"Nauuhaw ako." Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa at mabilis na kinuha ang baso na may lamang tubig sa mesa na nasa tabi ni Rain at iniabot iyon sa lalaki. "Straw…" Inilinga niya ang tingin sa paligid para hanapin ang straw. Mabuti na lang at agad niya iyong nakita sa tabi lang din ng baso. Mataman niyang tiningnan si Rain na uminom ng tubig subalit maya-maya lang ay napangiwi ito at napailing. "Gusto ko ng malamig," masungit nitong sambit at padaskol na inabot sa kanya ang baso. "S—sorry po," aniya bago nagpunta sa dispenser para kumuha ng malamig na tubig. Mabilis siyang naglakad pabalik sa kinahihigaan ni Rain kahit na paika-ika siya dahil sa sugat niya sa paa. Tinanggap nitong muli ang baso at sumipsip doon pero hindi rin nagtagal ay nakasimangot nitong ibinalik ang ba

