"Mabuti na lang nariyan si Erin at Makoy para tulungan si Light sa mga projects niya. Hindi ko na rin kaya ang maglakad ng malayo dahil ilang buwan pa lang tong tiyan ko ay para ba akong hirap na hirap na talaga sa paglakad," wika ko kay Ate April na naglilinis na dito sa kusina ng mga pinag gamitan sa pagluluto ng kanyang bestseller na mga kakanin. Biglang boom ang tinda ni ate na kung siguro ay pumasok pa rin ako bilang janitress sa kumpanya ay nagbebenta din ako sa mga kasamahan ko. Nakakamiss talaga ang kumayod para magkaroon ka ng panggastos. Maging ang pagtitinda ng lonnganisa ay itinigil ko na muna pati ang paggawa nito. Sina Ate April at Abby na rin daw ang bahala sa mga gastusin sa bahay dahil nga sa kalagayan ko. Paano na lang kaya kung wala ang mga kapatid ko ngayon? Mahira

