Episode 7

1257 Words

Wala akong maasahan na kahit anong tulong sa mga magulang kaya dapat na akong kumilos para sa sarili ko. Hinubad ko ang hospital gown na siyang naging kasuotan ko sa pananatili sa hospital. Mabuti na lang at may dala-dalang mga damit para akin si Ate April maliban pa sa mga pagkain at konting pera na dala niya ng dalawin niya ako para malaman ang tunay kong kalagayan at kung ano nga nangyari sa akin. Hindi ako pwedeng manghingi ng tulong sa panganay kong kapatid dahil baka siya naman ang pag-initan ng aming mga magulang at ang malala ay baka isumbong pa siya sa kanyang asawa. Si Abby naman ay pinagbawalan akong dalawin. Mahina ang loob ng bunso kong kapatid kaya kahit na hindi tama ang utos ng mga magulang namin ay wala siyang magawa kung hindi ang sumunod na lamang. Si Ate April ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD