Ilang beses akong nagpabalik–balik at nakiusap sa pamunuan ng bar na kung maaari ay makita ko ang mga cctv camera na naka install sa paligid ng lugar para malaman ko kung paano ako nakaalis sa loob bar at kung sino ang kasama ko. Ngunit kahit anong gawin kong pakiusap at pagmamakaawa ay iisa lang ang naging sagot nila. Hindi pwede. Kahit nakakahiya na malaman ng ibang tao ang nangyari sa akin ay napilitan na akong sabihin para pagbigyan lang nila ko ngunit hindi pa rin sila pumayag. Nagpupuyos man ang dibdib ko sa galit ay wala akong magawa kung hindi ang umalis na lang dahil naiinis na rin sa akin ang manager ng bar at nagbanta na tatawag ng mga pulis dahil nakakaabala na ako sa kanya at sa kanyang trabaho. Gusto ko lang ng hustisya pero bakit parang ayaw umayon sa akin ng lahat? An

