"Alam mo naman sigurong ayusin ang mga yan? Habang inaayos mo ay magluto ka na rin ng tanghalian." Narinig ko na naman na utos ng amo ko na ang tinutukoy marahil ana ayusin ko ay ang mga binili namin. Hindi ko siya masyadong iniintindi dahil namamangha ako sa loob ng kanyang malawak na condo. Hindi siya siguro mahilig sa mga gamit kaya hindi na ako nagtataka na wala man lang kalaman-laman itong sala niya kung hindi isang malaking sofa set na kulay abo. Kulay light gray ang pintura at ganun din ang mga kurtina ng mga bintana. "Siya lang kaya mag-isa na nakatira dito?" sa loob-loob kong tanong. Wala rin akong makita na kahit isang retrato o kahit ang mukha ni Dark Lee ay walang naka display saan mang sulok. Ako na lang mag-isa ang nasa sala at hindi ko alam kung saan nagtungo ang akin

