"Sir, tapos na akong magluto ng hapunan mo. Siguro naman ay marunong kang sumandok ng kanin at ulam? Kailangan ko na ng umuwi dahil ala singko na rin naman ng hapon." Pagpapaalam ko na. Akala ko nga ay babalik kami sa company ngunit pagkatapos kumain ng tanghalian ni Dark Lee ay na tulog siya ulit at hinayaan lang ako na maging mukhang tanga. Gaya ng laging kong papel, naglinis na lang ako. Naglaba na rin ako ng marumi niyang mga damit at kung anu-ano pa ang mga ginawa ko huwag lang akong mainip. Hindi ko alam kong may tagapaglaba ba ang lalaking ito o siya na mismo ang naglalaba ng mga labahin niya. Kaya niya namang bumili ng bagong damit araw-araw kaya kahit itapon niya ang mga hinubad niya ay okay lang. Hindi makakabawas sa kayamanan niya. Wala talagang ibang tao sa condo kung hin

