Halos humiwalay ang kanyang kaluluwa sa katawan niya nang magkasama silang bumulusok pababa sa talon. Hindi siya sigurado kung mabubuhay pa ba siya sa pagkakataong iyon. Hindi siya marunong lumangoy kaya malamang malulunod siya. Pero paano na si Rain? Ano ang mangyayari sa lalaki ngayong tumalon sila sa napakataas na talon? Ilang sandali pa ay tuluyan na silang nilamon ng tubig. Sobrang lamig. Pagkasayad ng kanyang balat sa tubig ay animo inilunod siya sa isang baldeng yelo dahil sa lamig. Siguro dahil sa nakapalibot na malalaking puno kaya't sobrang lamig ng temperatura. Sinubukan niyang kumampay pataas subalit hinila siya ni Rain pailalim. Nais man niyang magpumiglas, sinunod niya ang lalaki para hindi na ito maperwisyo sa kanya. Mahigpit ang kapit ni Rain sa kanya habang may itinatali

