"Ma, kung uuwi po tayo ngayon sa kina Lolo at Lola ay bakit ganyan po kayo umiiyak? Mula po kagabi ay naririnig ko na kayong umiiyak? May nangyari po ba?" ang hindi na makatiis na tanong ng anak ko sa akin. Tama si Light. Mula kagabi ng tahimik na buong paligid ay naramdaman ko na ang lungkot at pangungulila sa aking mga magulang na ngayon ay wala na. Hindi ko na makakausap kahit kailan pa. Pinigil ko ang mga luha ko ngunit patuloy pa rin sa pag-agos sa aking mga mata. Paano ko ba sasabihin sa anak ko na ipapakilala ko siya sa mga magulang ko na Lolo at Lola niya kung kailan patay na ang mga ito. Kung kailan wala ng mga buhay. Kagat ang labi ko para pigilan ang sarili kong maiyak na naman ngunit hindi ako nagtagumpay. "Wala na kasi sila, anak." Pag-amin ko sabay yakap sa anak ko han

