Episode 5

1044 Words
Ginahasa nga ako. Ang sakit tanggapin bilang babae na ang iniingatan kong puri ay nawala na lang bigla at hindi ko man lang mapangalanan ang taong gumawa sa akin nito. Sobrang sakit sa loob ko lalo pa at wala man lang akong ideya kung sino ang walang hiyang tao na gumawa sa akin ng isang uri ng kalapastanganan na hindi katanggap-tanggap. Anong nagawa kong kasalanan para mangyari sa akin ang bagay na ito? Sino ang taong iyon? Matay ko mang pigain at isipin ay wala talaga akong kahit na anong matandaan sa kung anong nangyari sa akin. Ang huli kong naalala ay ang pagpunta ko sa isang bar kung saan ko inaabangan ang pagdating ni Ivan. May lalaking lumapit sa akin at binigyan ako ng libreng inumin na siyang unti-unti kong sinisimsim habang inip na inip na sa paghihintay sa taong aking matiyagang binabantayan. Pagkatapos ay bigla na lang akong nakaramdam ng sobrang init na gusto ko ng maghubad ng damit kahit pa halos wala naman talagang takip ang aking katawan. Nawala na ako sa sarili ko ng mga sumunod na pangyayari at hanggang doon na nga lang ang natatandaan ko. Hanggang sa magising na nga akong nakahiga sa upuan sa likod ng isang sasakyan at itinapon na lang ng hindi kilalang mga lalaki sa harap ng aming bahay. Sino ang boss na tinutukoy nila? Sino ang hayop na lalaki na iyon na nagpakasawa sa katawan ko habang wala akong malay? Sino ang walang hiyang lalaki na iyon na dinungisan ang aking dangal na bukod tanging maipagmamalaki na meron ako? Dahil kung nagkataon na nasa sarili akong pag-iisip ay hindi niya ako siguradong basta magagalaw nga ganun na lamang at kahit hawakan man lang ang hibla ng aking buhok ay hindi niya basta magagawa. Sigurado ako sa sarili ko na lalaban ako kahit pa mamamatay ako. Pero hindi. Hindi siya patas lumaban. Sinadya niya akong linlangin para wala nga akong maging laban. Si Ivan ba? O ang lalaking nagbigay sa akin ng libreng drinks? O may ibang tao pa? "Walang hiya ka talagang babae ka! Nagalaw ang katawan mo ng kung sinong lalaki na hindi mo kilala dahil nasa ilalim ka ng impluwensya ng droga! Anong klaseng babae ka?! Rape victim ka bang matatawag kung ikaw naman ang dahilan kung bakit nangyari sayo ang bagay na yan! Drug addict ka kasi! Nakakahiya kang maging anak!" malakas na sigaw sa akin ni Papa habang nakahawak pa sa magkabila niyang baywang. Galit na galit talaga ang kanyang itsura at kung pwede lang bugahan niya ako ng apoy ginawa niya na. "Anong gagawin natin, Anton? Baka kumalat ang balita sa mga kakilala natin at bigla na lang tayong pagtawanan dahil nagkaroon tayo ng anak na rape victim at gumagamit ng droga? Baka imbestigahan pa tayo ng mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot ni Alexis sa drugs? Bakit ba tayo nagkaroon ng mga anak na wala na ngang mga silbi ay puro pa kahihiyan ang dulot sa atin? Nangyari na ito kay April at sinundan pa nitong si Alexis na mas malalala pa ang ginawang kahihiyan." Sabay sapo ni Mama sa kanyang noo na para bang nahihilo. Gusto kong maglaho na lang na parang bula. Biktima ako pero sa akin pa lahat ibinabato ang sisi ng sarili ko pang mga magulang na dapat ay siyang mga kakampi ko sa pinaka madilim na pangyayari sa buhay ko. Dalawang uri ng droga ang nakita na nakahalo sa aking dugo. Isang s*x drugs at ang isa ay mataas na uri ng droga na ayon pa sa doktor ay nag overdosed ako ng paggamit kaya halos wala na akong buhay ng isugod sa ospital. Mabuti nga raw at nabuhay pa ako at hindi tuluyan na namatay gaya ng iba na sumusobra sa pag take ng drugs. Pero sa totoo lang, sana nga ay namatay na lang ako. Sana nga ay hindi na ako nabuhay kung ganito rin naman ang kahihinatnan ko. Sa bawat masasakit na salita na naririnig ko kay Mama at Papa ay para bang paulit-ulit nila ako sinasaksak ng matalim na punyal sa katawan ko. Anong klaseng mga magulang ang meron kami ng mga kapatid ko? Bakit sila ganito kung magsalita sa amin lalo na sa akin na isang biktima ng isang kahindik-hindik na krimen. "Pa, Ma, hindi po ako gumagamit ng kahit na anong uri ng drugs. Sinusumpa ko po sa inyo. Hindi ko po gagawin ang bagay na alam kong makakasira sa pagkatao ko at sa pamilya natin. May masamang tao ang gumawa sa akin ng lahat ng ito at siya ang dapat kong hanapin at pagbayarin sa ginawa niya sa akin." Kahit nanghihina pa dulot pa rin ng epekto ng mataas na contain ng droga sa katawan ko ay pilit na talaga akong nag salita para ilaban kung ano ang katotohanan. Hindi ako gumagamit ng kahit anong uri ng ipinagbabawal na gamot. Hindi ako ganun at ipaglalaban ko ang katotohanan. "Hindi ka pa talaga gumagamit ng kahit anong drugs sa lagay na yan, Alexis? Doktor na ang nagsabi na dalawang uri ng drugs ang ginamit mo! Huwag ka ng mangatwiran pa dahil kahit na sino ay walang maniniwala sayo sa kalagayan mo ngayon! Nasaan ba talaga ang utak mo, Alexis at nakuha mo kaming ilagay ng Mama mo sa nakakahiyang kahihiyan na ito?!" asik na naman ni Papa. Sarado talaga ang utak nila na paniwalaan pa ang anuman na sasabihin at paliwanag ko. Sinabi ko na sa kanila ang mga natatandaan kong pangyayari bago ako mawalan ng malay pero wari bang bingi silang dalawa at sa akin lang talaga ang lahat ng mga sisi. Pasaway ako sa aming tatlo na magkakapatid at inaamin ko iyon pero kahit kailan ay hindi ko naisip na lumabag sa anumang batas pantao lalo na ang gumamit ng droga. Kuyom ang mga kamao ko habang iniisip kung sino ang posibleng gumawa sa akin nito. Hahanapin ko kung sino man siya at pagbabayarin sa kahihiyan na inabot ko. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa kalapastanganan niyang ginawa sa katawan ko. Ang gahasain ako at lagyan pa ng droga para maging masama ako sa paningin ng lahat lalo na sa aking mga magulang. Pero wala talaga akong matandaan. Sumasakit lang lalo ang ulo ko sa tuwing tatangkain kong mag-isip at pilitin na na maalala ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD