Hinayaan ko lang ang hubad kong katawan na nakababad sa malanig na tubig sa bathtub. Nilagyan na rin siguro ni Dark Lee ng liquid soap ang tubig kaya bumango na ang paligid. Relax na relax ang pakiramdam ko habang naaamoy ang lavender scent na siyang amoy ng liquid soap. "Hindi ka pa ba tapos? Huwag mong sabihin na matutulog ka na diyan?" narinig kong tanong. Buong akala ko pa naman ay wala na akong ibang kasama dito sa bathroom pero narito pa pala ang demonyo. "Ano naman sayo kung matulog na ako dito? Guminhawa nga ang pakiramdam ko ngayon nakababad na ako dito!" Pabalang kong sagot. Bakit ba narito pa siya? Pwede na naman siyang umalis na at iwan ako. Mamaya siguro ay kaya ko ng tumayo dito kapag nagtuloy-tuloy na gumanda ang pakiramdam ko. "Baka kasi pulmunyahin ka. Sipunin o

