Nagkamalay na rin si Erin at Makoy kaya naka hinga na rin kami pare-parehong ng maayos at wala ng nasa bingit ng kamatayan. "Si Light pala ang pakay ng mga lalaking yon dahil kay Dark Lee," saad ni Ate April ng dumalaw sa silid ni Light. Kasalukuyan tulog ang anak ko ng nagpunta si ate para nga sabihin na okay na sina Erin at Makoy. Masyadong matapang ang pamangkin kong si Erin para sanggain ng mismong palad niya ang matalas na kutsilyo huwag lang mapahamak si Light. Kung lumabas lang ng patas ang hayop na lalaking sumaksak sa pamangkin ko ay kayang-kaya siyang pabangsakin ni Erin. Kaso nga lang ay nawala sa pokus si Erin ng makita na may kasama pa pala ang kidnapper na kinuha na nga si Light. Kung sanang kasing lakas ni Ate April ang anak ay baka matagal na niyang na suntok ang abus

