Wala si Dark Lee. Hindi yata siya papasok ngayong araw o pwedeng sa ibang business niya siya nagpunta. Ayokong pumapasok sa opisina niya na ako lang mag-isa ang nasa loob. Mahirap na at kilala ko pa naman ang lalaking yon. Well, hindi ko siya masyadong kilala maliban sa batid kong iba siya, kakaiba siya, misteryoso siya, may kasamaan sa ugali niya. "Alexis, baka may sakit naman Sir Dark kaya siya wala ngayon? Kawawa naman si Sir, baka mamaya ay wala siyang ibang kasama sa bahay niya tapos giniginawa siya sa sobrang lamig. Walang nag-aasikaso sa kanya." Mga sapantaha ni Erica na niyakapa pa ang mop ng hawak na hawak niya. "Baka naman nakuha ng mag-alburuto ng tiyan? Kakakain ng longganisa? Hindi na makatayo at sobrang lambot na lambot na ang katawan. Ang malalala baka ma dehydrate na

