Episode 6

1054 Words
Dahil sa takot ng mga magulang kong malagay sa kahihiyan ang kanilang pangalan ay hindi nila ako pinauwi sa bahay at nanatili lamang ako sa ospital ng halos isang buwan. Wala akong sakit pero narito pa rin ako sa apat na sulok ng silid na ito. Malamang na binayaran ng mga magulang ko ang pananatili ko rito kaya hindi ako pinalalabas ng mga doktor o kung sinuman ang nagmamay ari ng private hospital na ito. Hindi ko talaga matanggap ang masaklap na nangyari sa akin kaya talagang may pagkakataon na nagwawala ako sa loob ng silid na ito. Binabato at sinisira ko ang anuman na gamit na mahawakan ko kaya naman inalis nila ang lahat ng mga bagay na pwede ko pang sirain. Pakiramdam ko, baliw na ako. Para bang kahit okay naman ang takbo ng pag-iisip ko ay unti-unti na akong nasisiraan ng bait. "Alexis!" Lumiwanag ang loob ng aking silid ng may magbukas ng pinto nito at saka tinawag ang pangalan ko. "Ate!" bulalas ko ng makita ang panganay kong kapatid. Sinugod ako ng mahigpit na yakap ni Ate April. Napuno ng galak ang puso ko ng makita kong narito siya. "Anong nangyari? Sabi nina Mama at Papa gumamit ka raw ng drugs kaya ka nila ikinomfine dito?" ang lumuluhang mga tanong ng nakakatanda kong kapatid. Matigas akong umiling sakbibi na rin ng aking pagtangis. "Maniwala ka, ate. Hindi ako iyon magagawa. Hindi ako gagamit ng ganung uri ng gamot. May taong gumawa ng ganun sa akin. Maniwala ka, Ate April, maniwala ka." Ang pagmamakaawa ko kay Ate. Gusto ko kahit siya lang ay maniwala sa akin. Hinawakan ni Ate April ang magkabila kong pisngi. "Siyempre naniniwala ako sayo. Kapatid kita, Alexis. Mula pagkabata ay kilala ko ang pagkatao mo kaya hindi mo kailangan na patunayan ang kahit na ano para paniwalaan kita. Ate mo ako at ako ang unang kakampi sayo." Lalo akong naiyak sa mga narinig kay Ate April. Kahit kailan ay lagi niya akong pinaniniwalaan. Lagi siyang nariyan sa aming dalawa ni Abby. "Salamat, ate. Gulong-gulo na ako. Iniisip ko nga na baka nga nababaliw na ako sa paglipas ng mga araw sa kakaisip kung sino ang gumawa sa akin ng kahayupang ito, Ate. Pagbabayarin ko siya. Hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nakikilala. Lintik lang ang walang ganti," saad ko sa nanggigil na tinig. Hindi ako papayag na ganun na lang ang lahat. Wala man akong maalala na kahit na ano ay naniniwala akong walang lihim o sikreto ang hindi nabubunyag. Mahahanap at mahahanap ko kung sino ang taong lumastangan sa katawan ko. Determinado akong hanapin siya at bigyan ng karampatang parusa. "Magpalakas ka, Alexis. Kailangan mong ipakita na nasa tamang katinuan ka kung ayaw mong ipadala ka nina Mama at Papa sa mental institution gaya ng kanila ng pinag-iisipan ngayon." Napatda ako sa nalaman impormasyon. Talagang wala rin sa tamang pag-iisip ang mga magulang ko. Sila dapat ang ipadala sa mental hospital para kahit paano naman ay magamot ang makitid at sarado nilang utak. "No! Hindi ako papayag, ate. Hindi ako baliw!" asik ko. Hinayaan ko na nga na ikulong nila ako dito sa ospital kahit magaling na ako ngayon naman ay balak pa nila akong ipasok sa ospital ng mga baliw. Hindi ko lubos maunawaan kung anong klaseng utak meron ang mga magulang namin ng mga kapatid ko. Naturingan silang matatalino at makapangyarihan. Ngunit wala talagang silang konsensya at puso. Sarili nilang anak na biktima ng pang-aabuso ay balak talaga nilang itago dahil sa mas pinaniniwalaan nila na adik ako sa pinagbabawal na gamot. "Alam ko naman, Alexis. Pero kilala mo ang mga magulang natin. Gagawa at gagawa sila ng paraan para maitago sa kahit na sino itong nangyari sayo. Sinubukan ko silang pakiusapan ngunit hindi talaga sila tumatanggap ng kahit na anong opinyon galing sa iba. Hayaan mo at iisip pa ako ng paraan para hindi ka nila dalhin sa kahit na anong ospital sa utak," saad ng ate ko. "Ate, huwag na. Baka ikaw naman ang mapag initan nilang dalawa. Kaya ko na itong laban na ito, ate. Hindi ako gumamit ng kahit anong uri ng drugs at iyon ang ipaglalaban ko." Buo ang loob kong sambit sa panganay kong kapatid. Baka siya pa kasi ang saktan ng mga magulang namin sa oras na ipagpilitan niya kung anuman ang nais niyang sabihin tungkol sa akin. Alam ko kung gaano na ang paghihirap at pagtitiis ni Ate April sa kanyang asawa kaya ayoko ng dagdagan pa. Masyado ng bugbog ang katawan at isip ng nakakatanda kong kapatid para dumagdag pa ako. Mas matapang ako kung ikukumpara kay Ate April na tahimik na lang at umiiyak sa isang sulok. Hindi siya lumalaban at hinahayaan na lang na siya ay saktan na hinding-hindi ko hahayaan na mangyari sa akin. Kaya makalabas lang ako dito sa ospital ay hahanap akonng kahit na anong ebidensya na magtuturo sa akin kung sino ang taong dapat kong panagutin at singilin. Lintik lang ang walang ganti. Nagpakasasa na nga siya sa katawan ko ay nagawa niya pa talaga akong palabasin na drug addict. Malamang na inisip ng gagong iyon na hindi ko kakayanin ang mataas na uri ng drugs na isinaksak siya sa loob ng katawan ko kaya baka sa mga oras na ito ay inakala niya ng patay ako. Pero hindi. May dahilan kung bakit pa ako nabuhay sa kabila ng lahat. At iyon ay ang hanapin siya at pagbayarin sa ginaww niya sa akin. Kaya naman galingan niyang magtago para hindi ko siya mahanap. "Tatakas ako, ate. Hindi ko na kakayanin pa na magtagal dito sa loob ng ospital habang ang taong gumawa sa akin nito ay malaya." Puno ng pag-aalala ang mukha ni Ate April ng marinig ang sinabi ko. "Alexis, hindi naman sa ayoko na magkaroon ng hustisya ang nangyari sayo pero baka mapahamak ka lang kapatid. Kung isang mataas na uri ng droga ang nakita sa katawan mo ay malamang na may pera at sinasabi sa buhay kung sino ang kriminal na iyon. Ayokong mas lalo kang mapahamak, Alexis." May punto si Ate April. Pero wala akong pakialam kahit sino pa siya. Kahit siya ang pinaka mayaman na tao sa buong mundo ay walang makakapigil sa akin na balikan siya at singilin. Sinira niya hindi lang ang puri ko kung hindi maging ang buong pagkatao ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD