"Ganun lang pala kadali sa isanh Dark Lee ang manakit talaga ng kapwa? Parang walang nangyari at heto at prente siyang kumakain na parang wala lang?" mga tanong ko sa isip ko habang narito pa rin kami sa mismong silid kung saan naganap at nasaksihan ko ang pananakit ni Dark sa isa sa mga may utang sa kanya. Katabi ko si Agaton samantalang ang ibang mga lalaki na naririto sa loob kanina ay tila wala din na nangyari na lumabas na ng silid. "Miss Kabiling, kung mas maaga ka sanang dumating ay baka hindi ko nasaktan ang lalaking yon. Nagtitimpi pa ako sa kanya ngunit ng marinig ko ang pagkulo ng tiyan ko gutom ay naubos ang pagtitimpi ko," saad ni Dark Lee habag papikit-pikit pa na ngumunguya. Adik yata itong amo namin? Hindi naman siya nanganglumata o payat na para ng bangkay gaya ng it

