"Ma, pasok na po ako sa school," pagpapaalam ni Light at saka nagmano sa kanan kong kamay. Ayoko pa sana siyang payagan na bumalik na sa ekwelahan ng dahil nga sa nangyari sa kanila nina Erin at Makoy. Pero mapilit na ang anak ko. Okay na raw ang pakiramdam niya at huwag ko na raw siyang alalahanin pa. Ayon din sa obserbasyon ko ay mukha naman talagang walang dinulot na trauma sa isip ni Light ang nangyaring krimen na sangkot siya. Inip na inip na raw kasi siya sa isang linggong absent siya sa school. Baka raw bumaba ang grades at mawala siya sa top honor students. Pero dahil nanay niya ako ay hindi maaalis sa akin ang agam-agam na baka may mangyari ulit na wala ako sa tabi niya. Mapapatay ko na talaga si Dark Lee kapag nagkataon. Sabi rin naman ng demonyong yon ay may nakatalaga

