Agad na nilapitan ni Nahara si Rain. Saka lang niya napagtantong pawis na pawis ang noo nito at inaapoy pa ng lagnat ang lalaki. Pinunasan niya ang noo nito gamit ang kanyang kamay bago luminga sa paligid subalit halos wala na siyang makita dahil sa sobrang dilim. Tanging ang liwanag na nagmumula sa apoy na lang ang makikita sa buong gubat. Napatingin siya kay Rain na may mga katagang ibinubulong subalit hindi naman niya maintindihan kung ano. Hinaplos niya ang pisngi nito. Kahit sa sitwasyon nila ngayon, hindi niya maiwasang humanga sa taglay nitong kagwapuhan. Partida, ang dungis na nilang dalawa. Siya siguro mukhang aswang na pero ito, animo mukhang artista parin. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. "Sana lang makalabas na tayo dito ng ligtas… O kahit ikaw na lang. M

