam ko din dito pero sa totoo ang kabado din ako.
Hindi ako mapakali ng si Austin naman ang tumawag sa akin.
"Ahmm, Hello Babe, B-bakit napatawag ka?" bungad ko dito.
"Totoo bang nasa Palawan ka? Anong ginagawa mo diyan? Bakit hindi ka nagpaalam sa akin? Alam mo bang mag 2 weeks na kitang hindi nakikita. Bakit hindi mo sinabi agad?" bakas sa boses niya ang galit pero mahinahon parin siyang nagsasalita.
"Ahhm, Oo nasa Palawan ako tsaka Sorry na Babe, nadelay lang kasi ang alis ko sa Palawan. Sorry na. Please!" kagat-labi kong pagsisinungaling.
" Sige, apology accepted pero sana sinabi mo kaagad sa akin para hindi ako nag-alala agad." mahinahon na niyang sabi sa akin.
"Sorry na B-babe. It won't happen again. I promise. SIge na Bye na, medyo mahina kasi ang signal kaya hindi rin kita matawagn at macontact. Bye na." pagpuputol ko sa usapan namin.
"Sige, Bye, ingat ka dyan. Hindi naman kita mapupuntahan diyan dahil busy ako sa business. Imessage mo na lang ako kapag pabalik ka na sa Manila para masundo kit. Ingat Bye." pagpapalam nito.
"Sige Bye." pagpapatay ko sa tawag namin.
Agad naman akong nadismaya sa sarili ko dahil nadamay pa si Ate Eunice sa pagitan namin ni Austin.
'Kainis' sabunot ko sa sarili ko.
"Ay butiki!" pitlag ko ng may magsalita sa likod ko.
Pagtingin ko si Calix.
"Ahmm, Andito ka na pala, bakit parang ang aga mo naman ata?" balisa kong tanong.
"Sino kausap mo?" paniningkit na tanong nito sa akin.
"Ahhmm, kaibigan ko lang, nangangamusta?" hawak ko sa batok ko na parang ginigisa ako sa sarili kong mantika.
"Kaibigan? or Ka-ibigan? Choose wisely." madilim na tingin nito sa akin.
"Oo nga, kaibigan kasi iyon. Nangangamusta lang siya sa akin." mapait na ngiti ko sa kanya.
"Siguraduhin mo lang dahil kapag nalaman ko na si Austin yan. Malalagot ka sa akin!" banta nito sa akin.
Instead na sumagot ako sa kanya ay napalunok na lang ako at lumapit sa kanya.
"Ahmm, kamusta ang trabaho mo? Ayos lang ba?" tanong ko dito.
"What do you think? Do you think that business is a game? tsk. What a kind of question." masamang tingin nito sa akin.
"Ahmm, ganun ba. Di bale, Ano, kakain ka na ba or magpapahinga na muna?" tanong ko dito.
Hindi naman siya sumagot so ang ibig sabihin lang nito ay magpapahinga muna siya bago kumain kaya agad akong kumilos para iangat siya sa higaan namin.
Pagkaangat ko sa kanya ay agad ko naman tinanggal ang sapatos niya. Kahit ganto siya ay hindi ko man lang naamuyan na amoy pawis siya maging ang medyas na gamit niya.
Magpapakaasawa muna ako dahil hindi ko naman naramdaman na nandito na siya sa kwarto kanina habang kausap ko si Austin.
Matapos kong tanggalin ang sapatos niya ay pumunta muna ako sa closet namin para kuhanan siya ng damit at ng makapagpalit na siya. pagkatapos kong makuha ay lumabas muna ako dahil hindi naman niya ako inaallow na ako pa magbihis sa kanya.
Nagpalipas lang muna ako ng minuto at piniling pumunta sa kusina para alamin kung nakapagluto na sila Manang.
"Hi, Manang, nakaluto na po ba kayo?" bungad ko.
"Yes Madam, tapos na po. Tsaka mukhang maaga po ang Don umuwi. May nangyari kaya?" pag-aalalang sabi ni Manang.
"Ahmm, mukha nga po dahil ang sungit parin niya sa akin kahit nagtatampo ako sa kanya. Gusto ko man pong wag siyang pansinin pero asawa ko kasi eh. Actually, wala naman na po akong pupuntahan kapag pinalayas niya ako. Haysss" malungkot kong sabi kay Manang.
"Di bale, baka pagod lang siya, pero kung palayasin ka man ng Don, huwag kang mahihiyang humingi ng tulong sa akin at meron naman akong kilala." ngiti nito sa akin.
"Sige po Manang, balik po muna ako sa kwarto para sabihin na tapos na po kayong makapagluto ng hapunan, tsaka para makakain na rin po siya ng maaga at maagang magpahinga." ngiti ko dito.
"Sige Madam."
Bumalik naman na ako sa kwarto namin ng mapansin ko ang hagdanan papuntang 2nd floor. Pagnagkaroon talaga ako ng time. Aakyatin ko talaga ito.
Pagbukas ko ng kwarto ay nakita ko kaagad siyang nakatulog na. Nakita ko naman ang cellphone kong malapit sa kanya. Hindi ko naman ito pinansin at agad na lang din humiga dahil parang nadala din ako ng antok ko.
Hindi ko namalayan ng biglang tumunog ang phone ko para sa alarm clock. Agad akong napabangon ng makita ko ang mukha ni Calix.
"Can you turn off your phone. It's noisy." inis na baling nito sa kabila.
's**t' oo nga pala andito siya.
"Ahmm, sorry, alarm ko kasi yan kapag parating ka na. nakalimutan ko kasi tanggalin kanina dahil andito ka na nga pala." paliwanag ko.
"I don't need your explanation. Tsk" inis na sabi nito.
Napasinghap naman ako sa sinabi niya. Aba ha, nag-init bigla dugo ko sa kanya kaya ang ginawa ko ay umalis sa harap niya. Tinanong niya pa ako kung saan ako pupunta, hindi ko nga siya sinagot. Bahala siya. Nagpapakumbaba na nga ako dahil nahuli na niya ako kanina pero this time. Bahala talaga siya.
Pumunta ako sa kusina at kumuha ng pagkain para mauna ng kumain. Nagtataka man sila Manang at Ate Susan ay hindi na nila ako tinanong pa. Pagkatapos kong kumain ay naghalf bath lang ako at tinulugan siya kahit nanghihingi siya ng tulong sa akin.
Basta ang word of the day ko ngayon 'bahala siya'