"Nalugi na ba ang bangko sentral ng Pilipinas at ganyan ang mukha mo, Alexis?" tanong ni Joy na ng mapansin ako na nakatayo sa gilid ng hallway. Hinihintay ko kasi si Dark Lee na bumaba mula sa kanyang opisina. Meron daw kaming pupuntahan at kailangan niya raw ng kasama. Pangarap niya talaga ang pahirapan ako sa mga inuutos niya. Alam niyang hirap ako sa paglalakad pero heto at kakaladkarin niya ako sa kung saan na lakad na meron siya. Inirapan ko si Joy dahil ang aga niya rin akong iniimbyerna. Alam nila kung gaano labag sa kalooban ko ang maging personal na assistant ng isang demonyo. Akala lang kasi nila na ubod ng gwapo ang aming amo ngunit hindi ba nila nahahalata ang matutulis na pangil at mahabang sungay nito? Sadyang nakakabulag talaga ng paningin ang panlabas na anyo. "Isas

